Basic Eccleasial Communities San Juan Dela Cruz Parish

Basic Eccleasial Communities San Juan Dela Cruz Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Basic Eccleasial Communities San Juan Dela Cruz Parish, Religious organisation, Valenzuela.

BECs: The Community of Disciples living in Communion participating in the mission of Christ as a priestly, prophetic, kingly people and as the Church of the poor.

06/12/2021

DAILY BIBLE SHARING W.O.R.D. METHOD
Sharer: Sis. Rowena T. Bañez
7 December 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - MARTES NG IKALAWANG LINGGO NG ADBIYENTO / PAGGUNITA KAY SAN AMBROSIO, OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN

MATEO 18:12-14 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu't siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nsa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORDS: (MT.18:12-14) "Ano sa palagay ninyo ang gagawin ng isang taong may isang daang tupa kung nawawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba't iniwan nya ang siyamnaput siyam na nasa bundok upang hanapin ang naliligaw. Tandaan ninyo kapag itoy kanyang natagpuan higit niyang ikagagalak ang isang ito kaysa siyamnaput siyam na hindi naligaw. Gayundin naman hindi ayon sa kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito"
ORDER: Hanapin ko kung ano man ang mga kulang sa aking pagkatao para mabuo kung sino ako,hanapin ko ang ikabubuti ko,hanapin ko ang kapanatagan ng aking sarili at mga mahal ko sa buhay,at hanapin ko ang Panginoon na lumikha at magliligtas sa akin, sa gitna ng kahit ano mang setwasyon na mararanasan ko upang mapanatag ang aking kalooban.
REALITY: Sa batang kaisipan ng iwan kami ni Inay sa aming Itay, sila ay ng hiwalay maraming katanungan kung bakit ito nangyari, sinikap kong maging mabait na anak, masunorin,at tahimik, ang akin lang wag na ako maging intindihin pa ni Itay, lumaki akong uhaw na uhaw sa pag mamahal ng Inay, nung una sobrang galit ang tinago ko para sa aking Inay ayaw kona siya makita pang muli,hindi kopa lubos maunawaan ang mga bagay marahil dala ng aking kabataan, mahigit sampung taon hindi kami ng kita,dala dala ko lagi ang galit sa aking Ina, taong 1988 naimbita ako sa gawain ng isang CLSS-Catholic Life in the Spirit Seminar doon ko naramdaman na may Diyos, doon nabago unti unti ang laman ng aking puso ang galit napalitan ng lungkot at pangungulila sa aking Ina, doon nagsimula kona siyang hanapin at ipagtanong, kaloob na ng Panginoon na kami ay nagkita, at ang una kung nasabi sa aking Inay , nandito na ako yong iniwan mong bata dalaga na ngayon at may trabaho na, wala ng kasunod na salita kundi puro patak na ng luha, doon ko naramdaman ang gaan ng aking dibdib nabura lahat ng galit nung makita ko si Inay, at ng malaman ng mga kapatid ko na hinanap ko si Inay sila naman ang nagalit sa akin, hindi ako sumuko ipinilit kung isama ipakita ko sa kanila si Inay, doon nabuksan isa isa ang relasyon nila kay Inay. Salamat sa Panginoon tinuruan nya ako mag hanap,
mag patawad at mahalin ang nawawalang tupa sa katauhan ng aking Inay❤️
Praise be to God🙏
DIRECTION: Pinakamabuti na maayos ang hindi pagkakaunawaan o relasyon ng Pamilya,tulad ng pagpapatawad sa akin ng Panginoon,maging matapang na hanapin harapin at kausapin ang taong nagkamali nagkulang o nagdulot ng sugat sa puso ko,sa awa at habag ng Panginoon naging maaayos ang lahat.
PANALANGIN: Panginoong Jesus turuan ninyo akong mapagpatawad sa aking kapwa at sa mga mahal ko sa buhay, may pag papakumbaba na harapin ang mga taong ng kasala sa akin. at punuin ninyo ng pagmamahal ang aking puso,maganap nawa lagi ang kalooban ninyo sa aking buhay.
AMEN,🙏

