02/05/2021
"Undercover Christian"
May lugar para sa Faith may lugar para sa pakikisama...
Di pwedeng mag-pakita na nagpe-pray ka kasi sasabihin
"banal-banalan" ka,
So nagpepray ka na lang ng nakatago or patago.
Tinigil mo pagshe-share online about sa faith mo kasi nakikita ng mga katrabaho, kaibigan, at crush mo... sa journal na lang at sa church. okay na yun, para sa'yo.
Sumasama kung saan man pumunta ang barkada, kahit may danger na mapa-sama na. Dahil ayaw mong maging Kill-joy.
Ayaw mong mag-iba tingin sayo ng tao kaya tinatago mo na lang pinaniniwalaan mo.
(Kung ganito ang pamumuhay natin, nabubuhay pa ba tayo kay Kristo o para sa sarili na lang natin?)
Hindi ka naman nahihiya, naghihintay ka lang na may magtanong sa'yo..
kaso sa lugar na ginagalawan mo ay sobrang dilim. May ilaw ka pero di mo na makita kasi nakapatay.
Tri-ny mong buksan dati kaso ang daming sumubok patayin.
Kaya ever since di mo na binuksan sa lugar na yun.
Sumabay ka na lang sa alon, sumabay sa uso, sumabay sa gusto nila kahit alam mong naliligaw na sila. At ngayong tumagal na, nasanay ka na pero naliligaw ka na rin pala.
Ayaw mo kung nasaan ka, at naghihintay ka na lang ng isang kagaya mo na nasa dilim para buksan ilaw niya.
Kaso wala.
Lahat madilim.
Baka ikaw lang mag-isa?
or baka kagaya mo nagtatago rin sila?
----
Bes, we are not called to be secret followers of Jesus.
We are called to spread the Good news all over the world!
at hindi natin magagawa yun ng patago.
Hindi cool yung title na Undercover Christian.
dahil kapag pinag patuloy natin yan, tayo rin ang mawawalan.
mawawalan ng gana, mawawalan ng fire, mawawalan ng opportunity na magliwanag kung saan ka nilagay ni Lord.
Kung naghihintay ka ng sign na ipakita sa iba yung pagiging salt and light mo, hindi ito yun at baka di mo rin makita habang nakatago ka. Instead, Pray, Repent and change your ways! our ways! Di tayo pwedeng manatiling ganito. Tutulungan naman tayo ni Lord e.
Bes, Paalala lamang ito.
Pero I tell you na gets kita kung undercover Christian ka, struggle ko din yan dati. Pero di tayo pwedeng patuloy na ganto. Gaya ng mga disciples, meron ding Holy Spirit na pwedeng mag empower sakin at sa'yo, kung magpapagamit tayo at magsusubmit.
We are called to be a salt and light. naalala mo?
Not to hide our true identity and not to be an undercover Christian.
---
For more paalalas, Read your Bible.
(About this topic Matthew 5:13-16.)
--
you can follow and support us:
Paalala Project (coming soon)
Jai To The World
shirtly.ph/artofelijahtan