23/04/2026
December 2, 2023
Sabbath in Hamorawon, Rapu-rapu & Lipata Church
Kami po ay 1 hour na hindi makaalis sa Cawayan dahil sa ayaw umandar ng makina ng bangka, hanggang sa ito ay pinalitan ng makina.
Ang mga videos ay papunta pa lamang ng isla, pero ang pauwi ay wala ng nakapag video dahil lahat ay nakikiramdam kung tataob ang bangka sa sobrang lalaki, lakas at sunod-sunod na alon. Ngunit, hindi ipinahintulot ng Panginoon na kami ay mapahamak. Nakauwi parin ng ligtas.
Kaya pala kami nadelay ng 1 oras, dahil kung hindi napalitan ang makina, baka namatayan kami sa gitna ng napakalalaki at malalakas na alon. Purihin ang Panginoon!
Kami ay nagagalak na makasama ang mga kapatiran natin sa Hamorawon at Lipata. Sa uulitin po na pagkikita kita.
Salamat din sa dedikasyon ng gruop, Elmer Belga, Andrea Benitez at Dee-jay Belga.