Pamuayan 4square Church

Pamuayan 4square Church Pamuayan Foursquare Gospel Church

09/22/2022

Kung pinatawad na Tayu ng Dios sa ating kasalanan,
Bkit Hinde nalang tau mag patuloy sa pagkakasala?

SAGOT,👇

MBB
Roma 6:1-2

[1]👉Ano ngayon ang sasabihin natin? 👈Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos?

[2]👉Hinding-hindi! 👈👉Tayo'y patay na sa kasalanan, 👉paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala?

ASND
1 Juan 5:18
[18]👉Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, 👈👉sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.

Anuman ang ating nararanasan sa buhay ngayun lagi tayung mag pasalamat sa Dios sa Halip mag alinlangan!ASND Job 2:9-10[9...
09/22/2022

Anuman ang ating nararanasan sa buhay ngayun lagi tayung mag pasalamat sa Dios sa Halip mag alinlangan!

ASND

Job 2:9-10
[9]Sinabi ng kanyang asawa, “Mananatili ka pa bang matuwid? Sumpain mo ang Diyos at nang mamatay ka na!”
[10]Ang sagot ni Job, “Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng pagdurusa?” Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng laban sa Diyos.

09/20/2022

1 Pedro 4:14-16

[14]👉Mapalad kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.

[15]👉Huwag nawang mangyaring maparusahan ang 👉sinuman 👈sa inyo 👉dahil siya'y mamamatay-tao,👈👉 magnanakaw, 👈👉salarin o pakialamero.👈

[16]👉Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano,👈👉 huwag ninyong ikahiya ito; 👉sa halip, 👉magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.

09/18/2022

Efeso 6:1-3

[1]Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat.

[2]“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong

[3]“Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”

09/18/2022

Children Memory Verse!
Title:Mateo 5:4

Pamuayan Foursquare Gospel Church!

Naway magpatuloy kau hanggang sa inyong pagtanda!

Mateo 19:14
[14]👉Sinabi ni Jesus, 👉“Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.👈 👉Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

Please like and Share!

09/17/2022
09/17/2022

ASND

Kawikaan 1:10
[10]Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila.

09/17/2022

ASND

Mateo 5:9

[9]“Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

09/17/2022

Simba po tayu bukas !

07/28/2022

Maaari tayong mahalin ng mga tao, o maaari din nila tayong kamuhian

Lalo na kapag nag papahayag ka ng katotohanan! (Jhon 17:17)

07/27/2022

Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo at tsunami?

Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo, ipu-ipo, baha at tsunami? Noong 2004 isang tsunami ang tumama sa Asia, ang bagyong Katrina naman noong 2005 sa Timog-Silangang Amerika, at ang bagyo noong 2008 sa Myanmar. Sa gitna ng mga kalamidad na ito marami ang pinagdudahan ang kabutihan ng Diyos. Nakababahala na ang mga ganitong kalamidad aay laging tinatawag na “mga gawa ng Diyos” habang wala namang pagbanggit na gawa din ng Diyos ang mga taon, dekada o daan daang taon ng matahimik na kalikasan. Ginawa ng Diyos ang buong sangnilikha at ang mga batas ng kalikasan (Genesis 1:1). Karamihan ng mga kalamidad ay resulta ng mga batas na ito na pinaiiral ng Diyos. Ang mga bagyo, ipu-ipo at tornado at resulta ng iba-ibang panahon na nagkakabanggan. Ang lindol naman ay resulta ng paggalaw ng mga plato sa ilalim ng lupa. Ang tsunami naman ay resulta ng lindol sa ilalim ng karagatan.

