Daily Bread Ministry

Daily Bread Ministry Daily wisdom helps us to grow in faith thru inspiring messages from God's Word.

19/08/2026

‼️GENESIS 8 & 9

Sabi ng south border sa kanilang kanta, THERE’S A RAINBOW ALWAYS AFTER THE RAIN. Kaya kahit gaano kalakas ang ulan/bagyo abangan mo, may bahaghari na lalabas bilang tanda na tapos na ang ulan/bagyo, sisikat na ang araw, may pag-asa na naghihintay.

Ito po ang kasaysayan ng Genesis chapter 8 and 9, kung paanong pinangakuan ng Dios si Noe na hindi na muling gugunawin ang lupa sa pamamagitan ng tubig, at bilang palatandaan ng kanyang pangako ay nagpalabas ang Dios ng isang RAINBOW na magiging tanda ng kanyang pangako kay Noe at sa kanyang magiging lahi.

THE RAIN WAS OVER AND THE FLOOD STARTS TO RECEDE. TAPOS NA ANG 40 days and 40 nights na ULAN AT SIMULA NA NG PAGHUPA NG BAHA. SANDALI LANG YUNG PAG-APAW NG TUBIG, PERO MATAGAL YUNG PAGHUPA NITO.

STORMS/RAIN ARE NOT PERMANENT. THEY WILL COME AND THEY WILL GO

Yes, Storms may damage our lives and properties but it will end sooner or later because storms are not permanent, storms are not forever.

Masakit, malungkot, mabigat sa loob kung tayo yung dinadaanan ng mga bagyo, Pero wala tayong magagawa, kasi bahagi talaga ng buhay natin sa mundo ang mga bagyo at mga pag-ulan.

Pero ang pampalubag loob natin sa mga panahon na may ulan/bagyo…

1. HINDI NAMAN ARAW-ARAW UMUULAN
2. HINDI NAMAN LAGI SA LUGAR NATIN ANG BAGYO
3. HINDI NAMAN NAGTATAGAL ANG ULAN

Gaya sa chapter 8,9 ng Genesis, natapos din ang ULAN. Biruin nyo 40 days and 40 nights umulan pero tumigil din.

Daily Bread Ministry ‼️

17/08/2026

‼️GENESIS 7

The flood in the days of NOAH was one of the well-known story of the Bible. Actually it is not just well-known story, but also one of the GREATEST STORY IN THE BIBLE. Nakita ng Dios na ang taong kanyang nilikha ay sobra sobra na ang kasamaan kaya nagpasya siya na ubusin na ang taong kanyang nilikha…TOTAL ANNIHILATION SA PAMAMAGITAN NG BAHA, PERO MAY NAPANSIN SIYA NA NAKAPUKAW NG KANYANG PANSIN, ITO AY SI NOE, Sa dami kasi ng tao sa mundo, si Noe ang namumukod tangi, siya lamang ang tanging nagbigay ng lugod sa Dios, lumalakad sa panuntunan ng Dios, Kaya siya ang Napili ng Dios na magtutuloy ng lahi ng tao pagkatapos Nyang lunurin ang lahat sa isang malaking baha.
So God commanded Noah to build an Ark na magsasalba sa kanila sa paparating na baha. Hindi naman nabigo ang Dios dahil sabi ng chapter 6:22

At ginawa nga ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos.
Genesis 6:22

Lesson:
FEW PEOPLE WILL BE SAVED!
-ILAN ANG NALIGTAS DURING THAT FLOOD? 8 people, Si Noe, asawa nya, 3 anak at mga asawa ng mga anak nya. Samantalang ang dami-dami na ng mga tao that time. Nakalatan na nila ang buong daigdig according to chapter 6:1

People have multiplied across the whole earth. Naging libangan nila ang gumawa ng anak. Pero kasabay ng pagdami nila ang paglala ng kasamaan sa lupa, kaya nagpasya ang Dios na 1. Paiksiin ang buhay nila from 900+ to 120 at higit sa lahat 2. Lunurin silang lahat sa baha. At ang mapalad na Napili para magtuloy ng lahi ng tao ay si NOE at ang kanyang Sambahayan. Sa dami ng tao sa mundo, 8 lang ang naligtas, because FEW PEOPLE WILL BE SAVED. Kokonti lang ang maliligtas, sa panahon ni Noe at maging sa panahon natin. Not because yun ang gusto ng Dios, kundi yun ang pinipili ng tao. Hindi ang Dios ang nagdedesisyon para mapahamak o maligtas ang tao, kundi ang tao ang pumipili ng kanyang ikapapahamak.

