22/02/2022
PLATAPORMA DE GUBYERNO Series No. 4
#42-MALLILLIN, EMILY for Senator
KUNG HINDI TAYO, SINO?
Ang magsusulong ng mga Top-5 Priority Agenda bilang PLATAPORMA DE GUBYERNO na tulad nito:
[1] E= Edukasyon sa Kabataan at mga Katutubo;
[2] M=Maayos na Pamahalaan
[3] I= Ina ng Bayan
[4] L= Lulunasan ang Kahirapan
[5] Y= Yaman ng Bansa ay Aalagaan
=================================
IKAAPAT NA AGENDA:
[4] L= Lulunasan ang Kahirapan
[a] Mga Ipapanukalang Batas:
[1] Empowerment of Local Agricultural-Industries: Pagpapasigla, pangangasiwa, at pagpapaunlad ng agrikultura at industriya sa bawat LGUs sa pamamagitan ng paglalaan ng malaking pondo sa pagtatayo ng mga Local Business Corporations/Enterprises (LBCs) na pangangasiwaan ng bubuoing Local Bayanihan Investment Development Authority (LBIDA) sa bawat LGU’s. Kapag naisa-Batas eto ay pangunahing makikinabang ang Workers/Labor Sector and OFWs, mga Civil Society Organizations (CSOs), at mga nasa Business Sector for “Joint Ventures” with LGUs na lilikha ng:
(a) Employment Generation and Job Security: maramihang trabaho, pagtitiyak sa seguridad sa trabaho at o regular employment sa mga trabahong karaniwang kanais-nais o kinakailangan sa negosyo ng isang kompanya kaya’t walang end of contract or ENDO. Magreresulta din eto ng paglikha ng maramihang mga produkto kaya bababa ang presyo ng mga bilihin;
(b) Regular and Sustainable Income: pagtatakda ng standard national living wage plus additional increase for wage/salary depende sa kakayanan ng kompanya na magdagdag ng sweldo sa bawat region. Kapag nangyari eto, tataas ang “capacity to buy” ng mga manggagawa at empleyado na magpapalakas lalu ng mga negosyo at ekonomiya;
(c) Profit Sharing: batas ukol sa karampatang bahagi sa mga produktong kanilang nililikha (equal share in the fruits of production) na magiging dahilan upang ang mga maralita ay aangat ang buhay mula sa poor status to middle class; at,
(d) Share of Stock Option: batas na magbibigay karapatan sa mga empleyado/manggagawa na maglaan o bumili ng share of stocks ng kompanya mula sa kanilang share profit and regular income upang maging middle class to upper middle class and/or rich;
Ang mga kaakibat na Batas ukol sa empowerment of local agricultural-industries ay makikinabang ang lahat ng mga magsasaka, manggagawa pati na ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na babalik na sa Pilipinas upang makapiling ang kani-kanilang pamilya at magamit nila ang kani-kanilang mga kaalaman at kasanayan para sa pagpapa-unlad ng ating Bansa. Gayundin, uunlad ang mga LGUs dahil bukod sa kikita ang kanilang mga negosyon through "joint ventures" ay tataas din ang pagmumulan ng makokolektang buwis sa mga empleyado at itatayong negosyo na sa kabuoan ay uunlad ang pangkalahatang ekonomiya sa buong Bansa.
