25/03/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Taos-pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng Sto. Niรฑo Chapel - LEPAF SPPC sa bawat isa na nakiisa sa ginanap na Pabasa ng Pasyon nitong ika-29 ng Marso 2026. Ang inyong pakikiisa ay nagbigay-buhay sa ating sama-samang paggunita sa hirap at pag-ibig ng ating Panginoon Hesukristo.
Sa bawat awit, pagbigkas, at pagninilay ng mga saknong, nawaโy mas tumimo sa ating mga puso ang kahalagahan at panawagan ng Kuwaresmaโang tapat na pagsunod, taimtim na pananalangin, at taos-pusong pagbabalik-loob sa Kanya. Nawaโy magbunga ito ng mas malalim na ugnayan natin sa Diyos, hindi lamang sa panahong ito kundi sa ating pang-araw-araw na buhay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng nagbahagi ng kanilang oras, lakas, at mga handog na pagkain. Ang inyong kabutihang-loob ay naging daluyan ng biyaya at naging patunay ng tunay na diwa ng pagkakapatiran at paglilingkod.
Nawaโy patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Panginoon sa ating paglalakbay sa pananampalataya.