Mahal na Ingkong - Diyos Espiritu Santo Ang Alpha at Omega

Mahal na Ingkong - Diyos Espiritu Santo Ang Alpha at Omega Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mahal na Ingkong - Diyos Espiritu Santo Ang Alpha at Omega, East Jerusalem.

"ANG MAHIWAGANG PAGKAKATALAGA AT PAGHIRANG NG PANGINOON SA KANYANG BABAING MAKAKA-ISANG DIBDIB" Ave Maria Purissima... "...
30/08/2025

"ANG MAHIWAGANG PAGKAKATALAGA AT PAGHIRANG NG PANGINOON SA KANYANG BABAING MAKAKA-ISANG DIBDIB"

Ave Maria Purissima...

"Mapalad ang mga inanyayahan sa piging sa kasal ng Kordero" Pahayag 19:9

"Ako lamang ang nakakaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap. Kung maganap na ito, kayo'y tatawag, lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. Ako'y hahanapin ninyo't masusumpungan kung BUONG PUSO ninyo akong hahanapin. Oo, ako'y matatagpuan ninyo, sabi ng Panginoon. "
Jeremias 29:11-14

ANG MAHIWAGANG PANUKALA TUNGKOL SA KASINTAHANG BABAE

Ang itinakdang Babae [Santa Maria Virginia] na makaka-isang dibdib ng Kordero ay hindi na ISINANTABI ng Diyos sa ating panahon. Samakatuwid, siya'y ganap ng iniharap sa madla! Maipapakilala na rin ng Panginoon ang kanyang sarili at maipapamalas na rin niya ang kanyang buong pagka-Diyos [Santisima Trinidad]. Kapag maibuhos na niya ang kanyang walang hanggang Kapangyarihan [Espiritu Santo] sa kanyang mga hinirang. Magaganap ito, kapag silang lahat ay maitalaga na sa Katotohanan at maparangalan ng Panginoon sa kanyang harapan. Sila ang paparating Niyang bagong bayan [mga tinubos sa dugo ng Kordero] na maitataguyod ng Panginoon sa tulong ng kanyang matapat, masintahin at matiising Esposa at Luklukan [Santa Maria Virginia].

MAIKLING PAGKILALA KAY MARIA VIRGINIA

Si Maria Virginia P. Leonzon a.k.a "Mama Viring" o "Santa Maria Virginia" ay isang aktibong mananampalatayang Romano Katoliko. Siya'y marubdob sa pagdedebosyon sa Buhay na Cristo sa Kabanal-kabanalang Sakramento sa Tabernakulo at sa Santo Rosaryo ng Mahal na Inang Birheng Maria. Likas sa kanya ang may ginintuang-puso, sapagkat tunay ang pagmamalasakit, pagkamatulungin at pagmamahal niya sa kanyang kapwa-tao na naipadama niya sa kanila.

Dumating ang pagkakataon na siya ay napiling maging Rectora ng Cursillo ng Pangkababaihan noong taong 1970. Ito na rin ay kalooban ng Panginoon upang siya'y kumilos na at ng maganap ang kanyang mga winika sa Babaeng kanyang itinakda [Santa Maria Virginia]. Pasimula pa lamang ito ng Panginoon upang ang lahat ng bagay ay umayon sa kanyang kalooban ng mapasimulan na niya ang pagsasatupad sa kanyang mahiwagang panukala na magsisimula sa pagtatalaga at paghirang sa Kasintahang-Babae (Pahayag 21). Sapagkat ang pagbabago ng lahat ng bagay ay magsisimula na at nagsimula na nga at kasama rito ang kaluwalhatiang sasa-atin (2 Corinto 5:5).

Sana nga ang bawat isa sa atin ay makatanggap ng pagpapalang ito. Kaya maging handa sa Mabuting Balitang ito. Ihanda rin ang puso at buksan ito palagi para sa ating Panginoon ng siya'y madali nating masumpungan. Salamat Panginoon, Maranatha!

