Samahan ng Nuestra Señora del Carmen 1909 - Tanza, Cavite

Samahan ng Nuestra Señora del Carmen 1909 - Tanza, Cavite Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng Nuestra Señora del Carmen 1909 - Tanza, Cavite, Religious organisation, Diocesan Shrine of Saint Agustin and Parish of Santa Cruz, Poblacion, Cavite, Tanza.

Isang mapagpalang araw ang muling ipinagkaloob sa atin sa pagdiriwang ng 3rd Saturday Devotion to Our Lady of Mount Carm...
15/08/2026

Isang mapagpalang araw ang muling ipinagkaloob sa atin sa pagdiriwang ng 3rd Saturday Devotion to Our Lady of Mount Carmel, kasama ang Nobena kay Tata Usteng sa Ikalawang Yugto at ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Assumption. 🌹⛪

Sa sama-samang pananalangin, pagninilay, at pakikiisa ng bawat deboto, muli nating naranasan ang biyaya ng pananampalataya at pagkakaisa. Nawa’y magsilbing inspirasyon sa ating lahat ang mensahe ng araw na ito: patuloy tayong manalig, huwag mawalan ng pag-asa, at sa bawat pagsubok ay kumapit sa Diyos at sa maka-inang paggabay ng Mahal na Birhen.

“Sa bawat panalangin na ating iniaalay, may pusong umaasa at Diyos na nakikinig. Huwag tayong susuko sa gitna ng pagsubok. Patuloy tayong manalig, magtiwala, at magpasalamat sa bawat biyayang ipinagkakaloob sa atin.” 🙏

Lubos na pasasalamat mula sa Samahan ng Del Carmen sa lahat ng mga deboto at kasapi ng samahan at sa bawat isa na naglaan ng oras upang makiisa at dumalo ngayong araw. Ang inyong presensya, panalangin, at pakikiisa ay malaking bahagi ng patuloy na pagpapalago ng ating debosyon at pagkakapatiran. ❤️

Viva Nuestra Señora del Carmen!
Viva la Virgen de la Asunción!
Viva Tata Usteng! 🙏🌹

Maraming salamat sa inyong lahat, at nawa’y patuloy tayong pagpalain, gabayan, at ilapit ng Mahal na Birhen sa ating Panginoong Hesukristo. 🤎🙏

Magkita-kita po tayong muli sa buwan ng Septyembre! 🤎🌷


Isang napaka-expasyal na araw ang magaganap sa araw ng Sabado! 🌷🙏🏻Ikatlong  Sabado sa pagdedebosyon sa Birhen ng Monte C...
14/08/2026

Isang napaka-expasyal na araw ang magaganap sa araw ng Sabado! 🌷🙏🏻

Ikatlong Sabado sa pagdedebosyon sa Birhen ng Monte Carmelo. 🤎

Ikalwang yugto ng pag Nonobena kay Tata Usteng.

Kapistahan ng Our Lady of Assumption.

Halina at makiisa!

Banal na Misa ika- 6 ng umaga
Kasunod ang Nobena!

Maari po nating isuot ang ating calmel bilang simbolo ng ating debosyon sa Birhen 🤎


Biyaya ng pagkakaroon ng bagong bahay-dalanginan, malugod nating inaanyayahan ang mga maninimba sa THE CHURCH OF ST. IGN...
03/08/2026

Biyaya ng pagkakaroon ng bagong bahay-dalanginan, malugod nating inaanyayahan ang mga maninimba sa THE CHURCH OF ST. IGNATIUS OF LOYOLA sa Anyana, Mulawin, Tanza, Cavite.

Magkakaroon na ng Regular na Pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing SABADO sa ganap na 6:00 ng gabi.

Halina at magtipon sa bagong bahay-dalanginan, akayin na ang ating pamilya’t kaibigan upang makiisa sa pakikinig at pagninilay sa Mabuting Balita ng Diyos!




Biyaya ng pagkakaroon ng bagong bahay-dalanginan, malugod nating inaanyayahan ang mga maninimba sa THE CHURCH OF ST. IGNATIUS OF LOYOLA sa Anyana, Mulawin, Tanza, Cavite.

Magkakaroon na ng Regular na Pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing SABADO sa ganap na 6:00 ng gabi.

Halina at magtipon sa bagong bahay-dalanginan, akayin na ang ating pamilya’t kaibigan upang makiisa sa pakikinig at pagninilay sa Mabuting Balita ng Diyos!






————————————————
Like and follow us on 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸:
https://www.facebook.com/SanAgustindeTanza

Subscribe to us on 𝗬𝗼𝘂𝘁𝘂𝗯𝗲:
https://www.youtube.com/

Follow us on 𝗧𝗶𝗸𝘁𝗼𝗸:
https://www.tiktok.com/

Follow us on 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗮𝗴𝗿𝗮𝗺:
https://www.instagram.com/sanagustindetanza

18/07/2026

✨ Maringal na Prusisyon ng Mahal na Birhen ng Undok ng Carmelo ✨

Noong Hulyo 16, 2026, matapos ang banal at makabuluhang pagdiriwang ng A**l na Misa bilang parangal sa ating minamahal na Mahal na Birhen ng Undok ng Carmelo, ay matagumpay na isinagawa ang Maringal na Prusisyon.

