02/06/2026
"Always be ready to lose anyone because people change like seasons."
Kapatid, ang sakit diba? Pero bakit kaya sinabi ni Lord sa Mangangaral 3:11 na "Ginawa Niyang maganda ang lahat sa tamang panahon"?
Mangangaral 3:11 ASD
At lahat ng ito ay itinadhana ng Diyos na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.
Kasi may hanganan lahat yung iba sa buhay natin. Hindi para saktan ka, kundi para turuan ka.
Ang Tao’y parang panahon lang din may season.
Yung iba dumating para maging Spring mo - nag papa ngiti sayo sa time na malungkot ka
Yung iba Summer - nag bibigay init sayo nung time na nanlalamig ka.
Yung iba Autumn - nagturo sayo kung paano magpaalam, sa panahong may nawawala sayong mga dahon o kaibigan, at ka pamilya .
At yung iba Winter - dun mo nakilala si Lord nang mas malalim, kasi Siya lang ang natira.
Hindi ibig sabihin na fake yung frienship nyo dati, o any relationship na nabuo sa inyo dati, Totoo yun. Pero season lang talaga.
Alam mo kung ano yung hindi nag-eexpire hindi mawawala sayo? Si Lord. Siya lang yung kaibigang hindi magbabago kahit magpalit lahat ng tao sa paligid mo. Siya yung Puno na may lilim kahit anong season.
Kaya huminga ka. Kung may umaalis ngayon, hindi ka iniwan ng mundo. Dinadala ka lang ni Lord sa next season mo. At sa next season na yun, mas handa ka na. Mas buo ka na. Kasi sa Kanya ka nag pagaling.
Tandaan mo: Hindi ka nireject. Nag-graduate ka lang sa season na yun.
Alam mo yung Autumn?
Yun yung season na nalalagas yung mga dahon. Masakit sa puno na malagasan ng dahon dahil Hubad siya. Parang siya lang, nag iisa. Pero kailangan yun para makahinga, para makaready sa bagong Spring.
Kung Autumn ka ngayon, normal lang na masakit.
Normal na feeling mo walang natira. Normal na parang ang lamig. Kasi nalalagas yung mga taong akala mo "forever". Yung mga dahon na makulay ng alaala niyo.
Pero kapatid, tandaan mo to:
Hindi pinabayaan ng Diyos yung Puno pag Autumn. Hindi Niya sinabing "pangit ka na kasi wala nang dahon". Sa kabila ng lahat na malagasan sya ng dahon Dinidiligan pa rin Niya. Pinapalakas pa rin ang ugat nya sa ilalim, dun sa hindi ka nakikita.
Ang Autumn ay hindi katapusan.
Pahinga lang yun. Paglilinis. Pag-aayos. Para pagdating ng Spring, mas marami, mas maganda, mas totoo na yung tutubo.
Ecclesiastes 3:11
He has made everything beautiful in its time.