[2] Pagbubuo ng Batas ukol sa pagpapaunlad at pagtitiyak na may pondo para sa kabuhayan at mga karapatan ng iba’t ibang sektor:
(a) Magsasaka: Batas para sa todo suporta at pondo sa mga magsasaka at manggagawang bukid para makalikha ng masaganang ani (food sufficiency) sa buong bansa kasama na rito ang iba't ibang uri ng subsidy sa mga farm inputs, farmer’s subsidy and insurance, at iba pa. Amyendahan o pawalang-bisa (repeal) ang Rice Tarrification Law at palalakasin ang rice production and agricultural products upang hindi na mag-import at sa halip ay makapag-export pa sa ibang bansa. Paglalagay ng mga farm to market road, pagpapaunlad ng teknolohiya sa pagtatanim at pagsasaka. Pagtatayo ng mga “Bagsakan Centers” upang may tiyak na pagdadalhan (market) ang kanilang mga produkto na naka-ugnay (link) sa mga livelihood projects o industriya (Halimbawa: produktong Kamatis patungong Ketsup Factory; ibat’t ibang klase ng produkto mula sa tanim na Niyog patungong mga tools and finished products mula sa coconut factories). Batas na ang mga abandonado at bakanteng lupa ay gagawing produktibo para sa mga agricultural production and traditional and alternative medicines na pangangasiwaan ng mga farmers and agricultural cooperatives and other civil society organizations;
(b) Indigenous Peoples (IPs): pagpapaunlad ng IPRA Law at pabibilisin ang issuance of Land Titling sa mga Ancestral Domain para sa mga lehetimong katutubo. Batas na maglaan ng pondo para gawing produktibo ang kani-kanilang mga lupain na nakabatay sa rural and countryside development and food sustainability. Buhayin at palakasin ang Traditional and Alternative Medicines para sa sangkatauhan;
(c) Landless and Homeless Rural and Urban Poor: Batas na lilikha ng comprehensive, adequate, and resilient housing program with community livelihood and renewable source of energy. Ang pondong ilalaan dito ay hindi papatungan ng interes dahil tulong eto para sa mga maralitang walang bahay at lupa kasabay ng programang pangkabuhayan sa mga mahihirap;
(d) Artisanal Fisherfolks (Mangingisda): malayang pangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas, accident and health insurance, at mga livelihood projects sa sektor ng mangingisda na may kasama ding programang pabahay;
(e) Senior Citizens and Differently Abled Persons or PWD: granting P3,000 monthly pension for senior citizens and Differently-Abled Person or PWD without security/pension plan, priority for the farmers and IPs;
[3] Pagpapalakas at pagpapatatag ng KOOPERATIBISMO bilang katuwang sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa bansa;
[4] Pagbabawal o mahigpit na Batas at regulasyon sa mga nabubuong kartel at sindikato na may monopolyo at kontrol sa suplay at presyo ng mga produkto at tamang regulasyon sa kompetisyon at pagne-negosyo; at,
[5] Iba pang mga panukalang Batas na ninanais ng mga Batayang Sektor para sa kapakinabangan ng lahat na mag-aangat sa kanilang kabuhayan at kalagayan sa lipunan, from urban and rural poor to middle class status. Eto ang magiging simula upang “Tapusin ang Kahirapan”.
[b] Prinsipyo at paninindigan:
Pagbibigay ng karampatang bahagi sa mga magsasaka at manggagawa sa bunga ng kanilang pinagpaguran o equal and proper distribution of wealth and resources. Living wage at seguridad sa trabaho ng mga manggagawa. Todo-suporta sa mga magsasaka at pagpapaunlad sa agrikultura. Pagpapaunlad at karapatan ng mga katutubo at/o indigenous people na mapaunlad at maging produktibo ang kanilang mga lupain kasama na ang pagpapatitulo sa mga ancestral lands.
Tayo ay naniniwala na dapat ibangon ang kabuhayan ng bansa at ng mga mamamayan nang magkaagapay ang panlipunang progreso at hustisyang panlipunan. Ang panlipunang progreso ay makakamit sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng makamasang agrikultura, paglikha ng pambansa at panrehiyong industriya, makataong serbisyo at komersyo para sa kapakanan at kapakinabangan ng nakararaming mamamayan at hindi lang ng iilan.
Walang saysay ang panlipunang progreso kung walang hustisyang panlipunan na nangangahulugan ng kaunlaran at lubos na karapatan ng masang mahihirap dahil sila ang pangunahing lumilikha ng yaman ng bansa. Marapat lamang na ang masang maralita ay mabigyan ng lubos na proteksyon at makinabang sa kanilang karampatang kaparte sa mga bunga ng produksyon na kanilang nililikha at bigyan-bahagi sa yaman ng bansa (equitable and proper distribution of wealth and resources). Pagtitiyak ng seguridad sa trabaho at pambansang living wage sa lahat ng empleyado at manggagawa sa anumang klase ng industriya, at maayos na kalagayan at benepisyo ng mga OFW.
AKO, si MOTHER EMILY MALLILLIN, inaalay ang sarili bilang tagapanglingkod ng pamahalaan para sa iba’t ibang sektor ng lipunan at pangkalahatan… para sa Bayan at Kalikasan. Pinili kong lumahok sa halalan bilang Senador dahil naniniwala po ako na ang suliranin sa Bansa ay may pambansang saklaw na dapat lutasin sa pamamagitan ng pagpapalit ng SISTEMA, paglalagay ng maayos na LIDERATO sa gubyerno, at mga angkop na Batas sa buong Bansa.
Tulungan at suportahan po ninyo ako na maisakatuparan ang lahat ng ito…
Para sa Pangkalahatan, sa Bayan at Kalikasan,
MALLILLIN, EMILY T.
#42 sa Balota
Kandidato sa Senado
Partido Pederal ng Maharlika (PPM)
22 Pebrero 2022