Idineklara ng Bibliya na Si Hesus ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa sangniliikha. (Colosas 1:16-17). Kaya bang pigilan ng Diyos ang mga kalamidad? Siyempre naman. Iniimpluwensiyahan ba ng Diyos ang panahon? Oo, gaya ng mababasa natin sa Deuteronomio 11:17 at Santiago 5:17. Ipinakikita ng mga talatang ito na ang mag kalamidad ay pinahihintulutan ng Diyos upang minsan ay parusahan ang makasalanan. Inilalarawan sa Aklat ng Pahayag ang maraming mga pangyayari na mailalarawan bilang mga kalamidad (Pahayag kabanata 6, 8 at 16). Ang lahat ba ng kalamidad ay laging parusa ng Diyos. Hindi naman.

Gaya ng pagpapahintulot ng Diyos sa masasamang tao na gumawa ng mga kasalanan, gayundin naman pinahihintulutan ng Diyos na maranasan ng mundo ang resulta ng kasalanan sa sangnilikha. Sinasabi sa Roma 8:19-21 “Sapagka't ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa. Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.” Ang mga kalamidad ay isa sa mga bunga ng pagbagsak ng tao sa kasalanan. Ang lahat sa sangnilkha ay ipinailalim ng Diyos sa “kabiguan” at “kawalang “kabuluhan.” Ang kasalanan ng tao ang pangunahing dahlian ng mga kalamidad gayundin naman ng kamatayan, mga sakit at kahirapan.

Nauunawaan natin kung bakit nagaganap ang mga kalamidad. Ang hindi natin mauunawaan ng ganap ay kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga kalamidad. Bakit Niya pinahintulutan na ang tsunami na naganap sa Asya ay kumitil ng 225,000 na buhay? Bakit pinahintulutan ng Diyos ang bagyong Katrina na salantain ang mga tahanan ng libu-libong tao sa Amerika? Ang tanging tiyak ay ito: ang mga kalamidad na ito ang gumigiba ng pagtitiwala ng tao sa kanyang sarili at sa mga pinagtitiwalaan niya sa mundong ito ay siyang dahilan upang pagtuunan ng tao ng pansin ang mga bagay na pangwalang-hanggan. Pagkatapos ng mga kalamidad, kadalasan ang mga simbahan ay napupuno ng tao habang natatatanto ng tao na ang buhay sa lupa ay napakaiksi at ang lahat ng bagay ay puwedeng mawala sa loob lamang ng isang iglap. Ang natitiyak natin ay ito: Ang Diyos ay mabuti. Maraming kahanga-hangang himala ang nangyayari sa tuwing may kalamidad na siyang humahadlang sa mas maraming kamatayan. Ang mga kalamidad ang nagtutulak sa milyong tao upang pagisipan kung ano ang kanilang mga pinahahalagahan sa buhay na ito. Milyun milyong dolyar na halaga ng tulong ang ipinapadala sa mga taong dumanas ng kalamidad. Ang mga Kristiyano ay nagkakaroon ng pagkakataong makatulong, makapagministeryo, magpayo, manalangin at magbahagi ng Ebanghelyo tungkol kay Kristo! Kaya ng Diyos gumawa ng mabubuting mga bagay sa gitna ng mga nakasisindak na kalamidad (Roma 8:28).

07/27/2022

Paanu makikilala ang Espiritong Hinde mula sa Dyos!

1 Juan 4:1-6
[1]Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. 👉Sa halip, subukin muna 👈👉ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila,👈 👉sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito.

[2]👉Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila:👈👉 kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay 👉naging tao.👈

[3]👉Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, 👈👉hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. 👉Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. 👈👉Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na.

[4]👉Mga anak, kayo nga'y sa Diyos na at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan.

[5]👉Sila'y makasanlibutan, kaya't mula rin sa sanlibutan ang itinuturo nila, at nakikinig sa kanila ang mga makasanlibutan.

[6]👉Ngunit tayo'y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; ngunit hindi nakikinig sa atin ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan.🙏🙏🙏🐑🐑

Address

Sitio Pamuayan Port Barton S. V. P
Sacramento, CA

Telephone

+19165734199

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamuayan 4square Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share