JFCM Sault Ste Marie

JFCM Sault Ste Marie Jesus First Christian Ministries

11/24/2025

Let God Reign in Your Life

01/31/2024

KANINONG ANAK?
42Sinabi ni Jesus, โ€œKung talagang ang Diyos ang inyong Ama, inibig sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako nanggaling. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo niya ako. 43Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw n'yong tanggapin ang itinuturo ko? 44Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin (Juan 8:42-44).

Nakikipagtalo ang mga maaalam at mga lamang-templo sa Panginoong Jesus tungkol sa pagpapalayang iginagawad niya sa tao mula sa kasalanan. Hindi nila maamin ang katotohanan kaya kanilang pinasusunalingan ang Panginoon sa Kanyang ipinapahayag. Mga anak daw sila ni Abraham; ang Diyos daw ang kanilang Ama; hindi raw sila naalipin ninuman; atbp. Binasa sila ng Panginoon at hinatulan ng masakit. Hindi sila mga anak ng Diyos sapagkat hindi nila tinatanggap ang mga salita ng Diyos. Sila, sa totoo, ay mga anak ng Diyablo sapagkat ito ang nasusunod sa kanilang mga buhay.

Hindi naman mahirap liripin kung kaninong anak tayo. Kung sino ang ating tinutunton at siyang nasusunod sa ating pang-araw-araw na buhay, iyon ang ating tunay na ama at diyos. Huwag po nating linlangin ang ating mga sarili. Kung sino ang nakakapamayani sa atin, kanyang mga anak tayo. Ang mga tunay na anak ng Diyos ay gumagawa para sa Diyos at umiiwas sa mga gawa ng Diyablo. Sa dakong wakas, hindi mahalaga kung ano ang ating pakiwari at hatol sa ating sarili. Ang tanging mahalaga ay ang hatol ng Panginoong Diyos. At alam Niya kung sino ang talagang sa Kanya.

More of our familyโ€™s joyous thanksgiving celebration ๐Ÿ™‚
12/25/2023

More of our familyโ€™s joyous thanksgiving celebration ๐Ÿ™‚

A family is more special when you choose to be part of it. Words are not enough to express my gratitute to my new found ...
12/25/2023

A family is more special when you choose to be part of it. Words are not enough to express my gratitute to my new found family. ๐Ÿ™๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ๐Ÿ’’

Keep the fire burning brothers and sisters! ๐Ÿ˜˜

Have a Blessed Merry Christmas from our JFCM family to yours โค๏ธ

12/23/2023

TRUE STRENGTH
When the man saw that he could not overpower him, he touched the socket of Jacob's hip so that his hip was wrenched as he wrestled with the man. Then the man said, "Let me go, for it is daybreak." But Jacob replied, "I will not let you go unless you bless me." The man asked him, "What is your name?" "Jacob," he answered. Then the man said, "Your name will no longer be Jacob, but Israel, because you have struggled with God and with men and have overcome." - Genesis 32:25-28

This is a passage not easy to understand. How could one lose when He had the power to maim with a touch? How could Jacob "not let go" when He was already outpowered and outwrestled? And while we're at it, how in whatever sense did Jacob "struggle with God and overcome?" The answer lies in what God wanted for His man, Jacob. He had long wanted to change him and use him but he was simply too cunning, too strong, too Jacob.

God has no use for them who are strong in themselves but weak in the Lord. The work of the flesh, no matter how good and good-looking, is not of much use to the Spirit. He will not really use those He cannot own. And God will exhaust all until He gets His man. He will wrestle and maim, as necessary, to get us to surrender to Him. Jacob's cry "I will not let you go...until you bless me" is not a yell of a victor but a cry of the desperate. He was in no position to hold on. He was weak, lame, and humbled. He was ready to be blessed. And bless God did him. He would no longer be Jacob but Yisrael. The Deceiver has given way to the Prince.

Everyone who sincerely loves God will realize this sooner or later. God has no room for the selfish and the proud and the self-strong. He will not stop until we despair like Jacob; until we see and say we have nothing else; until we learn to hold on to God only, because without Him, there really is nothing.

"Lord, teach us to renounce the self and the selfish, to hold to you and to not let go until you bless us."

11/27/2023
09/28/2023

PAGKILALANG WASTO
Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh:
2โ€œAlam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin,
at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin.
3Itinatanong ninyo,
โ€˜Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan
gayong ako nama'y walang nalalaman?โ€™
Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan,
ng mga hiwagang di abot ng aking isipan.
4Sinabi ninyong papakinggan ko ang iyong sasabihin,
at ang iyong mga tanong ay aking sasagutin.
5Noo'y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba,
subalit ngayo'y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata.
6Kaya ako ngayon ay nagsisisi,
ikinahihiya lahat ng sinabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo.โ€ (Job 42:1-6)

Hindi dapat na iniiisip na lagi tayong tama, at hindi rin naman dapat iniisip na lagi tayong mali. Ang kailangan ay ang tamang pagkilala sa Diyos, sa Kanyang mga Salita, at sa sarili. Madali itong sabihin subalit mahirap tuntunin sapagkat lagi tayong kiling sa ating mga sarili. Madali natin isipin na tama tayo at mali ang iniisip ng iba. Hindi natin kaagad maisuko ang ating mga opinyon doon sa pananaw ng mga nakahihigit sa atin, o sa mga inilagay ng Diyos bilang nakakasakop sa atin. Dahil dito, may mga anak na hindi nakikinig sa mga magulang. Mayroon ding mga magulang na hindi nakikinig sa mga nakakasakop. At may mga nakakasakop na hindi naman nakikinig talaga sa Diyos at sa Kanyang mga Salita. Kanilang ipinapasiyang ang naiiisip nila ang iniisip din ng Diyos.

Ang ganito ang dahilan kung bakit hindi ipinagkatiwala ng Diyos ang kapahayagan sa pribadong pag-iisip at talino ng bawat isa sa atin. Dapat nating unawain ang Diyos at ang mga pahayag Niya ayon sa Kanya, ayon sa mg pinagsiwalatan niya (propeta at apostol, atbp.), at ayon sa mga taong tumanggap ng Kanyang kapahayagan. Kailangan natin itong aralin at gayundin ay ituro sa atin sapagkat hindi likas ang talinong espirituwal sa mga nilipi ni Adan. Ang mga magtuturo ay kailangang turuan, ang mga mangangaral ay kailangang aralan, sapagkat ang lahat ay mana-mana lamang.

"Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman? Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan." Ito ang palaging saloobin at sambit ng isang tunay na kumikilala sa pangangailangan. Tama lamang na tayo ay magsikap magturo, at magturo ng wasto. Tayo ay mangaral, at mangaral ng wasto. Tayo ay humayo at mag-alagad, at mag-alagad ng wasto. Ito ang marapat at banal na tungkulin ng bawat tunay na naglilingkod.

Address

9 Grandview Avenue
Sault Sainte Marie, ON
P6A3V7

Telephone

+14379868224

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JFCM Sault Ste Marie posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to JFCM Sault Ste Marie:

Share

Category