Our Lady Of Fatima Chapel - Phase 3

Our Lady Of Fatima Chapel - Phase 3 Munting Simbahan sa Southville 2 Phase 3 Brgy.Aguado Trece Martires City,Cavite β€οΈπŸ™β›ͺ

πŸ“£ ANUNSYO | FIRST HOLY COMMUNION βœοΈπŸ™Inaanyayahan po ang mga magulang at bata na magparehistro para sa 1st Holy Communion...
25/01/2026

πŸ“£ ANUNSYO | FIRST HOLY COMMUNION βœοΈπŸ™

Inaanyayahan po ang mga magulang at bata na magparehistro para sa 1st Holy Communion sa San Gregorio Magno Parish.

πŸ“ REGISTRATION :
πŸ“… Enero 18 – Pebrero 1, 2026

πŸ“Œ MGA KAILANGAN:
β€’ Original at Xerox Copy ng
– Birth Certificate
– Baptismal Certificate

πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§ PARENT’S ORIENTATION:
πŸ“… Pebrero 8, 2026
⏰ 1:00 ng hapon

πŸ“– FORMATION SCHEDULE:
β€’ 1st – Feb. 15, 2026
β€’ 2nd – Feb. 22, 2026
β€’ 3rd – Mar. 1, 2026
β€’ 4th – Mar. 8, 2026
β€’ 5th – Mar. 15, 2026

πŸ•ŠοΈ KUMPISAL:
πŸ“Œ To be announced

✨ 1ST HOLY COMMUNION:
πŸ“… Marso 27 o Marso 28, 2026

πŸ“ MAGPAREHISTRO NA:
San Gregorio Magno Parish
πŸ—“οΈ Martes hanggang Linggo
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM

Para sa mas malinaw na gabay sa pananampalataya at paghahanda ng inyong mga anak, makiisa po tayo.
Maraming salamat at God bless! πŸ™

πŸ“£ PAALALA | BANAL NA MISA πŸ™Ngayong Sabado, Enero 24, 2026, ganap na ika-7:00 ng gabi, ay magkakaroon ng Banal na Misa sa...
23/01/2026

πŸ“£ PAALALA | BANAL NA MISA πŸ™

Ngayong Sabado, Enero 24, 2026, ganap na ika-7:00 ng gabi, ay magkakaroon ng Banal na Misa sa ating chapel.
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa sama-samang pananalangin at pasasalamat sa Panginoon.

Sama-sama po tayong magtipon bilang isang komunidad ng pananampalataya.
Kita-kits po sa chapel! β›ͺ

π‰π€ππ”π€π‘π˜ πŸπŸ– | 𝐅𝐄𝐀𝐒𝐓 πŽπ… πŽπ”π‘ π‹πŽπ‘πƒ 𝐉𝐄𝐒𝐔𝐒 π‚π‡π‘πˆπ’π“, 𝐓𝐇𝐄 π‡πŽπ‹π˜ π‚π‡πˆπ‹πƒ (π’π„Γ‘πŽπ‘ π’π€ππ“πŽ ππˆΓ‘πŽ)Feast of the SeΓ±or Santo NiΓ±o holds a spec...
17/01/2026

π‰π€ππ”π€π‘π˜ πŸπŸ– | 𝐅𝐄𝐀𝐒𝐓 πŽπ… πŽπ”π‘ π‹πŽπ‘πƒ 𝐉𝐄𝐒𝐔𝐒 π‚π‡π‘πˆπ’π“, 𝐓𝐇𝐄 π‡πŽπ‹π˜ π‚π‡πˆπ‹πƒ (π’π„Γ‘πŽπ‘ π’π€ππ“πŽ ππˆΓ‘πŽ)

Feast of the SeΓ±or Santo NiΓ±o holds a special place in the heart of Filipino faith. Brought to our shores in 1521, the image of the Holy Child became a sign of God’s gentle presence among our people. Through centuries of trials, calamities, and celebrations, Filipinos have turned to the Santo NiΓ±o with trust and joyful devotion. In His childlike form, Jesus teaches us that faith does not depend on power or status, but on humble surrender to God. The Santo NiΓ±o reminds us to dance in hope even in hardship, to rejoice even in uncertainty, and to believe that God walks with us as a loving Father. In honoring the Holy Child, we renew a faith that is joyful, resilient, and deeply rooted in love.

