Aslag Ning Espiritu Santo

Aslag Ning Espiritu Santo Kabataang A.N.E.S

๐—”.๐—ก.๐—˜.๐—ฆ, ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐˜‡ ๐—•๐—ฒ๐—ฒ โ€˜๐Ÿฎ๐ŸฒMuling nagningning ang Aslag Ning Espiritu Santo matapos ...
03/01/2026

๐—”.๐—ก.๐—˜.๐—ฆ, ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐˜‡ ๐—•๐—ฒ๐—ฒ โ€˜๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Muling nagningning ang Aslag Ning Espiritu Santo matapos hirangin bilang kampeon sa taunang Bible Quiz Bee sa District 13 โ€“ Area 2.

Sa pangalawang pagkakataon, sina Danica Andres at Alexie Reighn Cunanan Baking ay nasungkit muli ang unang pwesto laban sa representatnte ng Sibul Ning Bie. Sa kanilang pagkapanalo, muli nilang dedepensahan ang kampeonato sa national level.

Matatandaan noong nakaraang paligsahan, si Niรฑa Ysabell Miguel mula sa ANES ay naging kinatawan at sumungkit sa unang puwesto sa Bible Quiz Bee โ€“ National Level noong Pebrero 15, sa Sitio San Jose, Cut cut 1, Capas, Tarlac.

๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ - ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ ๐ŸฎKabataan mula sa dalawang lunduyan,...
03/01/2026

๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ - ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ ๐Ÿฎ

Kabataan mula sa dalawang lunduyan, kanilang ipinamalas ang angking galing at talas ng isipan sa Bible Quiz Bee; kasalukuyang ginaganap ang nasabing kompetisyon sa Aslag Ning Espiritu Santo, Enero 3.

Magsisipagpaligsahan ang mga kabataan mula sa lunduyan ng Aslag Ning Espiritu Santo at Sibul Ning Bie. Ang mga mananalo sa nasabing kompetisyon ay magiging kinatawan ng distrito sa National level.

Sa pagpasok ng taong 2026, ang buong pamilya ng Aslag Ning Espiritu Santo ay nagkakaisa sa pagtanaw ng malaking pasasala...
31/12/2025

Sa pagpasok ng taong 2026, ang buong pamilya ng Aslag Ning Espiritu Santo ay nagkakaisa sa pagtanaw ng malaking pasasalamat sa lahat ng biyayang natanggap sa nakalipas na taon. Ang bawat miyembro ay nananatiling liwanag na nagbibigay-inspirasyon, habang patuloy na lumalago ang kanilang samahan sa gabay ng Banal na Espiritu. Dalangin ng bawat isa ang isang masagana at payapang taon na puno ng pagkakataong makapaglingkod at makapagbahagi ng kabutihan sa kapwa. Sa pagsalubong sa bagong yugto, nawaโ€™y manatiling nag-aalab ang espiritu ng pagkakaisa at kagalakan sa puso ng bawat Espiritista.

Isang mapagpalang Pasko ang ipinaabot namin sa bawat Espiritista, nawa'y magsilbing liwanag ang pag-ibig ng Panginoon sa...
24/12/2025

Isang mapagpalang Pasko ang ipinaabot namin sa bawat Espiritista, nawa'y magsilbing liwanag ang pag-ibig ng Panginoon sa ating mga tahanan at puso. Sa gitna ng ating masayang selebrasyon, dalangin namin na tunay ninyong madama ang kapayapaan at kagalakang hatid ng banal na espiritu sa inyong buhay. Nawa'y baunin natin ang init ng ating pagsasama bilang isang pamilya upang maging inspirasyon tayo ng pag-asa at pagmamahal sa kapwa ngayong Kapaskuhan.

Mula sa Kabataang ANES, isang masayang pasko sa ating lahat!โœจ

"๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’–, ๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’– ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’๐’—๐’†"๐ŸฅฐMula sa mga pa-premyo hanggang sa hindi malilimutang bonding, sulit na sulit ang baw...
24/12/2025

"๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’–, ๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’– ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’๐’—๐’†"๐Ÿฅฐ

Mula sa mga pa-premyo hanggang sa hindi malilimutang bonding, sulit na sulit ang bawat sandali. Higit sa pagkain at regalo, ang pinakamahalagang baon natin pauwi ay ang mas tumibay na samahan bilang isang pamilya sa ilalim ng Espiritu Santo.