02/12/2021

DAILY BIBLE SHARING W.O.R.D. METHOD
Sharer: Sis. Zeny Encarnado
3 December 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - BIYERNES NG UNANG LINGGO NG ADBIYENTO / PAGGUNITA KAY SAN FRANCISCO JAVIER, PARI

MATEO 9:27-31 Noong panahong iyon, pag-alis ni Hesus sa lugar na iyon, sinundan-sundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila na ang wika, "Anak ni David, mahabag kayo sa amin!" Pagpasok ni Hesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Hesus, "Naniniwala ba kayo na magagawa ko ito?" "Opo, Panginoon," sagot nila. At hinipo niya ang kanilang ang kanilang mga mata, at sinabi, "Mangyari sa inyo ang ayon sa iyong paniniwala." At nakakita na sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Hesus na huwag sasabihin ito kaninuman. Ngunit nang sila'y makaalis, ibinalita nila sa buong lupaing yaon ang ginawa sa kanila ni Hesus.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORD: (Mateo 9: 29) Mangyari sa iyo ayon sa inyong paniniwala.
ORDER: Palaging magtitiwala sa Diyos at patatagin ang aking pananampalataya.
REALITY: Noong umuwi ako sa probinsya at nag-stay ako doon ng dalawang araw at nang bumalik ako ng Manila, ang mga paa ko ang nagkaroon ng manas. Akala ko ay dahil sa biyahe dahil magdamag akong bumiyahe. Lumipas ng dalawang araw ay hindi pa rin nawawala ang manas, kinabahan ako at nagpacheck-up sa doktor. Nag pala oratory ako, ecg, urine test, to-do-echo, ultrasound. Sa aking ultrasound nagkita na may toldok at sabi ng doktor ay mayroon akong bato. Binigyan ako ng gamot pero hindi naalis ang takot. Lagi akong nagdarasal hinihiling kay Lord na pagalingin niya ako. Humingi din ako ng dasal sa aking mga kaibigan dahil naniniwala ako na mas marami ang magdadasal ay lalong pakikinggan ng Panginoon. Makalipas ng dalawang buwan na gamutan na may kasama ng dasal ay nag pa-check up uli ako at nagpa ultrasound uli. Mayroon pa rin yong tuldok kaya dagdag gamot at dasal. Nagpa pray-over pa ako. Sumunod kong check up at ultrasound, thank you Lord dahil malinis na at wala nang na kitang tuldok. Ibinigay ni Lord ang aking kahilingan.
DIRECTION: Patuloy akong magtitiwala sa Panginoon anuman pagsubok ang dumating sa buhay ko.
PANALANGIN: Panginoon Kong Diyos tulungan Mo akong patatagin ang aking pananampalataya upang lalo po akong makapaglingkod sa Iyong ubasan. Pag kalooban Mo ako ng kaunti ng talino upang magampanan ko ang tungkulin iniatas Mo sa akin at maging kalugod-lugod sa Iyong paningin.

01/12/2021

DAILY BIBLE SHARING W.O.R.D. METHOD
Sharer: Sis. Blandie Victa
2 December 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - HUWEBES NG UNANG LINGGO NG ADBIYENTO

MATEO 7:21, 24-27 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit.

Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan ng malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato. Ang bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng bahay sa buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORD: Mt 7:20)"Kaya't ang bawa't nakikinig at nagsasagawa ng mga Salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato."
ORDER: Makinig sa Kanyang mga SALITA at isasabuhay ito. Susundin at tanggapin ang kalooban ng Diyos.
REALITY: Nang magkaroon ng colon cancer ang kapatid kong babae, nalungkot ako at nabahala. Ito ang nagtulak sa akin upa g magpa check up din .Sa 2D echo lumabas na meron akong left atrial myxoma,isang benign tumor na tumubo sa puso mismo.
Nagdulot ito ng stress sa akin .Hindi ako nakakatulog nang maayos at palaging kinakabahan. Kinausap ko ang Panginoon," Ito ba ang sagot Mo sa dasal ko na gusto kong makibahagi sa pghihirap ng kapatid ko at paghihirap Mo sa krus.?" Itinuro Nya na basahin ko ang Aklat ni Job. Doon ko napagtanto na hindi dapat ako nagtanong. Mahirap mauunawaan ang Kanyang pamamaraan. Lumipas ang 2 buwan.Natutunan kong tanggapin ang karamdaman kong ito.Sabi ko kung ito ay pagdadalisay sa akin tulad ng ginto na dinadalisay sa apoy, ang usal ko," Panginoon, tinatanggap ko ang paghihirap na to, lamang tulungan mo akong makayanan ko ito."
Sa aking pagtanggap, naging panatag ang loob ko sa operasyon na gagawin . Naihanda ang pinansyal , emosyonal at espiritwal..May mga praying warriors at may nagdala sa akin sa healing priest. Tagumpay ang operasyon ko.Sept 26,2010..!🙏Lubos kong ipinakatiwala ang aking kaligtasan sa Panginoon..Tunay na ipinagkaloob Nya na ang pangalawang buhay ko!! Maraming Salamat at Papuri sa Iyo O Diyos!🙏🙏
DIRECTION: Sa aking buhay, palagi kong tingnan ang araw araw kong pamumuhay...yung hindi lang sige nang sige...kukunsultahin ko ang Panginoon at maging handa sa pagtanggap sa kalooban Nya...hindi ko ipipilit ang aking kagustuhan.
PANALANGIN: Panginoon, nawa'y palagi kong pakinggan ang Iyong mga Salita,, pag alabin Mo ang aking pananampalataya upang aking maisabuhay ang mga ito.Amen.

28/11/2021

DAILY BIBLE SHARING W.O.R.D. METHOD
Sharer: Sis. Nora Santos
29 November 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - LUNES NG UNANG LINGGO NG ADBIYENTO

MATEO 8:5-11 Noong panahong iyon, pagpasok ni Hesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya: "Ginoo, ang alipin ko po'y naparalisis. Siya'y nakaratay sa amin at lubhang nahihirapan." "Paroroon ako at pagagalingin siya," sabi ni Hesus. Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako'y nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at ako naman ay may nasasakupang mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, 'Humayo ka!' siya'y humahayo; at sa iba, 'Halika!' siya'y lumalapit; at sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' at ginagawa niya."

Namangha si Hesus nang marinig ito, at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganitong kalaking pananalig. Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORD: (MAT.8:5-11) Tandaan ninyo: Hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel.
ORDER: Panatilihin ang pananampalataya at pananalig sa ating Panginoong Jesukristo. Manalig na ang lahat ay bibigyan Niya Ng katugunan sa tamang oras at panahon.
REALITY: Bawat isa sa atin ay may plano ang Diyos. Plano sa ikabuti ng bawata isa. Noong mawala na ang asawa ko, yun ang oras na ganap na pagbabago sa aking buhay, taong 2005. Nagbalik loob ako sa Panginoon at nag served sa kanya at sa kapwa ko biyuda, hangang sumapit ang April 2021 . Nagbago ang takbo ng serviced ko ,nanlamig ako sa serbisyo sa maraming kadahilanan. Sabi nga kung di kana masaya umalis ka. Na stress ako umiyak ako nanghihinayang ako bakit ako umalis. Sa araw at gabi nanalangin ako sa Diyos at humihingi ng tawad na baka ako ay nagkamali lamang sa aking pag alis sa serbisyo ko. Tinatanong ko ang Panginoon kung ano ang plano niya sa akin dahil naiinip na ako at parang gusto ko ng magsisi na mali yata ang desisyon kong nagawa...sa loob ng 2 buwan na pananalangin ko ay dininig din Ng Panginoon ang katanungan ko.
Inaya ako ni Sis. Carmen na aktibo din sa aming chapel o SPPC Our Lady of Mt. Carmel, na dumalo sa gawain sa BEC - TYCC sabi subukan ko raw umattend. Sa loob ng ilang buwan sa aking pagdalo sa disciple's formation fellowship (DFF) tuwing Lunes sa aming parokya sa pangunguna ng BEC - TYCC at sa ibang gawain, naging masaya ako at marami na rin akong natutunan. Finally dito pala ako pinaglilingkod ng Panginoon. GOD IS GOOD ALL THE TIME.
DIRECTION: Maibahagi ko nawa na ang nais ng panginoon na sa bawat pag subok at hirap na dinaranas ay may kaakibat na tagumpay sa taong marunong humingi sa Diyos ng awa at pananampalataya sa kanya.
PANALANGIN: Panginoon kong Diyos patuloy mo pong pagkaloob sa akin na magampanan ko ng tama , maayos at maging kalugod lugod sa Iyo ang mga iniatas mong tungkulin ko para sa iyo.

