30/10/2022
Mga kaparokya, siya si Bro. Emmanuel Condez – isang masipag na sakristan at miyembro din ng Social Communications ng ating parokya. Ang Ministry of Altar Servers (MAS), kaisa ang Social Communications Ministry (SOCCOM) ay kumakatok sa inyong butihin at maawaing puso sa pagpapadala ng mga panalangin at donasyon sa kahit anong halaga para sa ikabibilis ng kanyang paggaling.
Si Bro. Emman ay naaksidente sa kanyang pagbibisikleta papuntang simbahan kahapon (October 30 | Sunday) upang maglingkod sa Diyos. Dala-dala niya ang kanyang vestments at habang nasa biyahe ay umikot ang kanyang manibela (hindi na niya na-control) at naipantukod niya ang kanyang kaliwang kamay.
UPDATE:
Si Bro. Emman ay nakauwi na sa kanilang tahanan at babalik ulit sa Philippine Orthopedic Center sa November 4 para sa pagsailalim sa operasyon – paglalagay ng bakal sa kaliwang kamay.
ANG ANUMANG HALAGA NA INYONG MAIBABAHAGI AY ISANG NAPAKALAKING TULONG PARA SA PAMILYA NI BRO. EMMANUEL CONDEZ.
SA MGA NAIS MAGPADALA NG TULONG, NARITO ANG NUMERO NA MAAARI NINYONG PADALHAN:
GCash Account:
Sheena Mae Ferrer
09073937808