26/09/2026
MAHAL NAMING IGLESIA
(The Toledo Baptist Church Hymn)
By: Jaka Locquiao Mawirat
Verse I
Nagsimula ka sa isang panalangin,
Payak at taimtim sa lipunang madilim.
Sa karunungan Niya, naplano ang hinaharap,
Sa katapatan ng kawan, sa hirap at pasakit.
Maraming luha ang umagos, pagsubok ang hinarap,
Sa biyaya ng Diyos,kami’y patuloy na lumakad.
Ito ka na ngayon, sa tugon ng Maykapal,
Ikaw ay nag-ibayo sa luha at pagsisikap.
Chorus
O! mahal naming Iglesia, ang kawan naming sagana,
Damdamin mo’y dakila, sa sigla ng iyong pag-asa.
Kami ay sama-samang makikibaka sa ngalan ng Diyos Ama,
Bata man o matanda, dala ang tunay na pagsamba!
O! mahal naming Iglesia, sa Diyos ay nagkakaisa,
Sa bawat puso’t buhay, Siya ang aming pag-asa.
Hanggang sa dulo ng landas, kami’y kasama mo,
TBC, aming mahal na Iglesia,
Sa Diyos ay alay ang puso para sa Iyo.
Verse II
Patuloy kaming maghahangad, magplano at mangangarap,
Sa mga pagtitipon, mga tao aming natatanaw.
Nawa’y mananagana sa panalangin, paglago at paglawig,
Kaya’t kami’y patuloy na aawit at kikilos nang buong pag-ibig.
Hindi kami uurong, hindi kami hihinto,
Sa gawain ng Panginoon, sama-sama kaming susulong.
At saan man magtungo, anumang aming harapin,
Kami’y maglalakbay kasama ka, kasama ang Panginoon.
Chorus
O! mahal naming Iglesia, ang kawan naming sagana,
Damdamin mo’y dakila, sa sigla ng iyong pag-asa.
Kami ay sama-samang makikibaka sa ngalan ng Diyos Ama,
Bata man o matanda, dala ang tunay na pagsamba!
O! mahal naming Iglesia, sa Diyos ay nagkakaisa,
Sa bawat puso’t buhay, Siya ang aming pag-asa.
Hanggang sa dulo ng landas, kami’y kasama mo,
TBC, aming mahal na Iglesia,
Sa Diyos ay alay ang puso para sa Iyo.
Verse III
Sa bawat pagsubok, Diyos ay aming kasama,
Sa bawat tagumpay, sa Kanya ang papuri’t pag-asa.
Di kami hihinto, sa gawain ay magpapatuloy,
Ang Salita’y itataas, ang kaluluwa’y aabutin.
Sa bawat salinlahi, pananampalataya’y ipapasa,
Sa aming mga anak, apo, at sa buong pamilya.
Hanggang sa dumating ang araw na Siya’y aming masilayan,
Buong Iglesia’y nagkakaisa, sa Panginoon ay kumikilala.
Bridge — Panata ng Iglesia
Kami’y Iyo, Panginoon,
Ang aming buhay ay alay.
Ang aming lakas at panahon,
Sa Iyong gawain ilalaan.
Hindi para sa aming pangalan,
Hindi para sa aming karangalan,
Kundi sa Iyo lamang, O Diyos,
Ang lahat ng papuri magpakailanman!
Final Chorus — Mas Mataas at Buong Puso
O! mahal naming Iglesia, ang kawan naming sagana,
Damdamin mo’y dakila, sa sigla ng iyong pag-asa.
Kami ay sama-samang makikibaka sa ngalan ng Diyos Ama,
Bata man o matanda, dala ang tunay na pagsamba!
O! mahal naming Iglesia, sa Diyos ay nagkakaisa,
Sa bawat puso’t buhay, Siya ang aming pag-asa.
Hanggang sa dulo ng landas, kami’y kasama mo,
TBC, aming mahal na Iglesia,
Sa Diyos ay alay ang puso para sa Iyo.
Outro
TBC… mahal naming Iglesia,
Patuloy kang lalago sa biyaya Niya.
Sa bawat henerasyon, sa bawat salinlahi,
Ang pangalan ng Panginoon ay aming itataas lagi.
TBC… aming mahal na Iglesia,
Hanggang sa muling pagdating Niya…
Kami’y maglalakbay kasama ka.
Kami’y maglilingkod kasama ka.
Kami’y mananatiling tapat sa Kanya.
Mahal naming Iglesia…
Mahal naming TBC