The Lord is not slow in keeping his promise, as some understand slowness. Instead he is patient with you, not wanting anyone to perish, but everyone to come to repentance.
2 PETER 3:9

GUSTO NI LORD, MALIGTAS ANG LAHAT, NOT WANTING ANYONE TO PERISH, KAYA KUNG HINDI KA MALILIGTAS, AT PUPUNTA KA SA IMPYERNO, KASALANAN MO NA YUN, HINDI KASALANAN NG DIOS YUN

Ikaw, kasama ka ba sa FEW? Gusto mo bang makasama sa Few?

GOD IS CALLING YOU TO ENTER INTO THE ARK Because There Is No Hope Outside The Ark.

Daily Bread Ministry‼️

‼️GENESIS 6Mabilis ang pagdami ng tao dahil yun naman ang bilin ng Dios ang sila'y humayo at magpakarami. Pero kasabay n...
16/08/2026

‼️GENESIS 6

Mabilis ang pagdami ng tao dahil yun naman ang bilin ng Dios ang sila'y humayo at magpakarami. Pero kasabay ng pagdami ng tao ang paglaganap ng kasamaan. Kaya naman nagdesisyon ang Dios na...

1. PAIKSIIN ANG BUHAY NG TAO. from 900+ magiging 120 na lamang
Nakita siguro ng Dios na isang factor kung bakit sumama ng sumama ang tao ay dahil sobrang haba ng buhay nyang inilalagi sa mundo. Kaya naman nagpasya siyang paiksiin ito.

5 Nakita ni Yahweh na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito. 6 Kaya't labis na ikinalungkot ni Yahweh na nilikha pa niya ang tao. 7 Sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Ikinalulungkot kong nilalang ko pa ang mga ito.”

This rampant wickedness deeply grieves God. Nalungkot ang Dios dahil ang tao ay pasama ng pasama. Palala ng palala ang kondisyon ng sangkatauhan. Ang pangalawang desisyon ng Dios...

2. LILIPULIN ANG LAHAT NG MAY BUHAY SA LUPA

God Decided To Destroy The Earth And All Living Creatures In A Flood
At si Noe ang napili nya na magtutuloy sa lahi ng tao pagkatapos ng baha.

Daily Bread Ministry

14/08/2026

In His Time

14/08/2026

GENESIS 5

Ganitong klase ng chapter ang nakakatamad basahin. Kasi puro nabuhay at namatay. Tungkol kasi ito sa “GENEOLOGY” ng mga unang tao. Ipinakita kung sino ang mga anak nila at kung gaano sila katagal nabuhay sa mundong ibabaw.

At isa sa mga namumukod tanging aral ng chapter na ito ay yung realidad ng buhay tungkol sa kamatayan. THAT PEOPLE LIVE AND DIE. Na ang taong ipinanganak, ang taong nabuhay sa mundo ay mamamatay din.

Nabuhay at namatay. Paulit ulit na statement ng chapter 5, NABUHAY AT NAMATAY. Dahil ganun ang buhay sa mundong ibabaw, isisilang ka, mabubuhay ka, then mamamatay ka. Bagama’t LONG LIFE noon compare today kasi umaabot sila ng 900+, Pero kahit gaano kahaba, may end parin. Dahil yan ang truth na dapat nating matutunan palagi, ANG TAONG MAY BUHAY AY MAMAMATAY DIN.

So, people live, people die, that is a reality of life. Bunga kasi ito ng kasalanan.
Sabi kasi ng Dios, huwag nyong kakainin yan, dahil oras na kainin nyo yan eh mamamatay kayo. HAYUN, kinain nila, kaya pumasok ang kamatayan.

