05/05/2024
WARNING/ BABALA
(PLEASE HELP US SHARE THIS WARNING/ PAKITULUNGAN NYO PO KAMING IPALAGANAP ANG BABALANG ITO)
We urgently need to inform and caution everybody about a critical issue concerning the unauthorized usage of our esteemed institution's name. It has come to our attention that the BLOCK ROSARY COMMUNITY - ST. ANTHONY CHURCH, as prominently displayed in the posted photo, is illicitly appropriating our parish's name without consent. BLOCK ROSARY COMMUNITY-ST. ANTHONY CHURCH is neither affiliated with nor recognized by the St. Anthony Latin Parish - Jaffa. Any masses, sacraments, liturgical celebrations, pilgrimages, trips, or events organized under this name, as well as any individuals associated with this group, are neither acknowledged nor endorsed by our parish. This extends to the collection of donations and any financial contributions.
As your shepherds, we cherish the integrity and sanctity of our church's name. It deeply troubles us to witness its exploitation for purposes beyond our jurisdiction. The unauthorized utilization of our parish's name, as witnessed during the Santacruzan event in Ein Karem, is deeply concerning as it not only misleads our community but also violates both legal and ethical standards. We must caution that any further use of the name "St. Anthony Church" will compel us to pursue appropriate legal action to safeguard the integrity of our parish's name.
THANK YOU AND MAY THE LORD GIVE YOU PEACE!
-----------------------------------------------------------------
Nais naming agarang ipaalam at balaan ang lahat hinggil sa isang kritikal na isyu patungkol sa hindi awtorisadong paggamit ng pangalan ng aming iginagalang na institusyon. Napansin namin na ang BLOCK ROSARY COMMUNITY - ST. ANTHONY CHURCH, tulad ng maliwanag na ipinakita sa larawang naka post, ay labag sa batas na ginagamit ang pangalan ng aming parokya nang walang pahintulot. Ang BLOCK ROSARY COMMUNITY- ST. ANTHONY CHURCH ay hindi konektado o kinikilalang bahagi ng St. Anthony Latin Parish - Jaffa. Ang anumang mga misa, sakramento, liturhikal na pagdiriwang, pilgrimage, trips, o anumang mga kaganapan na inorganisa sa ilalim ng pangalan na ito, pati na rin ang sinumang kabilang sa grupong ito, ay hindi kinikilala at hindi sinusuportahan ng aming parokya. Kasama na rito ang paglikom ng donasyon at anumang kontribusyong pinansyal.
Bilang inyong mga pastol, pinahahalagahan namin ang integridad at kabanalan ng pangalan ng ating simbahan. Malalim na nababahala kami sa pagsasamantala nito para sa mga layunin sa labas ng aming hurisdiksyon. Ang hindi awtorisadong paggamit ng pangalan ng ating parokya, katulad ng naganap na Santacruzan sa Ein Karem ay hindi lamang pangdaraya o panloloko kundi paglabag din sa batas at etikal na pamantayan. Kailangan naming magbabala na ang anumang karagdagang paggamit ng pangalan na "St. Anthony Church" ay magtutulak sa amin upang kumilos ng naaangkop na legal na hakbang upang pangalagaan ang integridad ng pangalan ng ating parokya.
MARAMING SALAMAT PO AT PAGPALAIN KAYO NG MAYKAPAL!
FR. AGUSTIN PELAYO, OFM (SGD)
Parish Priest
St. Anthony Latin Parish
FR. CARLOS SANTOS, OFM (SGD)
Priest-in-Charge
St. Anthony Filipino Community