Abu Sohayb Maraguinot

Abu Sohayb Maraguinot Convey the true message of the Qur'an and the Sunnah.

12/08/2024

Sinabi ng Sugo ﷺ:

“O Abu Hurairah! Maging maka-Diyos ka (umiwas sa mga pagdududa upang di malagay sa paggawa ng Haram) at ikaw ay mapapabilang sa pinaka lingkod ni Allah sa mga tao.

Masiyahan ka sa kung ano ang biyayang inilaan sa iyo ni Allah at ikaw ay magiging kabilang sa pinakamayayamang tao.

At mahalin mo para sa mga mananampalataya kung ano ang gusto mo para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.

At kamuhian mo para sa kanila kung ano ang kinasusuklaman mo para sa iyong sarili at sa iyong pamilya, at ikaw ay magiging isang mananampalataya.

Maging mabait sa sinumang malapit sa iyo, at ikaw ay magiging isang Muslim.

Mag-ingat sa labis na pagtawa dahil ang labis na pagtawa ay sanhi ng pagkasira ng puso.” Isinalaysay ni Abu Hurairah

"يا أبا هريرةَ ! كُنْ وَرِعًا تَكُنْ من أَعْبَدِ الناسِ، وارْضَ بما قسم اللهُ لكَ تَكُن من أَغْنَى الناسِ ، وأَحِبَّ للمسلمينَ والمؤمنينَ ما تُحِبُّ لنفسِكَ وأهلِ بيتِكَ ، واكْرَهْ لهم ما تَكْرَهُ لنفسِكَ وأهلِ بيتِكَ تَكُنْ مؤمنًا ، وجاوِرْ مَن جاوَرْتَ بإحسانٍ تَكُنْ مُسْلِمًا ، وإياكَ وكثرةَ الضَّحِكِ ؛ فإنَّ كَثْرَةَ الضَّحِكِ فسادُ القلبِ."
الراوي : أبو هريرة | المحدث : الألباني | المصدر : صحيح الجامع، الصفحة أو الرقم: 7833 | خلاصة حكم المحدث : صحيح



-----------------------------------------
*Ang labis na pagtawa at pagpaparami nito ay nagdudulot sa tao ng kapabayaan sa paghahanda para sa kamatayan at sa mga kakila-kilabot na mga kaganapan sa Kabilang Buhay na kung saan doon siya patutungo.

*At ang ibig sabihin naman ng “Pagkamatay ng puso” ay ang pagkabakante nito sa pag-alaala kay Allah, at ang magbibigay-liwanag naman sa kanya ay ang pag-ibig, pagluwalhati, takot, at pag-asa kay Allah.


Abu Sohayb

05/08/2024

Katotohanan ang Gabay ni Allah ay ibibigay niya lamang sa taong karapat-dapat nito.

Sinabi ni Allah:

{{فَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يَهۡدِيَهُۥ يَشۡرَحۡ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِۖ وَمَن يُرِدۡ أَن يُضِلَّهُۥ يَجۡعَلۡ صَدۡرَهُۥ ضَيِّقًا حَرَجٗا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي ٱلسَّمَآءِۚ كَذَٰلِكَ يَجۡعَلُ ٱللَّهُ ٱلرِّجۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ}} سورة الأنعام: ١٢٥

"At sinuman ang naisin ni Allah na patnubayan, binubuksan Niya ang kanyang dibdib sa Islam, at kung sinuman ang Kanyang naisin na mapaligaw, ginagawa Niya ang kanyang dibdib ay nakasara at nakaikom, na wari bang siya ay pumapanhik sa alapaap. Kaya't sa ganito inilagay ni Allah ang Kanyang pagkapoot (pagpaparusa) sa kanila na hindi nananampalataya."

Abu Sohayb

"Ang katotohanan ng mundo""وإنَّ اللهَ ليُعطي الدُّنيَا مَن يُحبُّ ومَن لا يُحبُّ ، ولا يُعطِي الدِّينَ إلَّا مَن يُحبُّ...
01/08/2024

"Ang katotohanan ng mundo"

"وإنَّ اللهَ ليُعطي الدُّنيَا مَن يُحبُّ ومَن لا يُحبُّ ، ولا يُعطِي الدِّينَ إلَّا مَن يُحبُّ"

"At ibinibigay ni Allah ang mundo sa mga taong Kanyang minamahal at hindi minamahal, at hindi Niya ibinibigay ang Deen (Pananampalataya/Islam) maliban sa Kanyang minamahal."

{{وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا مَتَاعُ الْغُرُورِ (20)}} سورة الحديد

“At ang buhay sa mundong ito ay isa lamang mapanlinlang ng pagsasaya.”

Bilang isang Muslim na may pananampalataya kay Allah at sa Kabilang Buhay nararapat na bukas ang ating mga mata sa mapanlinlang na palamuti na bumabalot o nakapaligid sa mundong ito upang sa ganun ay alam natin kung papaanong harapin ang mga dagok sa buhay.

Kaya naman napakaraming mga ayat at hadith (talata at salita ng Propeta Muhammad ﷺ) ang mababasa tukol dito.

Sinabi ni Allah:
{{كُلًّا نُّمِدُّ هَٰؤُلَاءِ وَهَٰؤُلَاءِ مِنْ عَطَاءِ رَبِّكَ ۚ وَمَا كَانَ عَطَاءُ رَبِّكَ مَحْظُورًا (20)}} سورة الإسراء

“Sa bawat isa, sa inyo at sa kanila, Kami ang nagkakaloob (ng biyaya) mula sa Kasaganaan ng iyong Panginoon. At ang Kasaganaan ng iyong Panginoon, kailanman ay hindi maipagbabawal.”