๐— ๐—ถ๐˜๐—บ๐˜‚ ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐˜‚ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐˜‚๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ-๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ป๐˜‚ ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ฏ ๐˜†๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ.โœจ

Part 2

"๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’–, ๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’– ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’๐’—๐’†"๐ŸฅฐMula sa mga pa-premyo hanggang sa hindi malilimutang bonding, sulit na sulit ang baw...
24/12/2025

"๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’–, ๐‘ป๐’‰๐’‚๐’๐’Œ ๐’š๐’๐’– ๐’‡๐’๐’“ ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’๐’—๐’†"๐Ÿฅฐ

Mula sa mga pa-premyo hanggang sa hindi malilimutang bonding, sulit na sulit ang bawat sandali. Higit sa pagkain at regalo, ang pinakamahalagang baon natin pauwi ay ang mas tumibay na samahan bilang isang pamilya sa ilalim ng Espiritu Santo.

๐— ๐—ถ๐˜๐—บ๐˜‚ ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐˜‚ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐˜‚๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ-๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ป๐˜‚ ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ฏ ๐˜†๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ.โœจ

Part 1

Sa pinagbigkis na pananampalataya at pagkakataong makapagbigay-saya para sa mga miyembro ng ๐€๐ฌ๐ฅ๐š๐  ๐๐ข๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ.An...
22/12/2025

Sa pinagbigkis na pananampalataya at pagkakataong makapagbigay-saya para sa mga miyembro ng ๐€๐ฌ๐ฅ๐š๐  ๐๐ข๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ.

Ang ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘จ.๐‘ต.๐‘ฌ.๐‘บ ay nagtulong-tulong upang mas lalong maging masaya ang taunang Christmas Party ng lunduyan.

๐—œ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ, ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐˜†๐—ฎ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ดโœจ

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ปSa gitna ng isang makabuluhang pagtitipon na pinamagatang โ€œLiwasan n...
27/07/2025

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป

Sa gitna ng isang makabuluhang pagtitipon na pinamagatang โ€œLiwasan ng Diwa: Paglalakbay sa Kasaysayan at Pananampalataya sa Espiritismo,โ€isang napapanahon at makapangyarihang mensahe ang iniwan ni Rodel M. Nidoy, kasalukuyang Presidente ng District 13. Isang paalala, hindi lamang para sa mga dumalo, kundi para sa buong kilusang espiritista. Ang kanyang mga salita ay nagsilbing ilaw sa direksyong nais tahakin ng kapatiran, ang pagpapatibay ng pananampalataya sa pamamagitan ng kabataan.

Sa panahong puno ng teknolohiya, impormasyon, at pagbabago, isa pa ring hamon ang pagpapanatili ng mga aral at pananampalataya. Kayaโ€™t para sa kanya, ang mga seminar tulad nito ay hindi lamang mga simpleng pagtitipon. Itoโ€™y pundasyonโ€”isang simula ng mas malalim na pag-aaral at pananalig.

Hindi ito basta pananalita. Ito ay panata. Isang panawagan sa bawat kabataan na yakapin ang pananampalataya, pagyamanin ang karunungan, at magsilbing haligi ng espiritismo sa kasalukuyan at sa kinabukasan.

Sa mga ganitong seminar, mas lumalalim ang pag-unawa at mas pinagtitibay ang ugnayan ng kapatiran. At sa mga salitang binitiwan ni Rodel M. Nidoy, nabigyan ng direksyon ang layunin ng pagtitipon; โ€œ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐—ผ, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎโ€”๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ.โ€

๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ปSa unang pagkakataon, ang distrito ay nagsagawa ng isang maka...
27/07/2025

๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป

Sa unang pagkakataon, ang distrito ay nagsagawa ng isang makabuluhang seminar na dinaluhan ng siyam na lunduyan, sa B***n Nazareth, Hulyo 27.

Pinasinayaan ng mga opisyales ng distrito ang isang makabuluhang seminar sa may temang "Liwasan ng Diwa: Paglalakbay sa Kasaysayan at Pananampalataya ng Espiritismo," na may layuning ilahad ang kasaysayan ng kapatiran at komprehensibong pagtugon sa imporansiya sa kahulugan ng logo.