ANG CURSILLO

Ang CURSILLO ay isang Apostolikang Kilusan na pag-aaral na pinasinaya ng mga kapatid nating Romano Katoliko. Ditoโ€™y nakatuon ang pagsasabuhay at pagpapalalim ng ugnayan kay Jesu-Cristo na siyang sentro ng pananampalataya ng lahat ng kristiyanong lumalapit sa kanya, lalo na ang pagiging masugid na taga-tanod sa kanyang Kabanal-kabanalang Sakramento (Eukaristiya).

Ang banal na pagtitipon sa Cursillo ng mga mananampalatayang Kristiyano sa Dambana ay ginamit ng Panginoon [Espiritu Santo] bilang pagkakataon at eksaktong pook upang magsagawa siya ng isang "HIMALA" himalang magpapatunay at magpapatotoo sa lahat na makatarungan at matuwid ang gaganaping hayagang pagpapakita ng Panginoon [Espiritu Santo] sa pagitan ng itinakdang Kasintahang-Babae, dahil sa kanyang Maluwalhati at Marilag na Pagpanaog.

Sapagkat sa kanyang muling pagpanaog at pagparito [Second Pentecost] ay bahagi ang itinakdang Kasintahang-Babae upang magampanan na niya ang kanyang pagiging Ikatlong Persona [Espiritu Santo] ng Santisima Trinidad, sa iisang Diyos. Upang tuparin ang mga pangako at sinabi ng Anak [Jesu-Cristo] sa kanyang mga alagad. Siya ang ipingakong Espiritu Santong muling susuguin ng Ama na kumakatawan sa pangalan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon.

โ€œPagkatandaan ninyo! Darating siyang nasa mga alapaap, makikita ng lahat, pati ang umulos sa Kanyang tagiliran; dahil sa Kanya, iiyak ang lahat ng lipi sa lupa. Magkakagayon nga. Amen.โ€
-PAHAYAG 1:7

ANG PAGLUKLOK AT PAGLUKOB NG ESPIRITU SANTO SA KASINTAHANG-BABAE

Dito naganap nga ang patotoo ni Juan.
"Makikita mo ang ESPIRITU na bababa
at mananatili sa ISANG-TAO"
JUAN 1:33

Habang nananalangin si +Santa Maria Virginia, ang itinakdang Kasintahang-Babae ng Kordero sa Tabernakulo kung saan naroroon ang kaluwalhatian ng Buhay na Cristo [Espiritu Santo] ay may puting ulap ang dumating sa kanya at pinalibutan siya nito hanggang siya'y matakpan ng lubusan. Iniangat siya nito hanggang sa maging kapantay na ng Tabernakulo. Nagliwanag ang buong katauhan niya hanggang sa magmistulang maging kalarawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na buong-buo [Transfiguration] na duguan ang buong katawan at mga paa niya'y hindi na nakalapat sa lupa. Pagkatapos, ang Panginoon ay nagwika sa mga taong naroroon sa Dambana.

"Mga anak, magbago na kayo! Halikayo at kayoโ€™y Aking huhugasan sa inyong mga kasalanan. Ako ang Espiritu Santo. Mula sa inyong lahi, Ako'y tatawagin ninyo sa pangalang Ingkong, ang Alpha at Omega. Ako'y nauuhaw, Ako'y nauuhaw, Ako'y nauuhaw."

Pagkatapos, magwika ang Panginoon ay bigla na lamang itong bumagsak. Sa pagkakabagsak ay nasumpungan ng mga taong naroroon si Santa Maria Virginia na nakahandusay, duguan ang buong katawan sa kanyang puting kasuotan, bakas ng pagkakaluklok sa kanya ng Panginoon. Tinanong siya nito kung anu nangyari sa kanya, ang sagot niya'y wala siyang maala-ala; kundi parang isang panaginip na dinala siya sa Paraiso ng langit at binigyan ng Panginoon ng isang malaking misyon sa tao.

Dahil sa kapuspusang ginawa ng Kapangyarihan ng Panginoon [Espiritu Santo] ay tunay ngang naging maliwanag at maluwalhati ang pagpanaog, pagluklok at paglukob niya sa buong pagkatao't katauhan sa itinakdang Kasintahang-Babae [Santa Maria Virginia] bilang naging kanyang Esposa't Luklukan. Magmula nito'y hindi na nilisan ng Espiritu Santo ang Babae. Bagkus siya'y nananatili at nananahan hanggang sa matupad niya ang kanyang misyon sa tao.

