16/09/2026
*Mga Pagbabago sa Anunsyo at Paalala*
Paggunita sa Kapistahan nina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod
Bukal sa pusong inaanyayahan ang lahat ng mga deboto at Katolikong Pinoy sa Bahrain na dumalo sa ating paghahanda at dalawang araw na espiritwal na pagdiriwang para sa ating mga mahal na Santong Pilipino, sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.
*Siyam na Araw na Nobena*
Petsa: Setyembre 16 - 24, 2026
Oras: 8:00 PM
Lugar: Vicarial Shrine of the Sacred Heart
(Tandaan: Maliban sa araw ng Linggo na gaganapin sa Main Church at Sabado sa ganap na 6:30 pm sa Vicarial Shrine SHC )
*Mga Banal na Misa sa Araw ng Kapistahan:*
Unang Araw: Biyernes, Setyembre 25, 2026
Lugar: Sacred Heart Church, Manama
Oras: 12:00 ng tanghali
Ang Banal na Misa ay pangungunahan ng ating pastol na si Kanyang Kabunyian Bishop Aldo Berardi, O.SS.T. (Apostolic Vicariate of Northern Arabia) bilang Punong Tagapagdiwang (Principal Celebrant).
Ikalawang Araw: Sabado, Setyembre 26, 2026
Lugar: Cathedral of Our Lady of Arabia, Awali
Oras: 8:30 ng umaga
Tayo po ay magtipon-tipon sa panalangin at pagpapasalamat sa mga natatanging araw na ito. Inaasahan po namin ang inyong pagdalo!
*San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod*
Ipanalangin Mo kami* π