Samahan ng San Antonio - Diocesan Shrine of Saint Augustine Tanza, Cavite

  • Home
  • Samahan ng San Antonio - Diocesan Shrine of Saint Augustine Tanza, Cavite

Samahan ng San Antonio - Diocesan Shrine of Saint Augustine Tanza, Cavite Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng San Antonio - Diocesan Shrine of Saint Augustine Tanza, Cavite, Religious organisation, .

26/05/2026
PART 2/ ANTONÍOUSLarawan ng KabanalanIsang Eksibsyon bilang paggunita sa ika-100 taong Pagkakatatag ng Samahan at Pagpap...
25/05/2026

PART 2/ ANTONÍOUS
Larawan ng Kabanalan

Isang Eksibsyon bilang paggunita sa ika-100 taong Pagkakatatag ng Samahan at Pagpaparangal sa mahal na Patron, San Antonio de Padua

MAY 24-31. 2026
SAN AGUSTIN SHRINE, TANZA,CAVITE.

ANTONÍOUSLarawan ng KabanalanIsang Eksibsyon bilang paggunita sa ika-100 taong Pagkakatatag ng Samahan at Pagpaparangal ...
24/05/2026

ANTONÍOUS
Larawan ng Kabanalan

Isang Eksibsyon bilang paggunita sa ika-100 taong Pagkakatatag ng Samahan at Pagpaparangal sa mahal na Patron, San Antonio de Padua

MAY 24-31. 2026
SAN AGUSTIN SHRINE, TANZA,CAVITE.

24/05/2026
20/05/2026

Malapit na!

23/07/2025

Join us on the 80th Wednesday Family Rosary in front of the venerated images of Nuestra Señora de la Consolacion y Corréa and the Miraculous Image of the Hardwood Patriarch, San Agustin de Tanza “Tata Usteng”.

Through the initiative of the Manila Cathedral, we invite you tonight, 23rd of July 2025, at 9:00 pm, to gather together as one Family of God, to pray the Holy Rosary and ask the intercession of our Mother, the Blessed Virgin Mary, as we continue our journey as Pilgrims of Hope.

¡Viva Tata Usteng!
¡Viva San Agustin de Tanza!








————————————————
Like and follow us on 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸:
https://www.facebook.com/SanAgustindeTanza

Subscribe us on 𝗬𝗼𝘂𝘁𝘂𝗯𝗲:
https://youtube.com/channel/UCqpUWqm6uw68qwBgB5HYUdQ

Follow us on 𝗧𝗶𝗸𝘁𝗼𝗸:
https://www.tiktok.com/

Unang Martes ng Julyo 2026Malugod na tinanggap nina Gng. Tessie Araracap, G. Wilson A. Arguson at G. Christian C. Estaci...
01/07/2025

Unang Martes ng Julyo 2026

Malugod na tinanggap nina Gng. Tessie Araracap, G. Wilson A. Arguson at G. Christian C. Estacion ang pagiging Hermano/Hermana Mayor para sa taong 2026. Sa susunod na taon ay ipagdiriwang ng Samahan ng San Antonio de Padua ang ika-100 taong anibersayo nito. Kalakip ng pagsasalin ng bara alta ang pagtanggap sa responsibilidad at hamon upang maging matagumpay ang kapistahan sa susunod na taon.

Lubos na pasasalamat para sa Hermana Mayor 2025 na si Gng. Tita Arca Leaño.

Unang Martes ng Buwan ng JulyoARAW NG PAGDEDEBOSYON KAY SAN ANTONIO DE PADUAPAGSISISIDiyos ko at aking lahat, sa Iyo ako...
01/07/2025

Unang Martes ng Buwan ng Julyo

ARAW NG PAGDEDEBOSYON KAY SAN ANTONIO DE PADUA

PAGSISISI

Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kailanma’y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwan ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.
PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO

O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siya’y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyo’y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.
MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO
Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.
Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.
Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.
Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.
Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niño Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.

MANALANGIN TAYO
Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

SAN ANTONIO DE PADUA, IPANALANGIN MO KAMI!

Ika-99 Taong Anibersario ng SAMAHAN NG SAN ANTONIO DE PADUA ng BAYAN Ng Tanza, Cavite.1926-2025
13/06/2025

Ika-99 Taong Anibersario ng SAMAHAN NG SAN ANTONIO DE PADUA ng BAYAN Ng Tanza, Cavite.

1926-2025

13/06/2025

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng San Antonio - Diocesan Shrine of Saint Augustine Tanza, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship?

Share