Ang mga lunduyang nakipagisa sa nasabing seminar ay ang Aslag Ning Espiritu Santo, B***n Nazareth, Gloria Ning Bayung Bie, Ilaw na Walang Hanggan, Labua d Capinacan, Pitung Tribu, Sibul Ning Bie, Sulu Ning Aslagan, Sulu Ning Ketawan, at Tagumpe ning Catutuan.

Tampok sa naturang seminar ang panauhing tagapagsalita na si Hermana Krizelle Razon-Pontinillas, President mula sa Bundok Ning Melita at isang kilalang g**o at tagapagsalita sa larangan ng Espiritismo. Ang kanyang talakayan ay nahati sa dalawang mahahalagang bahagi na kapwa puno ng kaalaman at pananampalataya.

Binigyang-linaw ni Hermana Krizelle ang kasaysayan ng Espiritismo, mula sa pagkakatatag nito sa pandaigdigang konteksto hanggang sa pagkaugat at pag-usbong nito sa Pilipinas. Inilahad niya ang mga mahahalagang kaganapan, mga batayang aral, at ang pagsusumikap ng mga naunang espiritista upang itaguyod ang kilusan sa kabila ng mga pagsubok ng panahon.

Karagdagan, itinampok naman ang pagpapaliwanag sa simbolismo ng opisyal na logo ng Espiritismo. Isa-isang tinalakay ang mga elemento ng sagisagโ€”ang mga hugis, kulay, at ang anyo. Ayon kay Hermana Krizelle, ang logo ay hindi lamang biswal na representasyon, kundi isang gabay tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa mga adhikain ng Espiritismo.

Masayang ibinahagi ni John Paul Almiron, kabataan mula sa Tagumpe Ning Catutuan ang kanyang naging karanasan sa nasabing seminar.

โ€œI am intrigued kung ano-ano pa ba yung mga malalaman ko behind our religion like yung sa history of our logo, kung sino-sino, saan-saan napadpad yung Espiritista, and of course, Espiritista itself.โ€

Isinalaysay rin niya ang kahalagahan ng pagbabahagi sa pag-aaral sa kapatiran at kasaysanan ng pinagmulan ng espiritismo.

โ€œTulad din po sa eskuwelahan ng buhay, kailangan pong maibahagi o mai-share ang History ng Espiritismo hindi lamang para buksan ang mga isipan o diwa ng mga kabataang Espiritista na wala pang vision tungkol sa relihiyon natin.โ€ anya

Lubos ang naging pasasalamat ng mga dumalo sa tagapagsalita at sa mga masigasig na opisyales ng District na naging instrumento upang maisakatuparan ang makabuluhang pagtitipon. Ayon sa mga kalahok, ang seminar ay hindi lamang nakapagbigay ng bagong kaalaman kundi nagsilbi ring paalala kung bakit mahalagang isabuhay ang tunay na diwa ng Espiritismo.

Sa pagtatapos ng seminar, iniwan ng programa sa puso ng bawat dumalo ang mensaheng ang Liwasan ng Diwa ay hindi lamang isang temaโ€”ito ay panawagan sa bawat espiritista na yakapin ang kasaysayan, pagyamanin ang pananampalataya, at maging liwanag sa gitna ng makabagong panahon.

๐”๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข ๐‹๐ž๐จ ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฅ
๐Š๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐ข ๐๐ขรฑ๐š ๐˜๐ฌ๐š๐›๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž ๐Œ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ฅ

๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ‘ - ๐€๐ซ๐ž๐š ๐Ÿ, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ; ๐๐š๐š๐ง๐ฒ๐š๐ฒ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐…๐˜๐’ ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐ข ๐‡๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐จ ๐€๐ฅ๐Ÿ๐จ๐ง๐ฌ๐จIs...
19/07/2025

๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ‘ - ๐€๐ซ๐ž๐š ๐Ÿ, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ; ๐๐š๐š๐ง๐ฒ๐š๐ฒ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐…๐˜๐’ ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐ข ๐‡๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐จ ๐€๐ฅ๐Ÿ๐จ๐ง๐ฌ๐จ

Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa ng mga presidente mula sa iba't ibang lunduyan ng District 13 sa Aslag ning Espiritu Santo, ngayon, hulyo 19. Mahigit 17 lunduyan ang masiglang nagpartisipa sa talakayan para sa ikauunlad ng kapatiran at ikatatatag ng samahan sa buong distrito.

