06/12/2025
ANG IKALAWANG KANDILA
Ngayong Panahon ng Adbiyento
Ang mga KANDILA ng ADBIYENTO ay bahagi ng tradisyunal na Advent wreath, na ginagamit ng mga Kristiyano sa panahon ng Adbiyento upang ihanda ang kanilang sarili para sa pagdating ni Hesus. Ang bawat kandila ay may simbolikong kahulugan at karaniwang sinisindihan ito tuwing Linggo ng Adbiyento.
Ang IKALAWANG KANDILA ay sumisimbolo sa KAPAYAPAAN.
Ang pangalawang kandila sa wreath ng Adbiyento ay kumakatawan sa Kapayapaan. Tulad ng unang kandila, kulay lila din ito. Madalas na tinatawag na "Bethlehem Candle," ang ikalawang Advent candle ay nagpapaalala sa atin ng paglalakbay nina Maria at Jose mula Nazareth patungong Bethlehem bago ipanganak ni Maria si Hesus.
Ngayong Adbiyento, sindihan ang pangalawang kandila sa Linggo, Disyembre 7, 2025.
Ang mga kandilang ito ay nagbibigay-diin sa pananampalataya, pananalangin, at paghahanda sa pagsilang ni Kristo.