02/04/2026
Ecce Filius, tuus
"Behold your son" mula sa Ebanghelyo ni Juan (19:26-27), kung saan habang si Hesukristo ay nakabit sa krus, tinawag Niya si Maria, ang Kanyang Ina, at sinabi sa kanya, "Tingnan ninyo ang inyong Anak," pagkatapos ay tinawag naman si Juan, ang kanyang tapat na alagad, at sinabi, "Tingnan ninyo ang inyong Ina." Hinihikayat tayo nitong tingnan si Hesus bilang ating Tagapagligtas, na handang ibigay ang Kanyang buhay para sa atin. Kasabay nito, pinapaalala rin na bilang mga alagad, mayroon tayong tungkulin na ipagpatuloy ang Kanyang gawain at igalang ang ating mga kapwa.
Inananyayahan po namin kayong lahat na dumalo at makiisa sa ating Estasyon ng Krus bilang pag-alala sa dakilang pagpapakasakit at pagmamahal ng ating Panginoong Hesukristo sa lahat. Ito ay isang pagkakataong muling mabuhay ang mga sandali ng Kanyang pagdurusa at magbigay-pugay sa Kanyang walang hanggang pag-ibig.