Kabilang sa mga dumalo ay si Hermano Nomer Miranda, ang kasalukuyang Director General ng District 13, na nagpahayag ng kanyang buong suporta at pakikiisa sa layunin ng pagpupulong. Sa kanyang presensya, lalo pang naging makabuluhan ang pagtitipon at naging inspirasyon sa mga lider ng iba't ibang lunduyan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng pagpupulong ay ang opisyal na paanyaya ni Hermano Joel Alfonso, President ng District 13 - Area 2, sa mga lider na makibahagi sa nalalapit na seminar para sa mga Federation Youth Spiritists (FYS). Ang nasabing seminar ay gaganapin sa darating na Hulyo 27, 2025 sa B***n Nazareth. Ito ay may temang "Liwasan ng Diwa: Paglalakbay sa Kasaysayan at Pananampalataya ng Espiritismo," at layuning paigtingin ang kaalaman at pananampalataya ng kabataang Espiritista sa kanilang piniling landas ng paglilingkod.

Tampok sa seminar na ito ang pangunahing tagapagsalita na si Hermana Krizelle Razon - Pontinillas, mula sa Bundok ni Melita, na inaasahang magbabahagi ng mga kaalaman at karanasan na makatutulong sa pagbubuo ng matatag at espiritwal na pundasyon ng mga kabataang kalahok.

Sa kanyang mensahe, muling iginiit ni Hermano Alfonso ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon mula sa bawat lunduyan.

โ€œSa mga kasamahan ko po sa Area 2, inaanyayahan ko po kayo na dalawa o tatlo, may member po tayong maipadala,โ€ aniya, bilang panawagan ng pagkakaisa at pakikilahok sa isang mahalagang gawain.

Bukod sa paanyayang ito, pinagtuunan din ng pansin ng pagpupulong ang ilang mahahalagang usapin tulad ng mga plano para sa pagpapatatag ng kapatiran sa buong Distrito Trece, gayundin ang mga hakbang upang mapalalim pa ang pagkakaunawaan at pagkakabuklod ng bawat miyembro.

Ang matagumpay na pagpupulong ay patunay ng matatag na pamumuno, aktibong pakikiisa, at walang sawang pagsuporta ng bawat isa sa iisang layunin โ€” ang mapanatili ang diwa ng Espiritismo at palalimin ang pananampalataya ng bawat kapatiran sa District 13.

๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ‘ - ๐€๐ซ๐ž๐š ๐Ÿ, ๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ Galak na nakidalo ang iba't ibang Presidente at ...
19/07/2025

๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ‘ - ๐€๐ซ๐ž๐š ๐Ÿ, ๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ 

Galak na nakidalo ang iba't ibang Presidente at opisyales ng mga lunduyang nakapabilang sa area 2, ang nasabing pagpupulong ay ginanap sa Aslag Ning Espiritu Santo, ngayon, Hulyo 19.

Binuksan ang pulong sa isang panalangin na pinangunahan ni Hermana Franchesca Taguines, Director of Medium mula sa Betania.

๐—œ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ก๐—˜๐—ฆ, ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐˜†๐—ฎ ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ด๐˜‚๐—ฑ ๐—ธ...
09/04/2025

๐—œ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ก๐—˜๐—ฆ, ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐˜†๐—ฎ ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ด๐˜‚๐—ฑ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฎ ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ป๐˜‚!โœจ

Ang lunduyan ng ๐‘จ๐’”๐’๐’‚๐’ˆ ๐‘ต๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฌ๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’– ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’ ay buong pusong nagpapasalamat sa mga dumalo at nakiisa sa aming pasasalamat. Tunay ngang, ang ating kapatiran ay nagkakaisa at may pagmamahal sa bawat isa.

Muli, ang aming lunduyan ay walang hanggang nagpapasalamat sa inyo!

๐Œ๐ ๐š ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐ข ๐‹๐ž๐จ ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฅ
๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐š๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐ข ๐ƒ๐š๐ง๐ข๐œ๐š ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฌ
๐Œ๐ ๐š ๐ค๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐ข๐ง๐š ๐Š๐ข๐ฆ ๐ƒ๐ฎ๐ฅ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐จ ๐š๐ญ ๐‘๐จ๐ž๐ฅ๐ฅ๐š ๐‘๐š๐ณ๐จ๐ง

Address

Sitio Bacuit, Tibag
Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aslag Ning Espiritu Santo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category