Sa paglalakbay ng ating Mahal na Ina sa mga lansangan, nasaksihan ang taos-pusong debosyon at pananampalataya ng mga mananampalataya na buong galak na nakiisa sa banal na paglalakbay. Ang bawat hakbang ng prusisyon ay naging tanda ng ating pagmamahal, pasasalamat, at pagtitiwala sa kanyang makapangyarihang pamamagitan.

Nawa'y patuloy tayong pagpalain at gabayan ng Mahal na Birhen ng Undok ng Carmelo, at lalo pang pagtibayin ang ating pananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng kanyang mapagmahal na pagkalinga.

Mahal na Birhen ng Undok ng Carmelo, ipanalangin mo kami. 🤎🙏


✨ Kapistahan ng Nuestra Señora del Carmen 2026 ✨Hulyo 16, 20268Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal at sa m...
17/07/2026

✨ Kapistahan ng Nuestra Señora del Carmen 2026 ✨

Hulyo 16, 20268

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal at sa mapagmahal na pagkalinga ng Nuestra Señora del Carmen sa matagumpay na pagdiriwang ng ating taunang kapistahan.

Naging tampok sa pagdiriwang ang Banal na Misa, kung saan taimtim nating ipinagkatiwala ang ating mga sarili sa Panginoon sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina.
Isinagawa rin ang Pagtatalaga ng mga Bagong Kasapi ng Samahan, bilang tanda ng kanilang buong pusong paglilingkod at pananampalataya.
Sinundan ito ng Maringal na Prusisyon, isang makabuluhang pagpapakita ng debosyon, pagkakaisa, at pagmamahal ng bawat mananampalataya kay Nuestra Señora del Carmen.

Nagtapos ang pagdiriwang sa isang masayang salu-salo, na lalo pang nagpatibay sa samahan at pagkakabuklod ng ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, naglingkod, tumulong, at nag-alay ng kanilang oras, lakas, at kabutihang-loob upang maging matagumpay ang ating kapistahan. Nawa'y patuloy tayong gabayan, pagpalain, at ipanalangin ng ating Mahal na Patrona sa bawat araw ng ating buhay.

¡Viva Nuestra Señora del Carmen!
Mabuhay ang ating pananampalataya at pagkakaisa! 🙏🤍🤎


✨ MARAMING SALAMAT PO! ✨Mula sa buong Pamunuan ng  Samahan ng Nuestra Señora del Carmen, taos-puso po kaming nagpapasala...
17/07/2026

✨ MARAMING SALAMAT PO! ✨

Mula sa buong Pamunuan ng Samahan ng Nuestra Señora del Carmen, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Señora del Carmen noong Hulyo 16, 2026.

Maraming salamat sa lahat ng mga deboto, tagapaglingkod, sponsor, donors, at sa bawat isa na naglaan ng oras, pagod, talento, at pagmamahal para maging maayos at makabuluhan ang ating pagdiriwang.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga tumulong sa paghahanda ng mga bulaklak, pag-aayos ng carroza, dekorasyon, prusisyon, at sa lahat ng mga gawaing kinakailangan bago at sa mismong araw ng kapistahan. Ang inyong walang sawang paglilingkod ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating pagdiriwang.

Isang espesyal na pagbati at pasasalamat din sa ating Hermana Mayor 2026 Sis Vicky Hermeno. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal at ng Mahal na Birheng Nuestra Señora del Carmen dahil sa inyong bukas-palad na paglilingkod at pagmamahal sa ating simbahan at pamayanan.

Sa lahat ng nag-alay ng kanilang panahon, panalangin, at suporta—maraming, maraming salamat po. Nawa'y patuloy tayong pag-isahin ng ating pananampalataya at maging inspirasyon ang halimbawa ng Mahal na Birheng Maria sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

¡Viva Nuestra Señora del Carmen! 🌹🤍
Mabuhay ang ating pananampalataya at ang ating nagkakaisang pamayanan!



IKA-SIYAM AT HULING ARAW NG NOBENASa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng CarmeloO Mahal na Ina ng Carmel,Salamat ...
15/07/2026

IKA-SIYAM AT HULING ARAW NG NOBENA
Sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo

O Mahal na Ina ng Carmel,
Salamat sa siyam na araw na Iyong pagtanggap sa aming mga panalangin.
Mula sa unang araw hanggang sa huling sandali, Ikaw ay aming naging kalakasan at kanlungan.
Ngayong nagtatapos ang ating nobena, hindi nagwawakas ang aming pagmamahal at pagtitiwala sa Iyo.
Dalangin namin na huwag Mo kaming kalimutan, gaya ng hindi Mo paglimot sa aming lahat.
Mag-ingat Ka po sa amin, gabayan sa aming landas, at ilapit kami sa Diyos na Iyong Anak.

