30/04/2026
๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐-๐พ๐๐๐๐๐๐
Taos pusong pasasalamat ang nais naming ipahatid sa lahat ng tumulong at gumabay sa kabataan ng San Diego de Alcala Parish- Youth Ministry na lumahok sa Diocesan Youth Day 2026.
Sa aming kura paroko Rev. Fr. Donn Wenn Villa, na siyang gumabay, sumuporta, at tumangkilik sa pagsali ng kabataan sa makabuluhang programa na ito.
Sa mga magulang na binigyang pahintulot kaming mga kalahok sa pagsali sa aktibidad. Sa aming chaperone na si ate Kathleneโ aming naging guardian sa loob ng tatlong araw, at siyang abala sa pagbantay, pag-alaga, at pagluto ng masasarap na pagkain. Sa mga sponsors at benefactors na nagbahagi ng kanilang tulong pinansyal at materyal.
Sa Parish Pastoral Council sa pangunguna ni maam Emma Asis PPC-Coordinator at partikular sa mga masisipag at masigasig na Barangay Pastoral Council sa tulong at suporta saaming mga kalahok
Lalong higit sa Host Parish, Parokya ni San Cayetano na siyang punong abala sa pagkakaroon ng matagumpay na DYD katulong ng DCYCM at mga staff sa Diyosesis ng Daet. Sa lahat din ng mga pari, brothers, sisters, at mga naglilingkod sa simbahan na nakibahagi ng kanilang suporta sa lahat ng delegates.
Walang hanggang pasasalamat po sa inyong tulong at suporta. Nawa po ay pagpalain kayo palagi ng makapangyarihang Diyos.