28/04/2026
Meet Jeanelle Tolentino โan RVCF leader who stepped out in faith to share the Word of God.
"Hiii, ako si Elle! At may booth kami noong foundation day na C.O.F.F.E.E (Christ Offers Forgiveness For Everyone, Everywhere) and gusto ko palang ipatotoo yung experience ko nung event at araw na 'yun!
Alam niyo ba, honestly, first time ko uling sumabak na mag-share at mag-evangelize, and to think na sa loob ng campus agad 'yun? Nakakakaba. Nakakakilabot. Hindi ko alam pero baka ijudge nila yung mga sasabihin ko? Baka wala ring masyadong pumunta o makinig?
Pero hindi, He provided, God provided the knowledge, wisdom, and joy sa mga nagvisit at sa mga leaders na nagshare! Ang sabi nga sa Bible sa Exodus 4:12 "Now go; I will help you speak and will teach you what to say.โ Naalala ko si Althea na unang napagshare-an ko, nagulat ako't mabait, same vibes kami, at ang lalim niyang mag-isip patungkol sa mga bagay-bagay. Kaya doon palang ay medyo nawala na yung takot ko na magshare uli sa iba pa, hindi naman pala sila nagjajudge, naninigaw, o umiirap sa mga sinasabi ko. May mga handang makinig! We just need to listen in God's voice too, and likewise share it to others. Maraming nangangailangan ng words Niya, marami pa pala tayong dapat abutin. At nakita ko iyon noong araw na 'yon. Na kahit iyong mga akala mo na mga mukhang hindi makikinig at "kupal" ay may desire pa rin na makinig ng tungkol sa Kan'ya.
Kaya, gusto kong tapusin itong patotoo ng mga realizations ko. Si Elle, narealize niya nung araw na iyon yung burden to share and have compassion sa mga hindi pa nakakapakinig o iyong mga nakapakinig na pero naliligaw uli, kailangan lang natin silang dalhin ulit kay Lord. 'Di ba't tayo rin e ganoon nung una?"
โ Elle