Kung babasahin natin ang mga talata bago nito nabanggit doon na “Sinuman ang magnais ng A’jilah (mundo o pansamantalang kaligayahan sa mundong ito), Kami ay kagyat na magkakaloob sa kanya ng anumang Aming naisin sa sinumang Aming maibigan.”

Ibig sabihin ay ipagkakaloob parin sa kanya ni Allah sa Kanyang kapahintulutan at Karununganang ang kanyang nais o inaasam subalit ang kapalit noo’y kasakit-sakit na kaparusahan dahil sa kanyang pagtanggi at kawalan ng pananampalataya.

Basahin natin ang sinabi ni Allah:

{{وَلَوْلَا أَن يَكُونَ النَّاسُ أُمَّةً وَاحِدَةً لَّجَعَلْنَا لِمَن يَكْفُرُ بِالرَّحْمَٰنِ لِبُيُوتِهِمْ سُقُفًا مِّن فِضَّةٍ وَمَعَارِجَ عَلَيْهَا يَظْهَرُونَ (33) وَلِبُيُوتِهِمْ أَبْوَابًا وَسُرُرًا عَلَيْهَا يَتَّكِئُونَ (34) وَزُخْرُفًا ۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۚ وَالْآخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلْمُتَّقِينَ (35)}} سورة الزخرف

At kung hindi lamang na ang sangkatauhan ay hahantong sa pagiging isang pamayanan (ng mga hindi sumasampalataya na naghahangad sa makamundong buhay lamang, alalaong baga, iisipin nila na ang pagiging mapagbigay ni Allah ay tanda ng Kanyang pagsang-ayon at sila ay magmamadali sa kawalan ng pananampalataya upang magkamit ng kayamanan), Amin sanang pagkakalooban ang mga hindi sumasampalataya sa Pinakamahabagin (Allah) ng pilak na mga bubong para sa kanilang bahay, at (pilak) na mga hagdan upang sila ay umakyat(33),

At ng (pilak) na mga pintuan para sa kanilang bahay, at ng mga diban at luklukan (na yari sa pilak) upang kanilang pagpahingalayan(34),

At gayundin ng mga palamuting ginto. Magkagayunman, ang lahat ng ito (alalaong baga, ang mga bubong, pinto, hagdan, luklukan, atbp.) ay walang saysay maliban sa isang pagsasaya sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito. Ang Kabilang Buhay sa Paningin ng inyong Panginoon ay para sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah nang labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos) (35)

Kaya’t wag palilinlang sa mundong ito.
Tandaan na ang mundong ito ay taniman lamang ng mga kabutihan para sa Kabilang Buhay.

wallahu a'lam

----------------
Abu Sohayb

30/07/2024

𝘚𝘢 𝘙𝘦𝘭𝘪𝘩𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘭𝘢𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘘𝘐𝘋𝘈𝘏 (𝘰 𝘗𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢) 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘶𝘴𝘭𝘪𝘮 𝘢𝘺 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘴𝘦 𝘴𝘢 𝘘𝘶𝘳’𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘚𝘶𝘯𝘯𝘢𝘩.

𝘉𝘢𝘸𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘦𝘮𝘣𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢.

#𝘛𝘩𝘦𝘉𝘦𝘢𝘶𝘵𝘺𝘰𝘧𝘐𝘴𝘭𝘢𝘮

30/07/2024

𝙈𝙖𝙜𝙩𝙖𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙩𝙞𝙙!

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘢𝘭𝘢𝘮.

𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘩𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘶𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴𝘪𝘯 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨.

قال عبدالله بن المبارك - رحمه الله: "نحن إلى قليل من الأدب أحوج منا إلى كثير من العلم".

𝘛𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘐𝘮𝘢𝘮 𝘈𝘣𝘥𝘶𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘐𝘣𝘯𝘶𝘭 𝘔𝘶𝘣𝘢𝘳𝘢𝘬: “𝙏𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙨 𝙝𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙪𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙙𝙖𝙗 (𝙈𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙪𝙪𝙜𝙖𝙡𝙞) 𝙤 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙪𝙣𝙩𝙞 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙥𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 (𝙤 𝙈𝙖𝙨𝙖𝙞𝙡).”

𝘔𝘢𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘴𝘦𝘴𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘭𝘢𝘭𝘰𝘯𝘨-𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘢𝘺𝘢’𝘵 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶 𝘮𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘶𝘮𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘮𝘢𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢.

{{فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لَا تَعْلَمُونَ (43)}} سورة النحل

“𝘒𝘢𝘺𝘢’𝘵 𝘵𝘢𝘯𝘶𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯”.

ᗰᑌᑎTIᑎG ᑭᗩᗩᒪᗩᒪᗩ.
ᗯᗩᒪᒪᗩᕼᑌ ᗩ'ᒪᗩᗰ!

29/07/2024

The world is 3 days: As for yesterday, it has vanished along with all that was in it. As for tomorrow, you may never see it. As for today, it is yours, so work on it.

-Shaykh Al-Hasan Al-Basri

𝙋𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 𝙗𝙮: 𝙀𝙞𝙗𝙙𝙖'𝙖 𝘾𝙧𝙚𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙏𝙚𝙖𝙢

24/07/2024
23/07/2024

ᗩᑎG ᑭᗩGKᗩKᗩKIᒪᗩᑎᒪᗩᑎ ᑎG ᗰGᗩ ᗰᑌsᒪIᗰ KᗩY ᕼEsᑌs (ᗩᒪᗩIᕼIs-sᗩᒪᗩᗰ).

Address

Yanbu`
41912

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abu Sohayb Maraguinot posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Abu Sohayb Maraguinot:

Share