π™‹π™π˜Όπ™”π™€π™

Lord Jesus, our beloved SeΓ±or Santo NiΓ±o, You have journeyed with the Filipino people through generations of faith and struggle. With childlike trust, we place our lives, families, and nation into Your loving hands. Teach us to remain joyful in hope, steadfast in trials, and generous in love. As our ancestors trusted in Your guidance, help us today to walk in faith and obedience to God’s will. Bless our homes, our communities, and all who honor You with sincere hearts. May Your presence strengthen our devotion and inspire us to serve others with humility and compassion. Santo NiΓ±o, protector of our faith, lead us always closer to the Father, and help us live as joyful witnesses of Your love. Amen.

πŸ“£ PAANYAYA | KARAKOL PARA KAY STO. NIΓ‘O Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Karakol para kay Sto. NiΓ±o sa...
10/01/2026

πŸ“£ PAANYAYA | KARAKOL PARA KAY STO. NIΓ‘O

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Karakol para kay Sto. NiΓ±o sa:

πŸ“… Enero 17, 2026
⏰ 6:30 ng umaga (pagkatapos ng Banal na Misa)
πŸ“ San Gregorio Magno Parokya

πŸ‘• Kasootan: Red T-Shirt

Sama-sama po nating ipahayag ang ating pananampalataya at debosyon kay Sto. NiΓ±o sa pamamagitan ng masayang karakol. Ang inyong pakikiisa ay lubos naming ikagagalak.

Kita-kits po! Viva Sto. NiΓ±o!

πŸ–ΌοΈβœοΈ: Richard manigbas

10/01/2026

πŸ“£ PAALALA | BANAL NA MISA πŸ™

May gaganaping Banal na Misa sa ating chapel ngayong Sabado, January 10, 2026, ganap na ika-7:00 ng gabi.
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa sama-samang pananalangin at pasasalamat sa Panginoon.

Kita-kits po sa chapel.

πŸ“£ PAANYAYA |    TRANSLASYON NG POONG NAZARENO πŸ™Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Banal na Misa bilang pagdiriwang ...
07/01/2026

πŸ“£ PAANYAYA | TRANSLASYON NG POONG NAZARENO πŸ™

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Banal na Misa bilang pagdiriwang ng translasyon ng Poong Nazareno na gaganapin sa Aguado Proper sa:

πŸ—“ Enero 9, 2026
⏰ 9:00 ng umaga

Halina’t sama-sama po tayong manalangin at magpasalamat sa Poong Nazareno na patuloy na nagbibigay ng lakas, pag-asa, at pananampalataya sa ating buhay.
Lahat po ay malugod na inaanyayahan.

Maligayang Bagong Taon sa ating lahat! Buong puso tayong nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang Kanyang ipinagkaloob sa...
31/12/2025

Maligayang Bagong Taon sa ating lahat!

Buong puso tayong nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang Kanyang ipinagkaloob sa nagdaang taon sa lakas, gabay, at pag-iingat na patuloy Niyang ibinibigay sa ating komunidad. Sa kabila ng mga hamon, nanatili ang ating pagkakaisa, pananampalataya, at paglilingkod sa Panginoon.
Sa pagsisimula ng bagong taon, nawa’y patuloy tayong gabayan ng Diyos sa bawat gawain, palakasin ang ating samahan, at pag-alabin ang ating pagmamahal sa kapwa. Nawa’y maging taon ito ng mas aktibong paglilingkod, mas malalim na pananampalataya, at mas matibay na pagkakaisa bilang isang komunidad.
Nawa’y ang bagong taon ay mapuno ng kapayapaan, pag-asa, at walang hanggang biyaya mula sa Diyos. Maligayang Bagong Taon!
Habang tinatapos natin ang isang taon na puno ng alaala, aral, at karanasan, buong pasasalamat nating tinatanggap ang panibagong simula. Salamat sa bawat tagumpay, sa bawat pagsubok na nagpatatag sa atin, at sa mga taong naging bahagi ng ating paglalakbay.
Sa pagpasok ng bagong taon, nawa’y mas maging positibo ang ating pananaw, mas matatag ang ating loob, at mas bukas ang ating puso sa pagmamahal at kabutihan. Nawa’y magdala ito ng mas maraming biyaya, pagkakataon, at ngiti sa bawat isa.
Isang masaya, payapa, at mapagpalang Bagong Taon sa ating lahat!

