30/04/2026
𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄
“𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮”
𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟎𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Ngayong Araw ng Paggawa, ginugunita natin si San Jose, ang mapagkumbabang esposo ng Mahal na Birheng Maria, bilang huwaran ng bawat manggagawang naglilingkod nang tapat. Sa pamamagitan ng kaniyang tahimik ngunit masigasig na paggawa bilang manggagawa sa Nazaret, ipinapaalala sa atin na ang dangal ng paggawa ay nakaugat sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sa kaniya ipinagkakatiwala ng Simbahan ang kapakanan ng lahat ng manggagawa.
Ang kapistahang ito ay itinalaga noong Mayo 1, 1955 ni Papa Pio XII bilang pagkilala sa mahalagang papel ni San Jose sa buhay ng Simbahan at ng lipunan. Ito ay naganap noong pagtitipon ng samahang Katoliko ng mga Manggagawang Italyano sa St. Peter’s Square upang ipagdiwang ang ikasampung anibersaryo ng kanilang organisasyon. Inihayag ng Papa na si San Jose ay nagsisilbing ama, tagapangalaga, at tagapagtanggol ng mga manggagawa, na patuloy na umaakay sa kanila tungo sa marangal at makadiyos na pamumuhay.
Sa pagdiriwang na ito, nawa’y tularan natin si San Jose sa pag-aalay ng ating paggawa nang may sipag, katapatan, at pananampalataya.
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄
𝘖 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘭𝘪𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘰𝘴𝘦
𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘐𝘨𝘭𝘦𝘴𝘪𝘢, 𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘔𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢
𝘚𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘴𝘪𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘪 𝘏𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢.
𝘚𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘴𝘪𝘨, 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢
𝘢𝘺 𝘣𝘶𝘮𝘶𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯.
𝘛𝘶𝘸𝘪𝘯𝘢'𝘺 𝘪𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬.
𝘕𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘢'𝘺 𝘬𝘢𝘮𝘪'𝘺 𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.
𝘎𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢,
𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘮𝘶𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘮𝘶𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘴𝘢.
𝘈𝘮𝘦𝘯.
𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘, 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔,
𝘐𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪.