09/09/2026
Panginoon,
Salamat po sa bagong araw na ipinagkaloob Ninyo sa amin. Salamat sa pagmamahal, pag-iingat, at walang hanggang kabutihan. Patawarin Ninyo po kami sa aming mga pagkukulang. Gabayan Ninyo po ang aming mga isip, puso, at gawa sa buong araw na ito. Ibigay Ninyo po sa amin ang lakas ng katawan at kalakasan ng loob upang harapin ang anumang darating. Ilapit Ninyo po kami sa Inyo, at tulungan kaming mahalin at paglingkuran ang aming kapwa. Ang lahat ng papuri, pasasalamat, at kapangyarihan ay sa Inyo lamang, ngayon at magpakailanman. Amen.