24/03/2024
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat. Kami po ay kumakatok sa inyo at humuhingi ng konting tulong para po sa "Electrical wiring" para sa ilaw ng karo ng La Pieta, at "Floral foam" naman po, na gagamitin ngayong darating na Martes para sa Heneral Estacion na gaganapin sa San Agustin Parish.
Taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyong maibibigay na tulong at patuloy na pagsuporta sa gagawing aktibidad ngayong Semana Santa 2024. At pagpalaain nawa tayo ng Maykapal na Diyos 😊