Islam is the only Religion AbdulRahman

Islam is the only Religion AbdulRahman Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Islam is the only Religion AbdulRahman, Riyadh.

Ang Wajib(Dapat Gampanan)Sa Salah 1)Ang Pagsabi Ng "Allahu Akbar"maliban sa (Takbeeratul lhram)2)Ang Pagsambit Ng "Sami ...
27/02/2023

Ang Wajib(Dapat Gampanan)Sa Salah

1)Ang Pagsabi Ng "Allahu Akbar"maliban sa (Takbeeratul lhram)
2)Ang Pagsambit Ng "Sami Allahu liman Hamidah"(Dinidinig Ng Allah Ang sinumang pumupuri sa kanya) na Imam at maging Ng mga nagdarasal Ng mag-isa
3)Ang Pagsabi Ng Rabbana wa lakal hamd (panginoon namin,Ang pagpupuri ay nauukol sa iyo)Ng Ima at Ng Bawat Isa
4)Ang Pagsabi Ng "Subhana Rabbiyal adheem"(Luwalhati sa aKing panginoon Ang Dakila)Habang nasa position Ng Ruko
5)Ang Pagsabi Ng "Subhana Rabbiyal A'la"(Luwalhati sa aKing panginoon Ang kataas taasan)habang nasa posisyong sujud
6)Ang Pagsabi Ng "Rabbighfir Li"( O aKing panginoon patawarin mo po Ako)sa pagitan Ng dalawang Sujud
7) Ang pagbigkas Ng unang bahagi Ng Tashahud (at-tashahud Al-Awal) at
8)Ang pag upo para sa unang Tashahud

📝Abdul Rahman

27/02/2023

Ang Mga Saligan(RUK'N)Sa Salah

1)Pagtayo(kung Makakaya)
2)Pagbigkas Ng Takbeeratul lhram(Pagsabi Ng Kauna-Unahang ALLAHU AKBAR)
3)Ang pagbigkas Ng AL-Fatiha Ang Unang kabanata(Surah) Ng Banal na Qur'an
4)Ruko o pagyukod Ng ulo at likod sa anggulong 90 degree
5)Pagbalik sa pagkakatayo Ng tuwid pagkatapos Ng Ruko
6)Sujod o Pagpapatirapa sa lapag(Sahih o lupa) na Ang nuo at ilong,dalawang kamay,tuhod,dulo Ng paa at Ang noo ay nakadikit Dito
7)Pag-angat Ng katawan Mula sa pagkapatirapa upang maupo
8)maikling pamamahinga habang nakaupo
9)kapanatagan sa lahat Ng kilos
10)Pagsasagawa Ng pangunahing sangkap Ng Salah ayon sa pagkakasunod sunod
11)Pagbigkas Ng huling Tashahud (ikalawang bahagi)
12)Pag upo para sa huling Tashahud
13)Panalangin para Kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa Ang kapayapaan Ng Allah)
14)Ang Paglingon Ng Mukha sa kanan at sa kaliwa habang kapwa sinasabi Ang "Assalamualaikum Wa Rahmatullah"

📝Abdul Rahman

Ang mga Kondisyon Ng SALAH1)Muslim2)Sapat na pag iisip3)Tamang gulang 4)Pagsasagawa Ng (wudu,Ghusl o Tayammum5)kalinisan...
27/02/2023

Ang mga Kondisyon Ng SALAH

1)Muslim
2)Sapat na pag iisip
3)Tamang gulang
4)Pagsasagawa Ng (wudu,Ghusl o Tayammum
5)kalinisan Ang pag Ali's Ng maruruming bagay sa (katawan,Damit at Lugar na pagsasagawaan Ng Salah
6)Ang maayos na pagtatakip Ng Awra
7)Pagsasagawa sa takdang Oras
8)Pagharap sa "Qiblah"(direksyon sa Makkah)
9)Pagkakaroon Ng Niyyah(Hangarin na magsagawa Ng Salah

📝Abdul Rahman

Assalamu alaykum warahmatulahi wa barahkatu mga kapatid may kapatid po tayo na balik islam ang pangalan ay Abdullah Fern...
23/02/2023

Assalamu alaykum warahmatulahi wa barahkatu mga kapatid may kapatid po tayo na balik islam ang pangalan ay Abdullah Fernando siya po ay nagpapagamot sa sakit na tuberculosis at siya po ay nangangailangan ng ating tulong lalo na po sa financial kaya ko po inilalapit sa inyo at pakisama po siya sa ating mga du'a. I pagkaloob nawa ng Allah ang kaginhawahan at madaliang paggaling. Allahumma ameen.

Sa mga nais pong magpaabot ng tulong pakipadala po sa mga sumusunod na account.

