AAM - SAKOP GOLAN

AAM - SAKOP GOLAN This page is exclusive for our Brethren who are in the different parts of the world outside the vicinity of the Philippines in our Division.

04/12/2022
01/06/2022

January 06
Let Us Pray No. 06
Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid. Kaw. 15:29
Abba, aming Ama. Ikaw ay matuwid at sakdal sa lahat ng iyong mga gawa. Dakila at kahangahanga ang mga yaon! Ang iyong mga daan ay makatarungan at katotohanan oh Panginoon! Kami na iyong mga hinirang ay narito, sa isang espiritu ay tumatawag sa iyong banal na pangalan at sumasamo ng iyong banal na pamamatnubay sa aming patuloy na pamumuhay sa kabanalan ayon sa iyong kalooban.
Panginoon, sinabi mo sa amin na kapag ang iyong bayan na tinatawag sa iyong pangalan ay magpakumbaba at dumalangin at hanapin ang aking mukha at talikuran ang kanilang masamang mga lakad ay iyo ngang didinggin sa langit at iyong ipatatawad ang kanilang mga kasalanan at pagagalingin ang kanilang lupain.
Ipinapasakop namin ang aming sarili sa iyong kalooban. Itinatalaga namin ang araw na ito para sa iyo, gagawin namin ang lahat ng mga bagay para sa iyong karangalan. Bigyan mo kami ng lakas upang paglabanan ang masama ng mabubuting gawa. Ilayo mo kami sa mga tukso at patnubayan kami sa pagtatagumpay sa lahat ng aming ginagawa lalo na sa aming mga ministeryo. Gayundin naman, tulungan mo kami na patuloy na malinis ang aming mga sarili sa lahat ng mga karumihan ng laman at ng espiritu upang makagawa kami tungo sa pagpapakapuspos sa kabanalan sa pagkatakot sa iyo. Lubos kaming umaasa Panginoon na matatanggap namin ang iyong sumasaganang mga pangako para sa amin, sa lahat ng araw ng aming mga buhay. Salamat Ama. Ang iyong bayan ay nagsasabing "Amen."

11/01/2020

Sakdal (Oktubre) 31,2020

Shalom mga Kapatid.

Idinadalangin ko sa ating Amang Dios na iligtas Niya tayo sa anumang uri ng kasakunaan at panganib na maaaring idulot ng bagyong Rolly na tinaguriang pinakamalakas na bagyo sa taong ito.

Tayo ay magkaisang puso na dumulog sa Dios na maging ligtas ang lahat ng ating mga kapatid, maging ang lahat ng ating mga kapwa tao lalo na ang mga dadaanan ng unos ito.

Minamahal ko po kayo.
Mizpah!

MP K/Hiel

Ipalaganap po natin sa lahat ng Kapatid.

Day 28
10/10/2020

Day 28

07/16/2020

DAILY REFLECTION
FOOTPRINTS No.197
JULY 15, 2020
Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatirang kasama ko. Siya na lumalakad sa sakdal na daan ay maglilingkod sa akin.
(Awit 101:6)
Kailangan nating baguhin ang ating pag-iisip, ang paraan ng pamumuhay natin ay dapat na katulad ng kay Kristo. Nagpakababa Siya at ibinahagi ang Kanyang kaluwalhatian, karangalan, at karunungan sa mga nananampalataya sa Kaniya. Siya ay halimbawa ng pagiging mapagbigay.
Ituon natin ang ating atensyon sa ibang tao. Hanapin natin ang mga nananampalataya kay Kristo at makisalamuha sa kanila. Manatili sa kanilang tabi, kilalanin sila sapagkat sila ang iyong mga kapatid sa pananampalataya. Maghanap ng paraan para paglingkuran sila. Higit sa lahat ay gumawa ng pagkakataon para paglingkuran sila. Sabi nga ni David, "siya na lumalakad sa sakdal na daan ay maglilingkod sa akin". "Maglingkod" ay mangasiwa o gumawa ng kabanalan ito ay maka-saserdoteng gawa ng paglilingkod, pagsamba, at pagpupuri sa Dios. Hanapin natin ang mga tapat na maglilingkod, para sila rin ay kasama nating paglingkuran ang Dios. Purihin natin ang Panginoon! Awitan ang Panginoon ng bagong awit at papurihan sa kapisanan ng mga banal.

Shalom po! Bukas na po ito ng umaga! Tayo na at magpasalamat sa Panginoon sa kabutihan Niya na walang patid, sa Kaniyang...
05/29/2020

Shalom po! Bukas na po ito ng umaga! Tayo na at magpasalamat sa Panginoon sa kabutihan Niya na walang patid, sa Kaniyang pag-big, sa Kaniyang pag-iingat at lalong higit ay sa Kaniyang pangako sa atin.

04/17/2020

Address

Sacramento, CA

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AAM - SAKOP GOLAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to AAM - SAKOP GOLAN:

Share