November 28, 2021🔸First Sunday in the Season of Advent“And then they will see the Son of man coming in a cloud with powe...
28/11/2021

November 28, 2021
🔸First Sunday in the Season of Advent

“And then they will see the Son of man coming in a cloud with power and great glory. Now when these things begin to take place, look up and raise your heads, because your redemption is drawing near,” (Lk 21:27-28).

Today we celebrate the First Sunday of Advent and begin a new liturgical cycle, year C. In today’s readings at Mass, we are reminded of Christ’s Second Coming and His return to earth on the ‘last day.’ We are encouraged to reflect upon this event and look for ways to have it direct our daily actions. As we wait expectantly, we prepare to encounter our Lord and welcome the day when His justice, compassion, and joy will reign in all its fullness on earth.

Source | divineoffice.org

25/11/2021

DAILY BIBLE SHARING W.O.R.D. MERHOD
Sharer: Sis. Rosita Dela Cruz Torres
26 November 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - BIYERNES NG IKA-34 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

LUKAS 21, 29-33 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang talinghaga: "Tingnan ninyo ang puno ng igos at ibang punongkahoy. Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayun din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon. Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang salita ko'y hindi magkakabula."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORD: (Lucas 21:33) "Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang salita ko'y hindi magkakabula."
ORDER: Manatili at maniwala ako sa Salita ng Diyos.
REALITY: Ako po ay madalas magsimba pero maraming pagkakataon ang nasayang dahil hindi po ako naging seryoso sa aking pagsisimba dahil kahit nakikinig ako ng misa ito ay pinalalagpas ko sa kabilang tenga. Sa ngayon po ay napasama ako sa BEC/TYCC kaya lubos po akong nag pagpapasalamat dahil sa kanila ay marami akong natutuhan.
DIRECTION: Patuloy po ako mag makikinig at magbasa ng biblia upang lumawak ang aking kaalaman at lumalim ang aking pananampalataya.
PANALANGIN: Panginoon bigyan po Nyo ako ng kalakasan, talino at pinansyal upang patuloy po ako makapag lingkod sa Iyo at makasunod sa bawat gawain. AMEN🙏

23/11/2021

DAILY BIBLE SHARING W.O.R.D. METHOD
Sharer: Sis. Adelaida Manatad
23 November 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - MARTES IKA-34 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / PAGGUNITA KAY SAN CLEMENTE I, PAPA AT MARTIR

LUKAS 21:5-11 Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.”

Tinanong nila si Hesus, “G**o, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?”

Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.”
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORD: (Lucas 21:5) Noong panahong iyon, PINAG-UUSAPAN ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao.
ORDER: Huwag mag-uusap kung nagsisimba. Focus sa gawain ng Panginoon.
REALITY: Noong wala pa ako sa BEC pagpasok ko sa simbahan uupo lang at makipagkwentuhan sa aking katabi. Ngayon na nandito na ako sa BEC at palagi na akong nagsisimba narinig ko sa pangaral na dapat ay makinig at hindi makipag usap sa katabi kung magsisimba upang maunawaan ang Banal na Salita.
DIRECTION: Ang direksyon ko ngayon ay makinig upang maunawaan ko ang Banal na Salita, mag focus at manalangin sa Panginoon.
PANALANGIN: Panginoon patawad po sa aking nagawang kasalanan at lukoban mo ako ng iyong Banal na Espiritu at gabayan mo ako palagi at pag alabin mo ang aking puso na palaging sumunod sa Iyo. Amen.