Kaya mahalaga na bago ka mamatay, lumakad ka na kasama ng Panginoon tulad ni Enoch, dahil sa kanyang pananalig sa Dios, hindi nya naranasang mamatay, inilipat na siya, kinuha na siya ng Dios at dinala sa kanyang piling.

WALK WITH GOD. Marami kasing tao kaya napapahamak kasi WALKING AWAY FROM GOD ang ginagawa! Dapat tumatakbo tayo papalapit sa kanya hindi papalayo.

Ikaw, ano ang learning mo GENESIS 5, paki-comment naman.

Daily Bread Ministry

14/08/2026

Lulubog lilitaw 😇

13/08/2026

GENESIS 4

Si Adan at Eba ay nagkaroon ng anak, si Cain at si Abel. Si Cain ay naging magsasaka samantalang si Abel naman ang tagapastol ng kanilang mga alagang hayop. Masisipag ang mga anak na ito. Hindi tambay sa kwarto o sa kusina, nasa bukid sila, katuwang ng tatay nila para may makain sila sa araw araw. Kasi diba sabi ng Dios kay Adan, MAGBUNGKAL KA NG LUPA PARA MAY MAKAIN KA, DAHIL SA PAWIS NG IYONG MUKHA AY KAKAIN KA. Kaya yun din ang naging trabaho ng mga anak nya. Ang sarap kapag ganito ang mga anak, mga napapakinabangan sa bahay. Marami kasing mga anak ngayon, katatamad. Anak mo ba yun?

Ang Genesis 4 ay tungkol sa Pagsambang ginawa ni Cain at Abel sa Dios.

3 Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. 4 Kinuha naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, 5 ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit.

Dumating ang araw ng pag-aani, kaya naman itong magkapatid ay nagsimulang handugan ang Dios. Kumuha si Cain mula sa ani ng kanyang bukid na sinasaka, kumuha naman si Abel sa kanyang mga alagang hayop at kinatay, kinuha ang Magandang parte, at yun ang inihandog sa Dios.

Tinanggap ng Dios ang handog ni Abel, pero hindi tinanggap ang handog ni Cain na labis na ikinagalit ni Cain kaya naman alam natin ang sumunod na nangyari, niyaya nya ang kapatid nya sa bukid at ito ay kanyang pinatay.

Simple lang ang lesson sa atin ng chapter na ito, NOT ALL WORSHIP IS ACCEPTABLE TO GOD. Ito yung malalim na lesson na nakita ko as I reflect this chapter 4, hindi lahat ng pagsambang ginagawa ng tao ay nagiging katanggap-tanggap sa Dios. Si ABEL SUMAMBA, SI CAIN AY SUMAMBA pero si ABEL LANG ANG KINALUGDAN. Meaning, not all worship is acceptable to God. Kaya magandang pagsusuri ito ng sarili lalo na everytime na pupunta tayo sa KAPILYA PARA SUMAMBA, ACCEPTABLE BA ANG WORSHIP MONG GINAGAWA.

Ibigay natin lagi yung BEST natin sa LORD para tulad ni Abel, maging katanggap tanggap din ang worship natin sa kanya.

Ikaw, ano ang natutunan mo sa chapter 4? Baka maaari mong i-comment. Paki-Like and share na rin. God bless po.

Daily Bread Ministry

13/08/2026

Genesis 3

THE ORIGIN OF SIN, Ang pasimula ng pagkakasala ng tao.
Yung taong nilikha ng Dios ayon sa kanyang WANGIS AY NADUNGISAN dahil sa pagsuway, Hindi sila nakinig sa Dios, Kinain nila ang ipinagbabawal Nyang kainin.

Sabi ni God kay Adam and Eve, pwede mong kainin lahat ng gusto mong kainin sa halamang ito pero huwag lang itong nasa gitna ng halamanan dahil kapag kinain mo yan eh ikaw ay mamamatay.