Sa diwa ng kagalakan at pasasalamat, kaming lahat ay inaaanyayahan nang may buong pananabik!
Bukas, sa dakilang kapistahan ng ating Mahal na Ina:

⛪ BANAL NA MISA – Ika-6 ng Umaga
🚶PRUSISYON – Ika-7 ng Umaga
🍽️ MUNTING SALO-SALO – Pagkatapos ng prusisyon para sa lahat ng nakiisa at dumalo.

Halina, mga kapatid! Sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng ating Ina. Ang kanyang pagmamahal ay laging sasaiyo, ngayon at magpakailanman.

🙏 Ang Birhen ng Bundok ng Carmelo, ay maging tanglaw natin sa liwanag at pag-asa.


Dumadaloy ang Biyaya: Ika-walong Araw ng Nobena. 🙏✨Habang papalapit ang kanyang dakilang kapistahan, lalong nag-aalab an...
14/07/2026

Dumadaloy ang Biyaya: Ika-walong Araw ng Nobena. 🙏✨

Habang papalapit ang kanyang dakilang kapistahan, lalong nag-aalab ang ating mga puso. Sa ika-8 araw na ito, muli nating itinataas ang ating mga hiling, pasasalamat, at pananaik sa ilalim ng proteksyon ng kanyang Kayumangging Eskapularyo. 🟤

Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo, nakibahagi, at nag-alay ng oras ngayong araw. Ang inyong pakikiisa ay nagbibigay-buhay sa ating sama-samang panalangin. Magkita-kita tayong muli bukas para sa huling araw ng ating nobena!

Santisimang Birhen ng Bundok ng Carmelo, ipanalangin mo kami.


Ika-pitong Araw ng Nobena sa Mahal na Birhen ng Bundok carmelo 🤎✨Dalawang araw na lang, kapistahan mo na, Mahal na Ina! ...
13/07/2026

Ika-pitong Araw ng Nobena sa Mahal na Birhen ng Bundok carmelo 🤎✨

Dalawang araw na lang, kapistahan mo na, Mahal na Ina! Ramdam na ramdam na ang init at saya ng pagdiriwang, at puno na ng pananabik ang aming mga puso. 🥰

Ngayong ika-7 araw, umaapaw ang aming pasasalamat. Salamat sa pitong araw ng walang sawang paggabay, sa mga tahimik na panalanging dininig mo, at sa pagbabalot sa amin ng iyong banal na Eskapularyo. Sabik na kaming ipagdiwang ka, Maria!

Viva Virgen del Carmen! Maraming salamat, Ina! 🙏🌹

SA GITNA NG ABALANG MUNDO: ISANG PAGBABALIK-TANAW SA IKA-5 AT IKA-6 NA ARAW NG NOBENA 🌹✨“Ang oras ay maaaring lumipas, n...
13/07/2026

SA GITNA NG ABALANG MUNDO: ISANG PAGBABALIK-TANAW SA IKA-5 AT IKA-6 NA ARAW NG NOBENA 🌹✨

“Ang oras ay maaaring lumipas, ngunit ang biyaya at pagmamahal ng ating Ina ay nananatiling walang kapintasan.”

Pagbati ng kapayapaan at pagpapala sa bawat isa! Humihingi po ng paumanhin ang pamunuan ng ating pahina sa antala ng pagbabahagi ng mga larawang ito. Subalit naniniwala kami na ang pasasalamat at debosyon ay walang pinipiling takdang panahon.

Halina’t muling saksihan at pagnilayan ang mga banal na tagpo mula sa Ika-lima at Ika-anim na Araw ng ating Nobena patungo sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo.

Ang bawat kandilang sinindihan, bawat rosas na inialay, at bawat bulong ng panalangin sa mga araw na ito ay patunay ng ating nag-aalab na pagmamahal sa Inang sa atin ay laging dumaramay. Nawa ang kanyang banal na Eskapularayo ay magsilbing paalala ng kanyang walang-maliw na proteksyon sa ating araw-araw na paglalakbay.

Maraming salamat sa inyong walang-sawang pag-unawa at pakikiisa sa ating espirituwal na paghahanda. Kasama si Maria, patuloy tayong maglakbay nang may pag-asa patungo sa Kanyang Anak na si Hesus. 👋⛪

Birhen ng undok ng Carmelo ipanalangin mo kami! 🕊️

Address

Diocesan Shrine Of Saint Agustin And Parish Of Santa Cruz, Poblacion, Cavite
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng Nuestra Señora del Carmen 1909 - Tanza, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share