Christ the King Parish Church in the Sky

Christ the King Parish Church in the Sky The Official page of ๐•ฎ๐–๐–—๐–Ž๐–˜๐–™ ๐–™๐–๐–Š ๐•ถ๐–Ž๐–“๐–Œ ๐•ป๐–†๐–—๐–Ž๐–˜๐– - ๐•ฎ๐–๐–š๐–—๐–ˆ๐– ๐–Ž๐–“ ๐–™๐–๐–Š ๐•พ๐–๐–ž.

๐——๐—ถ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ผ
located at Muzon, Taytay, Rizal.

Holy Mass Schedule:
Monday to Friday: 6:00am
Saturday: 7:00am
6:00pm (Anticipated Mass)
Sunday: 7:00am
9:00am
11:00am (English Mass)
4:00pm
6:00pm

๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘€๐‘Ž๐‘ก...
23/07/2026

๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ (๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ 13, 18-23)

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œPakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kayaโ€™t hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng naghasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salitaโ€™y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kayaโ€™t hindi makapamunga. At inilalarawan ng naghasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Silaโ€™y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.โ€

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘›


๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ‘,๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ...
22/07/2026

๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ‘,๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ (๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ 13, 10-17)

Noong panahong iyon, lumapit ang mga alagad at tinanong si Hesus: โ€œBakit po ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?โ€ Sumagot siya, โ€œIpinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakauunawa.

Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi:
โ€˜Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa,
at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita.
Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata.
Kung di gayun, disin sanaโ€™y nakakita ang kanilang mga mata,
nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sa akin,
at pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.โ€™ Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita, ngunit hindi ito nakita at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito napakinggan.โ€

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘›.


Maligayang ika-3 Taong Anibersaryo ng Inyong Pagkakaluklok bilang pang Limang Obispo ng Antipolo, Most Rev. Ruperto C. S...
22/07/2026

Maligayang ika-3 Taong Anibersaryo ng Inyong Pagkakaluklok bilang pang Limang Obispo ng Antipolo, Most Rev. Ruperto C. Santos, D.D.

Dalangin po namin na patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng kalusugan, karunungan, at lakas sa inyong mapagmahal na paglilingkod sa Sambayanan ng Diyos. Nawa'y patuloy kayong gabayan ng Espiritu Santo at pagpalain sa inyong misyong maging tapat na pastol ng Simbahan.

Maligayang Anibersaryo po, Bishop Ruperto C. Santos!

Ad multos annos!

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Œ๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ง๐š๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐ฝ๐‘ข๐‘Ž๐‘›Madi...
21/07/2026

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Œ๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ง๐š

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐ฝ๐‘ข๐‘Ž๐‘›

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, โ€œKinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!โ€

Si Mariaโ€™y nakatayong umiiyak sa labas ng libingan; yumuko siya at tumingin sa loob. May nakita siyang dalawang anghel na nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Hesus, ang isaโ€™y sa gawing ulunan at ang isa namaโ€™y sa paanan. Tinanong nila si Maria, โ€œAle, bakit kayo umiiyak?โ€ Sumagot siya, โ€œKinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan nila dinala.โ€ Lumingon siya pagkasabi nito, at nakita niya si Hesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Hesus iyon. Tinanong siya ni Hesus, โ€œBakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?โ€ Akala ni Mariaโ€™y siya ang tagapag-alaga ng halamanan, kayaโ€™t sinabi niya, โ€œGinoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko.โ€ โ€œMaria!โ€ ani Hesus. Humarap siya at kanyang sinabi, โ€œRaboni!โ€ โ€” ibig sabihiโ€™y โ€œGuro.โ€ โ€œHuwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakapupunta sa Ama,โ€ wika ni Hesus. โ€œSa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.โ€ Kayaโ€™t si Maria Magdalenaโ€™y pumunta sa mga alagad at sinabi, โ€œNakita ko ang Panginoon!โ€ At tuloy sinabi sa kanila ang bilin ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENAJuly 22,2026๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Œ๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ง๐šSanta Maria Magdalena, ikaw na naging...
21/07/2026

KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA
July 22,2026

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Œ๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ง๐š

Santa Maria Magdalena, ikaw na naging tapat na tagasunod ni Hesus, turuan mo kaming magmahal nang buong puso, magsisi sa aming mga pagkukulang, at manatiling matatag sa aming pananampalataya. Ipanalangin mo kami upang maging tapat na saksi ng pag-ibig at muling pagkabuhay ni Kristo sa aming buhay.

Amen.

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ |...
21/07/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ | ๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘œ 12: 45-50

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, โ€œNasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.โ€ Ngunit sinabi ni Hesus, โ€œSino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, โ€œIto ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.โ€

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘›..

20/07/2026
๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ , ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐ฟ๐‘ข๐‘›๐‘’๐‘  ๐‘›๐‘” ๐ผ๐‘˜๐‘Ž-16 ๐‘›๐‘Ž ๐ฟ๐‘–๐‘›๐‘”๐‘”๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐พ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘–๐‘ค๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘Žโ„Ž๐‘œ๐‘› (๐ผ๐ผ...
20/07/2026

๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ) | ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ , ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐ฟ๐‘ข๐‘›๐‘’๐‘  ๐‘›๐‘” ๐ผ๐‘˜๐‘Ž-16 ๐‘›๐‘Ž ๐ฟ๐‘–๐‘›๐‘”๐‘”๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐พ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘–๐‘ค๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘Žโ„Ž๐‘œ๐‘› (๐ผ๐ผ) | ๐ฝ๐‘ข๐‘™๐‘ฆ 20 , 2026

Noong panahong iyon, sinabi ng ilang eskriba at Pariseo kay Hesus, โ€œGuro, maaari po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œLahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayun din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasailalim ng lupa. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at itoโ€™y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto! Sa araw na yaon, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at itoโ€™y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto!โ€

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐ต๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘œ๐‘œ๐‘›


6:00 Pm Mass | Sunday | July 19, 2026 Ika -16 Linggo sa Karaniwang Panahon.
19/07/2026

6:00 Pm Mass | Sunday | July 19, 2026
Ika -16 Linggo sa Karaniwang Panahon.

Address

Hills, Dela Cuesta, Muzon
Taytay
1920

Opening Hours

Wednesday 6am - 3pm
Thursday 6am - 3pm
Friday 6am - 3pm
Saturday 6am - 3pm
Sunday 6am - 12pm

Telephone

+63285642213

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ the King Parish Church in the Sky posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Christ the King Parish Church in the Sky:

Shortcuts

Share