05/09/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐
๐ซ๐ข๐๐๐ฒ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐ฒ-๐ฌ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐ค ๐ข๐ง ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ฒ ๐๐ข๐ฆ๐ (๐๐ซ๐๐๐ง)
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ๐๐ฌ ๐, ๐๐-๐๐
Pagbasa mula sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas
Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siyaโy una sa lahat, at sa kanya nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay. Siya ang ulo ng Simbahan na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak โ ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa.
๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ฅ๐ฆ๐จ ๐๐, ๐. ๐. ๐. ๐
๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จโ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐
๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ขโ๐ฒ ๐ข๐ก๐๐ง๐๐จ๐ .
Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginooโy papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!
๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จโ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐
๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ขโ๐ฒ ๐ข๐ก๐๐ง๐๐จ๐ .
Ang Panginooโy ating Diyos! Itoโy dapat malaman,
tayoโy kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayoโy bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.
๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จโ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐
๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ขโ๐ฒ ๐ข๐ก๐๐ง๐๐จ๐ .
Pumasok ka sa kanyang templo na ang pusoโy nagdiriwang,
umaawit nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siyaโy pasalamatan!
๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จโ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐
๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ขโ๐ฒ ๐ข๐ก๐๐ง๐๐จ๐ .
Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niyaโy walang hanggan,
siyaโy Diyos na mabutiโt laging tapat kailanman.
๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จโ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐
๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ขโ๐ฒ ๐ข๐ก๐๐ง๐๐จ๐ .
๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ฎ๐๐ง ๐, ๐๐
Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
โAko ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.โ
Aleluya! Aleluya!
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐, ๐๐-๐๐
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay ๐๐๐ง ๐๐ฎ๐๐๐ฌ
Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Hesus: โAng mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayun din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad moโy patuloy ng pagkain at pag-inom.โ Sumagot si Hesus, โPag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.โ
Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: โWalang pumipiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayun ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. At walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, โMasarap ang inimbak.โโ
๐๐ง๐ ๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง.