19/08/2026
Sama-sama tayong titigil sandali mula sa ingay at pagod ng buhay upang lumapit, manalangin, at manatili sa presensya ng Diyos.
Hindi dahil wala tayong pinagdadaanan, kundi dahil alam nating may Diyos tayong maaaring sandalan.
Hindi dahil alam na natin ang lahat ng sagot, kundi dahil kilala natin ang Diyos na may hawak ng lahat.
Halina’t dalhin natin sa panalangin ang ating pamilya, iglesia, mga pangarap, mga laban, at mga bagay na tanging Diyos lamang ang makakagawa.
Manalangin tayo nang may pananampalataya.
Maghintay tayo nang may pagtitiwala.
At maniwala tayo na may ginagawa ang Diyos, kahit hindi pa natin nakikita.
Sama-sama tayong manalangin. Sama-sama nating hintayin ang pagkilos ng Diyos.