MGA UNANG SAKSI NG PANGINOON
[ESPIRITU SANTO]

Ang maluwalhating pagpapakitang ito ng Panginoon [Espiritu Santo] ay naging mabagbag-damdamin para sa lahat ng naroon upang sila'y buong pusong mangagsisi, magpakumbaba at tumangis sa kanilang mga kasalanan. Naging susi ito ng maging ganap at muling mabuhay ang natutulog nilang pananampalataya. Dahil dito'y pinaramdam ni Cristo Jesus sa kanilang puso ang pagdaloy ng kanyang walang hanggang biyaya na bunga kanyang ng Pag-ibig sa kanyang Muling Pagkabuhay. Ito ang tubig na nagbibigay-buhay na tatanggapin ng kanyang mga tapat na tagasunod sa pamamagitan ng Espiritu Santo (Soul of Christ). (Juan 7:38-39)

Ang mga saksi sa kaganapang ito'y nagsimulang maniwala at manalig sa Kapangyarihan ng Diyos, ang Espiritu Santo [Mahal na Ingkong]! Dahil sa pananalig, hindi maikakailang makikilala ng bawat pusong naroroon ang ating Panginoon.

Gloria In Excelsis Deo... Alleluia...๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

Ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa ating Mahal na Inang Birhen Maria(Immaculate Concepcion)-Decemb...
08/12/2024

Ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa ating Mahal na Inang Birhen Maria
(Immaculate Concepcion)
-December 08

"Ang puno ng mangga ay hindi maaaring mamunga ng mansanas kundi mangga rin. Kaya't ang Birheng Maria ay ipinaglihi sa Kalinisan at isinilang na BANAL upang magsilang rin ng taong banal o maisilang rin si Cristo Jesus na banal!"

Ave Maria Purissima...

Suma-atin nawa ang Pag-ibig, Kapayapaan, Karunungan at Kabanalan ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Higit rin nawa nating mapanatili, mapag-ingat, mapag-yaman at mapa-unlad sa ating buhay pananampalataya ang may malinis at banal na pamumuhay gaya ng ipinakitang halimbawa ng Diyos sa atin sa naging buhay ng ating Mahal na Inang Birhen Maria at winiwika ng Mahal na Ingkong; "Huwag na kayong magkakasala pa. Yayamang kayo'y Akin ng nahugasan buhat sa inyong mga kasalanan"

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia... ๐Ÿฉต๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

Viva Cristo Rey! ๐Ÿ•ฏ๏ธโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ๐Ÿ•ฏ๏ธAve Maria Purissima...Isang malaking karangalan at kagalakan sa aming puso na Ika'y aming masum...
23/11/2024

Viva Cristo Rey! ๐Ÿ•ฏ๏ธโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ๐Ÿ•ฏ๏ธ

Ave Maria Purissima...

Isang malaking karangalan at kagalakan sa aming puso na Ika'y aming masumpungan, makita at mapaglingkuran aming Panginoong Diyos mula sa Iyong Kabanal-banalang Sakramento (Blessed Sacrament) sa bawat lugar; pook o bayan ng aming bansa at sa buong mundo na nakiki-isa sa Pagtatanghal sa Iyo bilang aming Dakilang Hari at Tagapagligtas.

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia... ๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

VIVA CRISTO REY!Christus Vincit, Christus Regnat, Christus Imperat!"Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na ...
18/11/2024

VIVA CRISTO REY!
Christus Vincit, Christus Regnat, Christus Imperat!

"Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na Niya ang Kanyang Kapangyarihan bilang HARI! Ipinamalas na ng MESIYAS ang Kanyang karapatan!"
PAHAYAG 12:10

Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na mga lingkod niya, maging dakila at hamak, kayong may banal na takot sa kanya! Purihin ang Panginoon! Sapagkat NAGHAHARI ang Panginoon, ang ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Dapat tayong magalak at magsaya; purihin natin ang kadakilaan niya dahil sa naganap na pag-iisang dibdib ng Kordero at sa Kasintahang-Babae. PAHAYAG 19:5

"Matatagpuan sa lunsod ang Luklukan ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin Siya ng kanyang mga lingkod. Makikita nila ang Kanyang mukha at masusulat sa kanilang + noo ang Kanyang pangalan. Doo'y walang gabi, hindi na sila nangangailangan ng mga ilawan o ng liwanag ng araw, pagkat ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila, at MAGHAHARI sila magpakailanman." PAHAYAG 22:3

"Nakatayo sila sa harap ng Luklukan at ng Kordero, nakadamit na puti at may hawak na mga palaspas. Sabay-sabay nilang sinabi, Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa Luklukan!"
PAHAYAG 7:9

Ave Maria Purissima...

Dakilain, Luwalhatiin at Sambahin Ka ng buong sangsinukob, aming Mahal na Ingkong, ang Diwang Banal ng Mesiyas (Anima Christi/Soul of Christ). Banal sa banal ang Iyong Bagong Pangalang ipinagkaloob sa mga hinirang (PAHAYAG 3:12), pangalang kumakatawan sa Hari ng mga Judio, ang Panginoon ng mga panginoon, ang Panginoon ng mga buhay at mga patay, ang Buhay na Diyos na di-nakikita at walang kamatayan. Ang Simula at ang Wakas.

Dahil sa ating ginawang pakikipag-kaisa sa Kanyang Espiritu at sa Katotohanan, ang Mahal na Ingkong. Tayo naman ay Kanyang tinulungan sa ating mga kahinaan at pinatnubayan. Ang pangkaraniwang palaspas ay hindi lamang naging isang bagay na panggamit sa pagdiriwang at paggunita sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem (Palm Sunday), kundi ito'y naging Simbulo ng Katagumpayan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Una ang ating katagumpayan na tanggapin natin ang mga pagpapalang espirituwal (sa Bautismo ng Espiritu Santo) buhat sa Kapangyarihan ni Cristo Jesus at sa ating Diyos na lumalang. Pagkatapos ay ang katagumpayan naman ng pagpasok ni Cristo at ng ating Diyos sa ating buhay, sa buo nating pagkatao; puso't kaluluwa, kasama ng ating mga espiritung tatak, ang Banal na Gabay na mga anghel, santo't santa na ipinagkaloob sa bawat isa sa atin (PAHAYAG 2:17).

Sa pakikipagtulungan ng Espiritu ng Diyos, ang ating pananalig at pagsaksi sa Katotohanan ay nagkaroon ito ng bunga. Noong panahong una tayong makaharap sa Panginoon. Tayo'y tunay na ginamot ng Mahal na Ingkong, sa lahat ng uri nating sakit at sa lahat ng maruming nakakasira sa ating katauhan; espiritu, kaluluwa at katawan. Bilang Ingkong ay kinuha at inalis Niya ang lahat ng ito sa Pangalan at Handog ni Cristo Jesus (Ibinubong Dugo) ng tayo'y ganap na luminis at mapawalang-sala. Pagkatapos tayo naman ay pababanalin sa Kanyang Kapangyarihan at Pag-ibig nang tayo'y manatiling buhay na kasama ng Diyos magpakailanman at upang tayo'y makaharap sa ating Panginoon ng malinis, banal at walang batik bahid dungis kasalanan.

At ngayo'y malinis na tayo ay lubusan na ngang makakapasok at mananahan sa piling natin ang Espiritu Santo; sa ating puso't kaluluwa. Ito'y hudyat na tayong mga hinirang; binasbasan at tinatakan ay ipinailalim na sa Kapangyarihan ni Cristo na mga pinaunang pinagkalooban ng kaligtasan ng maging ganap ang Kanyang Paghahari at Pamamahala, kasama ng Ama, sa kalahat-lahatan.

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia...๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

ANG DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI"Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan...
17/11/2024

ANG DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI

"Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, at kalakasan, Papuri, paggalang at pagdakila!" PAHAYAG 5:12

Ave Maria Purissima...

Tayong mga Kristiyanong Katoliko at mananampalataya sa iisang Diyos na may Tatlong Persona, ating itinatanghal, ikinagagalak at iniluluwalahati ang ating Panginoong Jesu-Cristo bilang HARI, ang Mesiyas na ating Manunubos at Tagapagligtas. Ang Hari ng Israel, Hari ng mga Judio, Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon at Panginoong Hari sa lahat ng panahon. Ang Alpha at Omega.

