The Word of God

The Word of God The very breath of God is in you

Job 33:4

06/08/2026
“Magpahayag ka!” ang sabi ng tinig. “Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko. Sumagot siya, “Ipahayag mong ang lahat ng tao ay...
12/06/2026

“Magpahayag ka!”
ang sabi ng tinig. “Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko. Sumagot siya, “Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo, ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang. Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak, kapag sila'y mahipan ng hanging mula kay Yahweh. Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo. Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.””
‭‭Isaias‬ ‭40‬:‭6‬-‭8‬ ‭

Katulad ng damo Ang buhay ng Tao ay lilipas din lang, uusbong, lalago ng panandalian, maiinitan, matutuyo hanggang sa mamatay.

Kaya anong mapapala mo makuha mo man Ang buong mundo ngunit mapapahamak naman Ang kaluluwa mo sa impyerno (Mateo 8:36).

Kaya habang nandito pa Tayo sa panahong may lakas pa Tayo, kilalananin na natin Ang Diyos na buhay na siyang nagbibigay buhay, walang iba kundi si Hesus na namatay para sayo at sa akin. Maglingkod na po Tayo habang may lakas pa.

Huwag po nating patigasin Ang ating mga puso sa salita ng Panginoon.

Kelan mo pa siya tatanggapin? Kapag katulad ng damo na matutuyo’t na at Malapit na malanta?

Maiksi lamang po Ang buhay mga kapatid, Wala pong kasiguraduhan Ang bukas. Sabi po sa kanyang salita, “Today is the day of Salvation” 2 Corinthians 6:2.

Kaya kung nababasa mo Ito, Pinapaalala saiyo ni Hesus na mahal ka niya. May pag-Asa pa.

Believe in the Lord Jesus Christ with all your heart.

Repent while you still have time.

Accept Jesus Christ as your personal savior

Confess all your sins to Him.

He is waiting. God bless you kapatid!

09/06/2026
Ang Pagsamba sa Diyus-diyusan at Ang Tunay na Pagsamba“Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh. An...
24/02/2026

Ang Pagsamba sa Diyus-diyusan at Ang Tunay na Pagsamba

“Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh. Ang sabi niya, “Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa; o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan, na labis nilang kinatatakutan. Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan. Isang punongkahoy na pinutol sa gubat, inanyuan ng mga dalubhasang kamay, at pinalamutian ng ginto at pilak. Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal. Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita; pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat hindi sila makakagawa ng masama, at wala ring magagawang mabuti.”

Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh; ikaw ay makapangyarihan, walang kasindakila ang iyong pangalan. Sino ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa? Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan. Kahit na piliin ang lahat ng matatalino mula sa lahat ng bansa at mga kaharian, wala pa ring makakatulad sa iyo.

Silang lahat ay pawang hangal at mangmang. Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy? Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis, at ng gintong mula sa Upaz, ginawang lahat ng mahuhusay na kamay; pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at p**a na hinabi naman ng manghahabing sanay.

Ngunit ikaw, Yahweh, ang tunay na Diyos, ikaw ang Diyos na buháy, at ang Haring walang hanggan. Nayayanig ang daigdig kapag ikaw ay nagagalit, at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong p**t.

Sabihin ninyo sa mga diyus-diyosan: ang sinumang hindi makalikha ng langit at lupa ay dudurugin at lubusang mawawala sa ibabaw ng daigdig.”
‭‭
Jeremias‬ ‭10‬:‭1‬-‭11‬ ‭

Address

Manama

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Word of God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to The Word of God:

Share