12/04/2025
Magandang araw. Ito po ay paalala tungkol sa nalalapit na halalan na magsisimula ngayong 13 Abril, 8:00 n.u., hanggang 12 Mayo 2025, 7:00 n.g..
Maaring bumoto gamit ang Online Voting and Counting System (OVCS) at ang inyong smartphone, tablet, o laptop. Mag-log-in lamang sa mga sumusunod na link:
Enrollment (hanggang 7 Mayo) - ov.comelec.gov.ph/enroll
Voting (mula 13 Abril hanggang 12 Mayo) - ov.comelec.gov.ph/vote
Kung kailangan ng tulong sa paggamit ng OVCS, maaring mag-enroll, bumoto, o magpatulong sa:
Lugar: OWWA OFW Global Center, 18/F United Center, Admiralty
Petsa: 13 Abril - 12 Mayo (bukas nang lahat ng araw ng eleksyon, kahit public holiday)
Oras: 9:00 n.u. - 4:00 n.h. (Sa 13 Abril, magbubukas ng 8:00 n.u.)
Paalala: Magdala ng pasaporte, driver's license, PhilSys ID, o seaman's book. Kung wala ng mga ito, maaring magdala ng secondary ID katulad ng ibang government-issued Philippine ID o HKID.
Para sa ating mga botante, tandaan po ang mga sumusunod:
Ang enrollment ay magagawa lamang hanggang 07 Mayo. Kailangan makaenroll sa panahon na ito upang makaboto.
Para sa nakaboto sa OVCS test voting mula 20 Marso hanggang 12 Abril, pinapaalalahanan po namin na kailangan pa ring bumoto sa actual voting mula 13 Abril hanggang 12 Mayo.
Maaring makita ang materyales ng Comelec sa paggamit ng OVCS sa link na ito.
Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang sumusunod: https://info-ov.comelec.gov.ph/
Maraming salamat po.
Understand the internet voting system, the steps involved in the voting process, and key dates to ensure you're ready to cast your vote.