Ang Kapangyarihan Niya'y walang hanggan, kaya't ang Kanyang Paghahari at pamamahala ay walang hanggan. Ang Pagiging Hari at Panginoong Diyos ni Cristo ay hindi lamang napapaloob sa isang simbahan, sekta, samahan o bansa, kundi sa buong sangsinukob, sa lahat ng sangnilikha, sa langit at sa lupa.

Ang Paghahari Niyang ganap ay hindi isang marahas na pamamaraan o sapilitan, upang Siya'y kilalanin, tanggapin at sambahin. Ang Paghahari Niya'y may kaugnayan sa ating pananampalataya at pananalig. Bahagi ng Soberanya ni Cristo ay ang pangalagaan at ingatan ang buong sangkatauhan sa bawat buhay nitong pang-literal at lalong higit ang buhay pang-espirituwal, sa mga moralidad na pamumuhay, hindi kasama rito ang politikal o ang makamundong-pamumuhay, kundi ito'y tumutukoy sa pag-ibig, buhay at kaligayahan natin na kasama at kapiling ang Diyos magpakailanman.

Dahil sa ating PANANAMPALATAYA ngayon sa panahon ng Ikalawang Pentecostes ay nabuo nga ang Paghahari ni Cristo sa sangkatauhan, sa bawat puso natin, nang ating tinanggap ng buong-buo ang hindi matanggap ng sanlibutan, ang Espiritu ng Katotohanan (Juan 14:15). Tayo'y naging ganap na bahagi sa iisang Katawang-Mistiko ni Cristo Jesus ng tayo'y nakipag-kaisa sa Kanya ng ating masumpungan at makilala ang isa pang Persona ng iisang Diyos, ng Santisima Trinidad, ang Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong na nagbigay sa atin ng bagong-buhay at bagong pag-asa dahil sa Kanyang-dalang mga kaloob sa atin, ang Biyayang Espirituwal, ang gantimpalang bunga ng Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Ngayon na natanggap na natin ang Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong at ang Kanyang Bautismo ay ganap na nga tayong pinanahan at pinaghaharian ni Cristo at ng Ama dahil sa ating bagong buhay at kalinisang natanggap buhat sa Kanyang Kapangyarihan bilang Diyos.

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia... ๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™Mapalad tayong mga tinawag sa ngalan ng paglilingkod at pagbabanal, sa kaganapang ito ng Ikat...
29/10/2024

๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™

Mapalad tayong mga tinawag sa ngalan ng paglilingkod at pagbabanal, sa kaganapang ito ng Ikatlong Persona ng Santisima Trinidad, ang Espiritu Santo, sapagkat tunay na buhay at kaligayahang walang hanggan ang ipinagkaloob sa atin ng ating Buhay at iisang Diyos.

Hilingin natin ang katagumpayan ng bawat isa para sa ating buhay pagbabanal dito sa lupa. Nang sa gayon ay maging ganap at suma-sa atin parin ang ipinamanang buhay na walang hanggan ng Diyos sa ating puso't kaluluwa nang lubusan Niya tayong makasama sa Kanyang paraiso at maging isang ganap na banal na pinaghaharian Niya, ngayon at magpakailanman. Amen

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia...๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

Vivant angeli et sancti Dei! quae nobis concessa sunt.๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™Maligayang Kaarawan sa ating lahat!Maag...
29/10/2024

Vivant angeli et sancti Dei! quae nobis concessa sunt.

๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™

Maligayang Kaarawan sa ating lahat!

Maagang Pagbati sa paparating na Araw ng mga Banal na araw din sa lahat ng mga hinirang ng Diyos.

Hindi natin inaasahan na higit pa ito sa sapat, ni hindi ito maibibigay ng sinuman, ni matutumbasan o mahihigitan ng anumang bagay sa lupa, ang natanggap nating walang hanggang pagpapalang kabusugan at kasaganahan ng ating kaluluwa't espiritu, na ibinuhos sa ating mga puso, sa lubos nating ikaliligtas at ikaluluwalhati. Mula sa Pag-ibig ng Diyos Ama, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong.