BUT SATAN TWISTED GOD’S WORD TO DECEIVE EVE
Ginawa ni Taning na sinungaling ang Dios, pinagmukha Nyang sinungaling ang Dios, ang sabi nya, HINDI TOTOO ANG SINABI NYA SA INYO. Ganyan talaga ang trabaho ni Satan, ang baluktutin ang Salita ng Dios kasi siya ay sinungaling sinabi yan sa Juan 8:44.

SO, EVE WAS DECEIVED BY BELIEVING SATAN’S LIE
Sabi kasi nung ahas, kapag kinain mo yan magiging marunong ka, makakatulad mo na ang Dios. Kaya napaisip siya, sabi nya, masarap yatang maging marunong katulad ng Dios (Ambisyosa) kaya naman pumitas siya at kumain at binigyan din nya ang asawa nya at kumain din ito. And boom, Nakita nila ang kanilang kahubaran, pumasok na ang malisya, pumasok na ang kasalanan. Kaya naghanap sila ng mga dahoon para takpan ang kanilang kahubaran.

THEN, ADAM AND EVE HIDE FROM GOD
Naku sabi siguro nila, LAGOT TAYO, kumain tayo ng ipinagbabawal nya, kaya sila nagtago.

BUT STILL, GOD SEEKS ADAM AND EVE’S REPENTANCE
2 ang tanong ng Dios sa kanila “NASAAN KA?” dito pa lang dapat umamin na sila. Binibigyan na sila ng Dios ng pagkakataon na umamin sa nagawa nilang kasalanan. Pero wala paring pag-amin. Tapos nagtanong muli ang Dios, “BAKIT, KUMAIN KA BA NG BUNGANG IPINAGBABAWAL KO?” another question para sana umamin sila. PERO SA HALIP NA AMININ ANG NAGAWANG MALI, SA HALIP NA MAGSORRY, EH NAGPALUSOT NA SILA AT KANYA KANYANG TURUAN NA.

Malinaw ang sabi ng Dios kay Eva at Adan, Kainin nyo ang lahat, pwede nyong kainin ang lahat, huwag lang ito kasi mamamatay kayo kapag kinain nyo yan. PERO NUNG BALUKTUTIN NI SATANAS YUNG GOD’S WORD, MADALING NANIWALA ANG TAO. Kaya hayun, natukso sila, nadaya sila.

GOD’S WORD MUST BE THE STANDARD OF LIVING
Kaya mahalagang binabasa ito, pinakikinggan. Kasi kung ito ang gagawin nating gabay, mapapabuti tayo, hindi tayo mapapahamak.

Please Comment, follow and share.

Daily Bread Ministry

11/08/2026

‼️GENESIS 2
It Talks about WHO WE ARE

Charles Darwin says, WE ARE CAME FROM APES!
Tayo daw ay bunga ng ebolusyon. Payag ba kayo na kayo ay galing sa unggoy?
Hindi tayo papayag Kasi may designer tayo, may creator tayo at yun ay ang Dios sa langit. AND WE ARE CREATED BY GOD IN A VERY SPECIAL WAY.

For we are God’s masterpiece. He has created us anew in Christ Jesus,
so we can do the good things he planned for us long ago.
Ephesians 2:10

We are GOD’S MASTERPIECE. Alam nyo ba ibig sabihin ng Masterpiece? OUTSTANDING, namumukod tangi. Sa Espanyol, OBRA MAESTRA. Tayo ang MASTERPIECE, OBRA MAESTRA, OUTSTANDING CREATION BY GOD.

Because we are Created by God In His Own Image
Tayo lang ang nilikha ng Dios ayon sa kanyang larawan.

And also God created you to rule all his creation
Ang sabi sa verse 15

15 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan
ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan.

HINDI KA BASTA BASTA NILIKHA. IKAW ANG PINAKA ESPESYAL SA LAHAT NG NILIKHA NG DIOS. IKAW ANG KANYANG MASTERPIECE, IKAW ANG KANYANG OBRA MAESTRA.

Daily Bread Ministry‼️

Address

Rizal
Baras
1950

Telephone

+639975622487

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daily Bread Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Daily Bread Ministry:

Shortcuts

Share