Sto. Niño de Praga Parish - Cogeo Village

  • Home
  • Sto. Niño de Praga Parish - Cogeo Village

Sto. Niño de Praga Parish - Cogeo Village This is the Official page of Sto. Niño de Praga Parish in Cogeo Village. Roman Catholic Diocese of Antipolo

VIGIL FOR PENTECOST-----Nitong ika-23 ng Mayo, Sabado, sama-samang nakiisa ang mga lingkod-simbahan sa isang pagtitipon ...
24/05/2026

VIGIL FOR PENTECOST
-----
Nitong ika-23 ng Mayo, Sabado, sama-samang nakiisa ang mga lingkod-simbahan sa isang pagtitipon ng pananalangin, pagbabantay, at Renewal of Commitment. Nawa’y patuloy na mag-alab sa ating puso ang apoy ng Espiritu Santo upang higit pang mapatatag ang ating pananampalataya at paglilingkod sa Simbahan at komunidad.






TINGNAN: Nagkaisa at muling nagtipon para sa PPC Meeting ngayong ika-23 ng Mayo, Sabado. Isang pagkakataon upang pagplan...
23/05/2026

TINGNAN: Nagkaisa at muling nagtipon para sa PPC Meeting ngayong ika-23 ng Mayo, Sabado. Isang pagkakataon upang pagplanuhan at higit pang mapagtibay ang ating paglilingkod para sa komunidad at sa Parokya




Maligayang Kaarawan, Sis Tess!Maraming salamat po sa dedikasyon at pusong laging handang umalalay sa komunidad at sa ati...
22/05/2026

Maligayang Kaarawan, Sis Tess!

Maraming salamat po sa dedikasyon at pusong laging handang umalalay sa komunidad at sa ating Parokyo. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng Panginoon ng lakas, karunungan, at kagalakang hatid ng iyong mabuting puso at paglilingkod

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pentecostes, sama-sama tayong makiisa sa Vigil for Pentecost at Renewal of Comm...
22/05/2026

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pentecostes,
sama-sama tayong makiisa sa Vigil for Pentecost at Renewal of Commitment ng ating mga lingkod-simbahan. Nawa’y muling mag-alab sa ating puso ang apoy ng Espiritu Santo upang higit pang pagtibayin ang ating pananampalataya at paglilingkod.






LCM RECOLLECTION-----Ngayong ika-22 ng Mayo ay sama-samang nagtipon ang mga miyembro ng Lectors and Commentators Ministr...
22/05/2026

LCM RECOLLECTION
-----
Ngayong ika-22 ng Mayo ay sama-samang nagtipon ang mga miyembro ng Lectors and Commentators Ministry ng ating parokya para sa kanilang Recollection na pinangunahan ng ating Kura Paroko, Fr. Jimmy Padilla.

Ang pagtitipong ito nawa magsisilbing paalala sa bawat isa tungkol sa kanilang paglilingkod bilang tagapagpahayag ng Salita ng Diyos at maging daan upang higit pang mapalalim ang pananampalataya at mapanatiling buhay ang layon ng paglilingkod sa bawat lector at commentator.






20/05/2026
BOC GRADUATION-----Sa pagtatapos ng Beginner's Orientation Course para sa mga bagong Katekista na ginanap sa Sto. Niño d...
16/05/2026

BOC GRADUATION
-----
Sa pagtatapos ng Beginner's Orientation Course para sa mga bagong Katekista na ginanap sa Sto. Niño de Praga Parish, matagumpay nating ipinagdiriwang ang bunga ng pananampalataya at pagtugon sa tawag ng Panginoon.

Kasama ang siyam na parokya, naging makabuluhan ang bawat talakayan, pagninilay na higit pang nagpalalim sa aming misyon bilang mga magiging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Nawa’y maging inspirasyon ang pagtatapos na ito upang patuloy na maging buhay na saksi ng pananampalataya






15/05/2026

📣PAALALA SA KOMUNIDAD 📣
Mag-ingat po ang lahat. May naiulat na isang lalaki na may kasamang bata na umiikot at humihingi ng pera habang ginagamit ang pangalan ni “Fr. Jimmy.”
Nais po naming ipaalam na wala pong awtorisadong pangangalap ng pera gamit ang pangalan ni Fr. Jimmy Padilla. Huwag basta magbigay ng pera nang hindi nakakasiguro sa katotohanan ng kanilang sinasabi.
Kung may makita o makalapit sa inyo na ganitong sitwasyon, maari po ninyo itong i-report agad sa parish office o sa mga kinauukulan.
Maraming salamat po sa inyong pag-iingat at pakikipagtulungan.

Address

GSIS Avenue, Cogeo Village, Antipolo, Philippines

1870

Opening Hours

Tuesday 09:00 - 12:00
14:00 - 17:00
Wednesday 09:00 - 12:00
14:00 - 17:00
Thursday 09:00 - 12:00
14:00 - 17:00
Friday 09:00 - 12:00
14:00 - 17:00
Saturday 09:00 - 12:00
14:00 - 17:00
Sunday 09:00 - 12:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño de Praga Parish - Cogeo Village posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship?

Share