Higit pa natin nawa masumpungan sa ating puso, sa ating pananampalataya, kasama ang Patnubay at Pagsubaybay ng ating Mahal na Inang Birhen Maria, at ng ating mga espiritung banal na + tatak na gabay, ang tunay na pagsunod at paglilingkuran, sa kalooban ng ating iisang Panginoong Diyos, mula sa Ama, Anak at Espiritu Santo, ngayon at magpakailanman.

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia...๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

"Kapistahan ni Santo Juan Pablo II,Papa ng Roma, Martir"Oktubre 22๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™Si Santo Juan Pablo II, ay ...
22/10/2024

"Kapistahan ni Santo Juan Pablo II,
Papa ng Roma, Martir"
Oktubre 22

๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™

Si Santo Juan Pablo II, ay naging tanyag na Papa ng Roma dahil sa Patnubay ng Espiritu Santo. Angkin taglay niya ang "Karisma" sa pagbibigay inspirasyon sa mga tao, lalo't higit sa mga kabataan. Kaya't maraming mga kristiyano ang nahikayat muli nito na isa-puso at isa-buhay ang kanilang pananampalataya bilang mga Kristiyanong taga-sunod ni Cristo.

Sa ibang aspeto ng ating pananampalataya bilang mga Kristiyanong Katoliko. Dito sa ating Bansang Pilipinas, mas higit ang pagpapalang ating natanggap buhat sa Diyos, ang "Biyayang Espirituwal" sa mga kaloob ng Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong, sa lalo nating ikakapaging-banal at ikaluluwalhati ng ating mga kaluluwa. Kaya't ibinigay sa atin ang tanda ng pagiging-ampong anak ng Diyos, ang "Krus Kabanalan" na nakaukit sa ating mga noo. At ito ang pasimula ng Diyos, ang layunin Niya, nang higit na baguhin ang mundo, ang sanlibutan, ang sandaigdigan, sa pagsasailalim sa pamamagitan ng Kanyang Kapangyarihan (Espiritu Santo) sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia...๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

Ang Banal na Mensahe ng Mahal na Seรฑor Noemi. -Oktubre 23, 1990's๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™Nawa patuloy ang tao na kila...
21/10/2024

Ang Banal na Mensahe ng Mahal na Seรฑor Noemi. -Oktubre 23, 1990's

๐Ÿ™...Ave Maria Purissima...๐Ÿ™

Nawa patuloy ang tao na kilalanin, tanggapin at igalang ang ating Mahal na Inang Birhen Maria, lalong higit ang pamimintuho sa kanyang Kalinis-linisang Puso at ang pag-dedebosyon sa kanyang Santo Rosaryo. Higit nawang makita ng sanlibutan ang kadalisayan ng puso't espiritu ng ating Mahal na Inang Birhen Maria, sa kalinisan, Pag-ibig, kabalanan at sa mga biyaya ng Diyos. At ang kahalagahan niya sa buhay ng bawat tao at sa puso ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Sa ngalan ng kaganapan ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong. Tunay na nahayag at naipadama ng Santisima Trinidad ang Kanyang Pag-ibig sa tao, kasama ang Pag-ibig ni Maria, ang Ina ng Diyos, ang Reyna ng Langit at Lupa. Kaya't "Mapalad tayong mga hinirang na nakaharap, nakadaop-palad at nakarinig sa kanyang mga salita (Mensahe ni Maria). Ngunit mas mapalad ang taong sumampalataya sa kanya (Maria) sa pangalan ng kanyang Bugtong na Anak, sapagkat tayo'y mas kinalulugdan ng Diyos sa ating pananampalataya."