Stcpay
0554732128

Gcash
09354081363

Bdo
Noly Fernando
0120000009413

Ang kapatiran sa IslamAlhamdu lillah
15/02/2023

Ang kapatiran sa Islam
Alhamdu lillah

03/02/2023

MAPALAD NA MANLALAKBAY

May isang makasalanang lalaki na taga Basra na naglalakbay, at nang mapadpad sila sa isang Isla na kung saan ay may binibentang mga alipin ay bumili siya ng napakagandang dalagang alipin, at bukod sa kanyang kagandahan ay magaling ding sumayaw, kumanta at tumugtog.

Sumakay sila sa isang barko pabalik sa Basra, at nang sumapit ang dilim at tumahan ang malalakas na alon ay kanyang tinipon ang mga sakay ng barko para sa isang party, at silay nag-inuman ng alak.

Habang umiinom ang mga tao ay tinawag niya ang kanyang napakagandang alipin, at pinatugtog ito at pinakanta at pinasayaw.

Sa isang sulok ng barko ay may isang binata na bumabasa ng Qur-an, pinuntahan siya ng lalaki at tinanong ng may kayabangan: "Hoy binata! Hindi mo ba nagustohan ang kanta ng aking alaga? Mayroon bang bagay na mas magandang pakinggan kay sa kanyang kanta at tugtugin?!"

"Oo, mayron", tugon ng binata.

Sabi ng lalaki: "Ipadinig mo sa akin kung totoo ngang mayron!"

Binasa ng binata nang may napakagandang boses ang sinabi ng Allah sa Qur-an:

"قُلۡ مَتَـٰعُ ٱلدُّنۡیَا قَلِیلࣱ وَٱلۡـَٔاخِرَةُ خَیۡرࣱ لِّمَنِ ٱتَّقَىٰ وَلَا تُظۡلَمُونَ فَتِیلًا ۝ أَیۡنَمَا تَكُونُوا۟ یُدۡرِككُّمُ ٱلۡمَوۡتُ وَلَوۡ كُنتُمۡ فِی بُرُوجࣲ مُّشَیَّدَةࣲۗ." [النساء: ٧٧-٧٨].

(Ang lalaki ay arabo, kay naiintindihan niya ang kahulugan ng mga Ayat na ito).

"Sabihin mo; ang kasiyahan sa mundong ito ay panandalian lamang, at ang kabilang buhay ang higit na mas mainam para sa sinumang may takot sa Allah, at ang kawalan ng katarungan ay hinding hindi gagawin sa inyo maging katumbas man ito ng hibla ۝ Saan man kayo naroroon ay darating sa inyo ang kamatayan maging kayo man ay nasa matatayog na tore." [An-Nisa': 77-78].

Nanginig ang lalaki sa kanyang narinig, at naitapon sa dagat nang biglaan ang kanyang alak at sinabi: "Tunay ngang mas mainam ito kaysa kanta at tugtugin ng dalaga." At sinabi sa binata: "Mayron paba?"

Nagbasa ulit ang binata:

"وَقُلِ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَن شَاۤءَ فَلۡیُؤۡمِن وَمَن شَاۤءَ فَلۡیَكۡفُرۡۚ إِنَّاۤ أَعۡتَدۡنَا لِلظَّـٰلِمِینَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمۡ سُرَادِقُهَاۚ وَإِن یَسۡتَغِیثُوا۟ یُغَاثُوا۟ بِمَاۤءࣲ كَٱلۡمُهۡلِ یَشۡوِی ٱلۡوُجُوهَۚ بِئۡسَ ٱلشَّرَابُ وَسَاۤءَتۡ مُرۡتَفَقًا." [الكهف: ٢٩].

"At sabihin mo na ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon, kaya sinuman ang nais ay maniwala at sinuman ang nais ay hayaang hindi maniwala, ngunit Aming inihanda para sa mga makasalanan ang apoy na papalibot sa kanila ang mga dingding nito, at kung hihiling sila ng ginhawa ay kumukulong tubig ang ibibigay sa kanila na lalapnos sa kanilang mga mukha, sadyang napakasamang inumin at napakasamang hantungan." [Al Kahf: 29].

Lalong nanginig sa takot ang lalaki at binuhos sa dagat ang lahat ng alak, at sinabi sa kanyang dalagang alipin: "Malaya ka na, para sa landas ng Allah." At kanyang tinanong ang binata: "May pag-asa pa ba akong patawarin ng Allah?

Binasa ng binata ang Ayat na ito:

"قُلۡ یَـٰعِبَادِیَ ٱلَّذِینَ أَسۡرَفُوا۟ عَلَىٰۤ أَنفُسِهِمۡ لَا تَقۡنَطُوا۟ مِن رَّحۡمَةِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ یَغۡفِرُ ٱلذُّنُوبَ جَمِیعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِیمُ." [الزمر: ٥٣].