πŸŽ„ CHRISTMAS PARTY SA CHAPEL πŸŽ„Isang gabi ng saya, tawanan, at pasasalamat ang ating naranasan sa ginanap na Christmas Par...
29/12/2025

πŸŽ„ CHRISTMAS PARTY SA CHAPEL πŸŽ„
Isang gabi ng saya, tawanan, at pasasalamat ang ating naranasan sa ginanap na Christmas Party sa ating minamahal na chapel. Tunay ngang ramdam ang diwa ng Pasko ang pagmamahalan, pagkakaisa, at pagbibigayan sa bawat ngiti ng mga bata at matatanda. 🀍

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors na nagbahagi ng kanilang oras, suporta, at biyaya para sa mga regalo, premyo, at masasarap na pagkain. Dahil sa inyo, naging mas makulay at mas masaya ang selebrasyong ito. 🎁🍽️

Maraming salamat din sa mga opisyal, volunteers, at lahat ng nakiisa mula sa paghahanda hanggang sa mismong programa. Ang simpleng handaan ay naging espesyal dahil sa sama-samang puso at malasakit ng bawat isa.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Panginoon at manatili ang diwa ng Pasko sa ating mga puso hindi lamang ngayon kundi sa bawat araw.
Maligayang Pasko at mapagpalang Bagong Taon sa ating lahat!

✍️: Richard
πŸ–ΌοΈ:shania , jeana , Richard

πŸ“£ PAALALA | BANAL NA MISA πŸ™May gaganaping Banal na Misa sa ating chapel ngayong Sabado, Disyembre 27, 2025, ganap na ika...
26/12/2025

πŸ“£ PAALALA | BANAL NA MISA πŸ™

May gaganaping Banal na Misa sa ating chapel ngayong Sabado, Disyembre 27, 2025, ganap na ika-7:30 ng gabi.
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa sama-samang pananalangin at pasasalamat sa Panginoon.

Kita-kits po sa chapel.

Maligayang Pasko sa ating lahat! πŸŽ„βœ¨ Sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo, nawa’y mapuno ang ating mga puso ng tun...
24/12/2025

Maligayang Pasko sa ating lahat! πŸŽ„βœ¨ Sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo, nawa’y mapuno ang ating mga puso ng tunay na pag-ibig, kapayapaan, at pag-asa. Nawa’y magsilbi ang Pasko bilang paalala na sa kabila ng lahat ng pagsubok, naririyan ang liwanag ng Diyos na gumagabay at nagbibigay lakas sa atin araw-araw. Sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagbibigayan. Merry Christmas and God bless us all!

23/12/2025
πŸ“£ ANUNSYO | IKASIYAM NA ARAW NG SIMBANG GABI πŸ•―οΈInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Ikasiyam na Araw ng Simbang Gabi ...
23/12/2025

πŸ“£ ANUNSYO | IKASIYAM NA ARAW NG SIMBANG GABI πŸ•―οΈ
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Ikasiyam na Araw ng Simbang Gabi ngayong Disyembre 23, ganap na ika-8:30 ng gabi sa ating Community of Our Lady of Fatima Chapel. Sa pagtatapos ng ating Simbang Gabi, sama-sama po nating ialay ang pasasalamat at panalangin bilang paghahanda sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo. Nawa’y magbunga ito ng tunay na kagalakan, pag-asa, at kapayapaan sa ating mga puso.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa libreng pagkain na handog nina Kapitan, kasama ang mga Barangay Officers at HOA Officers, sa ika-siyam na araw ng ating Simbang Gabi. Maraming salamat po sa inyong malasakit at suporta sa ating komunidad. Ang simpleng handog na ito ay naging daan ng saya, pagkakaisa, at pagbabahaginan matapos ang banal na pagdiriwang. Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Poong Maykapal at gantimpalaan ang inyong kabutihang-loob.


πŸ“… Disyembre 15–23, 2025
⏰ 8:30 PM
πŸ“ Our Lady of Fatima Chapel
πŸ•―οΈ Day 9 of Simbang Gabi β€” pagtatapos ng paglalakbay at pagsalubong sa liwanag ng Pasko.
✍️: Richard Manigbas
πŸ–ΌοΈ: Jeana Jimenez & Richard manigbas

Adresse

Southville 2 Phase 3 Brgy. Aguado Trece Martires City, Cavite
Democratic Republic Of The
4109

Site Web

Notifications

Soyez le premier Γ  savoir et laissez-nous vous envoyer un courriel lorsque Our Lady Of Fatima Chapel - Phase 3 publie des nouvelles et des promotions. Votre adresse e-mail ne sera pas utilisΓ©e Γ  d'autres fins, et vous pouvez vous dΓ©sabonner Γ  tout moment.

Partager