Ganap na Pag-iibigan ang nais ng Batang Jesus (Senor Noemi). Tunay na Pag-ibig ang isinasabog at itinatanim Niya sa lahat ng taong nabubuhay sa daigdig. Kaya't dumaloy sa ating mga puso, sa ating kaluluwa, ang kapuspusan at kadalisayan ng pag-ibig, kalinisan, at kabanalan ng Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong. Kaya't pagka-ingatan natin ang mga katangian iyang nasasa-atin, at pagyamanin sa ating pananampalataya. Nang tayo'y magtagumpay sa buhay na ito, sa ating pakikibaka sa mga tukso ng kasalanan at ng hindi maagaw ng kalaban ng ating kaluluwa ang mga Kaloob ng Diyos sa atin, nang tayo'y manatiling-buhay sa biyaya't grasya ng Diyos.

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia... ๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

The Real Spirit of the Young Messiah "Seรฑor Noemi/Child Jesus"October 23Ave Maria Purissima... Walang hanggang pasasalam...
17/10/2024

The Real Spirit of the Young Messiah
"Seรฑor Noemi/Child Jesus"
October 23

Ave Maria Purissima...

Walang hanggang pasasalamat, papuri't pagsamba sa ating iisang Diyos sa pagka-Persona; Ama, Anak at Espiritu Santo. Nawa higit pang karunungan, pagpapala, kabanalan ang ipagkaloob sa atin, kasama ang Patnubay ng ating Mahal na Inang Birhen Maria.

"Siya'y nahayag nang maging tao,
At pinatotohanan ng Espiritu,
Nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa sanlibutan,
Pinaniwalaan ng lahat,
At sa langit ay tinanggap."
1 TIMETEO 3:16

NOEMI -ang pangalang ito na inihayag ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong sa Batang si Jesus. Ang pangalang ikinabit nina Jose at Maria sa Kanyang pagka-bata. Mula sa kanunu-nunuang babae ni Haring David, angkan na kinalugdan at pinagpala ng Diyos sa lahat ng angkan, angkan na pinagmulan ni Jesus. Ang pangalang ito (Noemi) ay walang katiyakang kasarian kung babae o lalaki (Neutral name), para mailayo at protektahan ang batang Jesus sa kanilang paglalakbay habang lumalaki ito.

Sapagkat mula ng malaman ni Haring Herodes na lumitaw na ang Tala ni David, tanda ng pagsilang ng Mesiyas, ang Haring hahalili sa Trono ni David. Dahil sa pagkaganid niya sa kapangyarihan, sa trono ng Judea kaya hindi na siya nagdalawang-isip na ipahanap niya ang sanggol. Sa kanyang pagkabigong mahanap ang sanggol siya'y galit na galit na ipinapatay ang lahat na lalaki sa edad na (2) dalawa pababa. (Mateo 2:13)

Habang lumalaki si Jesus ay makikitaan na sa Kanya ang likas na pagka-matalino, masayahin at malakas ang loob. Kaya kasama sa Kanyang paglaki ang pagka-usisa Niya sa lahat ng bagay. Siya ay palaging nasa kapahamakan at kamatayan. Sapagkat labis Siyang inilalapit ni Satanas sa sitwasyon na ikapapahamak Niya, sa nais nitong makilala kung sino Siya at mapatunayang kung Siya ba talaga ang isinugong Anak ng Diyos. Sa kabila ng Kanyang murang-gulang ay palagi na Siyang nagtatagumpay sa mga bitag ni Satanas at sa isang Salita lamang Niya ay isang Kapangyarihang nagpapatiklop kay Satanas at umaalis. Kaya't mas tumibay pa ang Kanyang pananalig sa Ama.

Siya'y puspos sa pag-ibig ng Espiritu Santo, kaya't may pagkakataon na Siya ay nakakagawa ng mga himala na hindi Niya inaasahan, ikinakagulat Niya at di-maipaliwanag. Dahilan na ang ibang nagagawa Niyang himala ay nakakarating sa Hari ng Judea. Kaya't nagsusugo ang Hari ng kanyang mga alagad upang hanapin ang Batang Jesus, upang alamin kung sino Siya at kung Siya ba talaga ang Mesiyas na inaantay ng mga Judio. Ang naisasagot ng mga alagad nito'y nakita nila, subalit ito'y isang paslit lamang na batang naghihimala.

Gloria In Excelsis Deo...Alleluia...๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธโค๏ธ

Address

East Jerusalem

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mahal na Ingkong - Diyos Espiritu Santo Ang Alpha at Omega posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share