Ramadan Daily

  • Home
  • Ramadan Daily

Ramadan Daily "And Remind for verily a reminder benefits the believer"(51:55)
(1)

26/05/2026

Maghrib Iftar Today
Manila Time
6:20 PM

TATLONG KALAGAYAN NG DUA NGAYON ANG TINATANGGAP❗❗❗👉Ito ay ang:1- Dua sa araw ng Arafah2- Dua ng nag-Fasting (buong magha...
26/05/2026

TATLONG KALAGAYAN NG DUA NGAYON ANG TINATANGGAP❗❗❗

👉Ito ay ang:
1- Dua sa araw ng Arafah
2- Dua ng nag-Fasting (buong maghapon)
3-Dua bago mag-IFTAR

Paramihin ang DUA 10-5 Minutes bago mag IFTAR dahil ang DUA rito ay di matatanggihan👍🤲

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Katunayan, ipagkakaloob sa isang nag-aayuno sa panahon ng kanyang Iftar ang isang panalangin na hindi matatanggihan “tatanggapin ang kanyang panalangin”

👉 Ang pinaka mainam sa lahat ng Dua na kadalasang ginagawa ng Propeta ay:

“Rabbana atina fid-dunya hasana, wa fil 'akhirati hasana, waqina 'adhaban-nar”

Na ang kahulugan ay: “Oh Allah, Ipagkaloob Mo sa amin ang kabutihan sa Dunya, at kabutihan sa Akhira “Jannah” at ilayo Mo sa amin ang parusa ng impiyernong apoy”

Kapag natapos kumain at habang naghihintay ng Iqamah ay magdua rin.

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Ang panalangin (Dua) sa pagitan ng Azan at Iqamah ay hindi matatanggihan “tatanggapin ang kanyang panalangin”

NOTE: Kung single ka i grab mo na ito, malay mo ito lang pala hinihintay mula sa iyo, gayundin sa nais magdagdag✌🌹😅

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: " قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: إن للصائم عند فطره دعوة لا ترد"
حديث: "قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: الدعاء لا يرد بين الأذان والإقامة"
- "رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ"

✍ Zulameen Sarento Puti

26/05/2026

Bukas na po ang Eidhul-Adha May 27,2026 at ang Sunnah ay kumain ng Tamar o mula sa Qurban mo pagkatapos ng Salah Eidhul-Adha

SUNNAH NA DAPAT GAWIN SA EIDUL-ADHA❗❗❗MGA ALITUNTUNIN NG EIDUL ADHA:♦️-Maligo bago magdasal ng Eid♦️-Magsagawa ng Takbee...
26/05/2026

SUNNAH NA DAPAT GAWIN SA EIDUL-ADHA❗❗❗

MGA ALITUNTUNIN NG EIDUL ADHA:

♦️-Maligo bago magdasal ng Eid

♦️-Magsagawa ng Takbeer

♦️-Magdasal ng Salatul Eid

♦️-Ang pagbabatian ng bawat Muslim

♦️-Ang pagsuot ng bagong damit

♦️Ang pagpapabango (sa mga lalaki lamang)

♦️-Ang pagkatay ng Udhiyya (Qurban) at Sunnah na kumain nito after ng Salah

♦️- Ang pagsasaya

PALIWANAG:

👉👉 Basahin hanggang dulo bilang dagdag kaalaman.

1.MALIGO BAGO MAGDASAL NG EID ISALI NARIN ANG PAGPABANGO

👉 Naisalaysay ni Imam Malik na si Ibn Umar ay naging nakaugalian nito na maligo sa araw ng Eid bago siya tutungo sa lugar na pinagdadarasalan ng Eid (Muatta: Hadith na ika 428)

☆ Binanggit ni Imam Nawawi (Kahabagan siya Ni Allah) na ang pagligo sa araw ng Eid ay Sunnah ayon sa pinagkaisahan ng mga Pantas sa Islam

2.KUMAIN NG QURBAN PAGKATAPOS NG SALAH

☆ Sa panahon ng Eidil Adha, ang pinaka Sunnah ay kumain pagkatapos ng dasal ng Eid at mainam kainin ang kanyang kinatay. Ngunit sinumang kumain bago magdasal Eidil Adha ay hindi magkakasala.

3. ANG PAGSAGAWA NG TAKBEER (pagsambit ng “Allahu Akbar”)

☆ Sa panahon ng Eidil Adha ay sisimulan ang pagsagawa ng Takbeer mula Fajr sa araw ng Arafah hanggang sa hapon ng huling araw ng Ayyamut-Tashreeq, ang ika 13 araw sa buwan ng Dhul-Hijjah.

4. ANG PAGDASAL NG SALATUL EID:

☆ Ang Salatul Eid ay binubuo ng dalawang tayo na walang Adhan at Iqama.
Wala ring Sunnah na Salah na maaring gawin sa unahan o pagkatapos nito, maliban lamang kapag idinasal ang Eid sa loob ng Masjid. Kapag ito ay isinagawa sa loob ng Masjid ay mainam magsagawa ng Sunnah na Salah na tinawag na “Tahiyyatul Masjid”

5. ANG PAGBABATIAN NG BAWAT MUSLIM

☆ Isinalaysay ni Jubair Bin Nufair na kanyang sinabi: “Naging kaugalian ng mga kasamahan ng Propeta sa tuwing sila ay nagkikita sa araw ng Eid ay kanilang winiwika ang: “Tanggapin nawa ni Allah ang ating mga mabubuting gawa at gayundin ang inyong mga mabubuting gawa”

6. ANG PAGSUOT NG MAGANDANG DAMIT

☆ Ayon kay Jaber, Si Propeta Muhammad ay may damit na Jubbah (isang damit na karaniwang sinusuot ng mga may katungkulan sa lipunan) na kalimitan niya itong isinusuot sa dalawang Eid at sa araw ng Beyernes) (Inipon ni Ibn Khuzaima

7. ANG PAGBABAGO NG DINADAANAN

☆ Isinalaysay ni Jabir Bin Abdullah: “Naging kaugalian ni Propeta Muhammad sa araw ng Eid na hindi dumadaan sa kanyang kalimitang dinadaanan.” Inipon ni Imam Bukhari 986

8. ANG PAGLILIBANG AT PAGSASAYA SA ARAW NG EID.

☆ pinag-utos ang pagsasaya sa araw ng Eid sa kondisyong hindi lalabag sa ipinagbawal ng batas ng Islam, gayundin kanais-nais ang pagbisita sa mga malalapit na kamag-anak, kaibigan at kapatiran.

9- ANG PAGKATAY NG UDHIYYA (Qurban)

✍️ Zulameen Sarento Puti

25/05/2026
25/05/2026

Ang sinumang nag-intensyon na mag-ayuno sa Araw ng Arafah ngunit dumating ang kanyang regla o nagkasakit o naglakbay ay isusulat pa rin sa kanya gantimpala nito.

Indeed we belong to Allah and indeed  to Him we will returnMay Allah grant him highly place in Jannah Aameen
25/05/2026

Indeed we belong to Allah
and indeed to Him we will return
May Allah grant him highly place in Jannah
Aameen

Huwag ka ng magdalwang isip sa Gantimpala ng Allah
25/05/2026

Huwag ka ng magdalwang isip sa Gantimpala ng Allah


22/05/2026

Bakit po bawal daw magputol ng kuko ngayon?

22/05/2026

Di masyado ako sumasali sa usaping duwaya na ito kasi kahit 2nd round nahihirapan ako.

Address

OH

Telephone

+12345688900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ramadan Daily posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship?

Share