22/11/2021

DAILY BIBLE SHARING W O.R.D. METHOD
Sharer: Sis. Adelaida L. Balce
22 November 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - LUNES NG IKA-34 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON / PAGGUNITA KAY STA. CECILIA, DALAGA AT MARTIR

LUKAS 21, 1-4 Noong panahong iyon, nang tumingin si Hesus, nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo. Nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing. Ang wika ni Hesus, "Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit kaysa kanilang lahat. Sapagkat bahagi lang ng di na nila kailangan ang kanilang ipinagkaloob, ngunit ibinigay ng balong iyon na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay."
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORD: (Lucas 21:2) Isang mahirap na biyudang naghulog ng tigsiwenta sentimos.
ORDER: Sa pagbibigay hindi sukatan ang laki ng iyong ibibigay ang mahalaga ito ay bukal sa iyong puso.
RREALITY: Laki ako sa lola ko siya ang nagturo akin na pagdating ng ala sais ng hapon Angelus, Magrosaryo, at magsimba pag araw ng linggo. Ang pagsisimba ay talagang pinaglalaanan ko ng oras ito, pag araw ng linggo bago aq pumunta o gumawa ng ibang bagay ang gusto ko ay nakasimba n ako. Sa buhay ko madaming pagsubok, pero lahat ng iyon ay nakakaya ko sa tulong at
awa ng panginoon. Sinisikap ko
sa sarili ko na maging mababang
loob , tumulong sa kapwa kahit sa maliit na bagay lang , sa ngayon malapit n akong mag-isang taon sa parokya SJDCPC nalulugod ako na isa akong naging member ng BEC , TYCC, na patuloy na nagpapalaganap ng salita ng Diyos .
DIRECTION: Magsisikap akong isabuhay ang mga salita at aral ng ating mahal na Panginoon.
PANALANGIN: Panginoon turuan mo po ako na maging mababang loob, magpatawad sa aking kapwa, wag maging makasarili ,
matutong magbigay sa kapwa
ng may pagmamahal.

20/11/2021

DAILY BIBLE SHARING W.O.R.D. METHOD
Sharer: Sis. Teresa Cabañas
20 November 2021

MAGANDANG BALITA NGAYON - SABADO IKA-33 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

LUKAS 20:27-40 Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo'y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay. "G**o," anila, "naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: 'Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki'y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.' May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayun din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha'y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?"

Sumagot si Hesus, "Sa buhay na ito, ang lalaki at mga babae'y nag-aasawa, ngunit ang lalaki't babaeng karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila'y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang 'Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.' Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay - sa kanya'y buhay ang lahat." Sinabi ng ilan sa mga eskriba, "Magaling ang sagot ninyo, G**o!" At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
WORD: (LUKAS 20:38) Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay - sa kanya'y buhay ang lahat."
ORDER: Kailangan na maniwala ako na ang Diyos ay Diyos ng mga buhay at may muling pagkabuhay para sa mga namatay.
REALITY: Noong ako ay bata pa matatakotin ako sa patay. At kung anong kumot ang binalot sa akin pagsapit ng gabi. Napapanaginipan ko kasi. Hanggang sa lumaki ako ganoon pa rin ako. Nang ako ay nag-asawa na binibiyayaan sana kami ng apat na anak. Pero nalaglag yung isa. Sana sabi yun sana ang kasama ko sa aking pag-iisa ngayon dito sa Pilipinas. Minsan naisip ko din na siguro kung hindi yun nalaglag baka magpari siya tulad sa Tito Francis niya. Malaki ang pagsisi ko. Na confess ko na sa isang pari at natanggap ko ang kapatawaran. Matagal ko na sana ito i-share pero natatakot ako baka husgahan ako at masaktan. Salamat sa Diyos na ako ay pinalaya at binigyan ng lakas ng loob para ibahagi ko ang karanasang ito.
DIRECTION: Sisikapin ko na magbigay papahalaga ng buhay.
PANGINOON: Panginoon maraming salamat po sa kapatawaran na ipinagkaloob sa akin. Bigyan po Nyo ako na maipagtanggol ang biyaya at kahalagahan ng buhay. Amen.

Address

Valenzuela
1440

Telephone

+639511374951

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Basic Eccleasial Communities San Juan Dela Cruz Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share