"Sabihin mo sa Aking mga alipin na labis nang nagkasala sa kanilang mga sarili na huwag kayong mawalan ng pag-asa sa habag ng Allah, tunay na patatawarin ng Allah ang lahat ng kasalanan, Siya Ang Mapagpatawad, Ang Mahabagin." [Az-Zumar: 53].

Sinabi ng lalaki: "Ako ay sumasaksi na ang Allah ay Mapagpatawad at Mahabagin." At huminga ng malalim at doon na siya binawian ng buhay.

Sinabi ng nagsalaysay: "Nanatili ang kanyang bangkay sa barko ng ilang araw bago kami dumating sa Basra, ngunit hindi nag-iba, at hindi nangamoy."

Sadayang mapalad ang taong ito, ilang sandali bago siya bawian ng buhay ay nagkaroon ng pagkakataong magsisi at magtawbah, kaya siya ay namayapa bilang matuwid na mananampalataya.

Ikaw? Kailan ka magbabago? Baka mamaya, o bukas ay sunduin kana ni kamatayan, ihanda mo ang iyong sarili sa lahat ng pagkakataon.

✍ Dr. Muhd-ata Abdulkarim

02/02/2023

NINAKAW NG IMAM ANG ATING KUTSARA?!

Panahon ng Ramadhan niyaya ng mag-asawa ang isang IMAM ng Masjid na malapit sa kanilang tahanan sa isang salo-salong IFTAR (pagkain sa hapon).

Pagkatapos ng IFTAR ay agad nagpaalam ang IMAM,

Sinabi ng babae sa kanyang asawa:
"Palagay ko ninakaw ng IMAM ang ating kutsara, WALLAHI!

Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa nangyayari!
Naging malaking palaisipan ito sa kanila hanggang dumating ang sumunod na Ramadhan.

Sa madaling salita, Lumipas ang isang taon ay muli na naman nilang niyaya ang nasabing IMAM sa isang IFTAR,
Ngunit sa pagkakataong ito sila ay nagkaroon na ng pagdududa na may kalakip na magmamatyag!

Sa kanilang pagmamasid, wala naman silang napansin na kakaibang ikinikilos ng IMAM hanggang sa matapos nalang ang IFTAR at magpaalam na ang nasabing Imam.

Bago pa tuluyang makalabas ang IMAM sa kanilang tahanan ay hindi na nakapagpigil sa sarili ang asawang babae at kanyang tinanong ang IMAM,

Mawalang-galang po mahal na IMAM.
“Kinuha po ba ninyo ang aming kutsara noong nakaraang taon?

Sabi ng IMAM: “Hindi po Hadja!”

Katunayan po inilagay ko po sa loob ng Qur’an na katabi ng inyong TV.
Andito parin po o Hadja sa loob ng Qur’an!!”

Dahil sa hiya ay hindi na nagawang makapagsalita ng ginang at tuluyan ng nagpaalam ang nasabing IMAM.

Sa loob ng isang taon ni isang membro ng pamilya ay hindi man lang binuksan ang nasabing Qur’an?!!

Kailan ang huling panahon binaasa ang Qur’an??

Kailan huling narinig ni Allah mula sa atin ang Kanyang Salita???

Maliit man o malaking bagay na mawala ay hindi titigil hangga’t hindi ito makita samantala nasa Qur’an lang ang kasagutan!!

Makikita sa loob ng tahanan ang mamahaling gadget ngunit, kahit ni isang kopya ng Qur’an ay hindi mo makita at kung mayroon man, kalimitan puno pa ng alikabok!!

Noong nakaraang taon kami ay naimbitahan sa isang salu-salong kainan at hiniling sa amin ng naghanda ng pagkain ang pagbasa ng Qur’an.

Inilabas sa amin ang napakagandang Qur’an na nakabalot pa sa isang tela at dahan-dahan pang kinuha mula sa isang antique na baul at sinabing:
“Ingatan mo yan Ustadz! ikaw palang ang unang nakabukas niyan simula nong ipabili ko yan sa lolo ko nong 80’s, at nag-iisang kopya lang yan!!”

ANG QUR’AN AY BINABASA, PINAG-AARALAN AT ISINASABUHAY!

ITO AY PAGKAIN NG ATING KALULUWA AT HINDI ITINATAGO!!

✍️ Zulameen Sarento Puti

02/02/2023
27/01/2023

Masha'Allah
Welcome brother to Islam

Address

Riyadh

Telephone

+966547054832

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Islam is the only Religion AbdulRahman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Islam is the only Religion AbdulRahman:

Share