Saint Joseph Parish, Lambayong

Saint Joseph Parish, Lambayong The Official page of Saint Joseph, The Husband of Mary Parish, Lambayong, Sultan Kudarat, Archdiocese of Cotabato. May God bless us all!

Follow us for recurring and parish event updates, inquiries, and more.

April 29, 2026 | St. Joseph the Husband of Mary Parish actively participated in the Priests, Religious, and Lay Leaders ...
29/04/2026

April 29, 2026 | St. Joseph the Husband of Mary Parish actively participated in the Priests, Religious, and Lay Leaders Meeting of the Tacurong Vicariate Assembly held at the Notre Dame of Isulan, Inc. Gymnasium, hosted by San Carlos Borromeo Parish.

The gathering was graced by the presence of Archbishop of Cotabato, Most Rev. Charlie M. Inzon, OMI, DD. who presented the Pathways to Synodal Church as we prepare for Jubilee of Redemption in 2033.

The representatives from our parish will serve as the Parish Synodal Team, continuing the mission of communion, participation, and mission in the life of the Church.

Let us keep them in our prayers as they take on this important role. πŸ™

Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang natin ang Good Shepherd Sunday Sa Ebanghelyo ayon kay Juan 10:1–10, ipinapaalala sa ati...
25/04/2026

Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang natin ang Good Shepherd Sunday

Sa Ebanghelyo ayon kay Juan 10:1–10, ipinapaalala sa atin ni Jesus na Siya ang Mabuting Pastol na kumakalinga sa Kanyang mga tupa, tumatawag sa kanila sa pangalan, at handang mag-alay ng buhay para sa kanilang kaligtasan. Sabi Niya, β€œAko ang pintuan; ang sinumang pumasok sa pamamagitan Ko ay maliligtas… Ako ay naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang sagana.” (Juan 10:9-10)

Sa mundong puno ng ingay at kalituhan, inaanyayahan tayo ni Kristo na makinig sa Kanyang tinig, magtiwala sa Kanyang paggabay, at sumunod sa landas ng buhay na totoo at ganap. Sa Kanya natin matatagpuan ang tunay na seguridad at kapayapaan.

Ngayong Good Shepherd Sunday, ipanalangin natin ang ating mga pari at mga pastol ng Simbahan, ang mga kabataang tinatawag sa bokasyon, at ang bawat isa sa atinβ€”nawa’y manatili tayong tapat na β€œtupa” ng Panginoon.

Si Jesus ang ating Mabuting Pastolβ€”hinding-hindi Niya tayo pababayaan. πŸ’›

🌸 Launching of Flores de Mayo & Commissioning of Catechists 🌸Join us this April 26, 2026 during the 2nd Mass at St. Jose...
24/04/2026

🌸 Launching of Flores de Mayo & Commissioning of Catechists 🌸

Join us this April 26, 2026 during the 2nd Mass at St. Joseph the Husband of Mary Parish – Lambayong as we begin our Flores de Mayo celebration and formally commission our Catechists.

Let us come together in faith and service as one community.

Please wear white top or white dress.

See you! πŸ™

24/04/2026

π‡πšπ©π©π² πŸ‘πŸ‘π«π π’πšπœπžπ«ππ¨π­πšπ₯ 𝐎𝐫𝐝𝐒𝐧𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 π€π§π§π’π―πžπ«π¬πšπ«π²
𝐌𝐨𝐬𝐭 π‘πžπ―. π‚π‘πšπ«π₯𝐒𝐞 𝐌. 𝐈𝐧𝐳𝐨𝐧, 𝐎𝐌𝐈, 𝐃𝐃!

​Today, the entire Archdiocese unites in prayer and thanksgiving as we celebrate the 33rd Anniversary of the Priestly Ordination of our beloved Archbishop, Most Rev. Charlie M. Inzon, OMI, DD.

​For over three decades, his ministry has been a living reflection of the Oblate charism: "To bring good news to the poor" (Luke 4:18). We remain profoundly grateful for the gift of his vocation, his steadfast leadership, and the apostolic zeal with which he shepherds his flock.

​May the Holy Spirit continue to sustain him with wisdom and strength, and may the Blessed Mother keep him under her mantle of protection as he leads us ever closer to Christ.

​Ad Multos Annos, Archbishop Charlie!

🌸 Flores de Mayo Orientation Seminar 🌸Calling all Catechists (old and new)! Join us as we prepare for this year’s Flores...
24/04/2026

🌸 Flores de Mayo Orientation Seminar 🌸

Calling all Catechists (old and new)! Join us as we prepare for this year’s Flores de Mayo.

πŸ“… April 25, 2026
⏰ 7:00 AM – 5:00 PM
πŸ“ SJP Parish Church

Don’t forget to bring the required materials and be on time.
Let us come together in faith and service.

READY NA BA ANG LAHAT?!Narito na ang Official List of Participants ng St. Joseph, Husband of Mary Parish – Lambayong par...
20/04/2026

READY NA BA ANG LAHAT?!

Narito na ang Official List of Participants ng St. Joseph, Husband of Mary Parish – Lambayong para sa 13th Tacurong Vicariate Summer Youth Encampment! πŸ”₯

πŸ“ May 15–17, 2026 | Sto. NiΓ±o Parish, Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat

πŸ”₯ PROUDLY 118 STRONG NA KABATAAN! πŸ”₯

With the theme: β€œYouth: Bearers of Hope in a Changing World”, sama-sama nating ipakita ang lakas, sigla, at pananampalataya ng kabataang Simbahan!

Excited na kaming makasama kayo sa isang makabuluhan at unforgettable na experience! Let’s go KABATAAN NI SAN JOSE!

Makabuluhang Appreciation Day para sa Batch 2025 at 2026 ngayong Divine Mercy Sunday sa St. Joseph, Husband of Mary Pari...
12/04/2026

Makabuluhang Appreciation Day para sa Batch 2025 at 2026 ngayong Divine Mercy Sunday sa St. Joseph, Husband of Mary Parish.

Isang makabuluhang pagdiriwang ang naganap ngayong Divine Mercy Sunday, April 12, 2026, sa St. Joseph, Husband of Mary Parish sa ginanap na Appreciation Day para sa mga graduates ng Batch 2025 at 2026.

Ang simpleng pagtitipon na ito ay alay ng pasasalamat sa ating mga kabataang aktibong naglingkod sa Simbahanβ€”mga volunteer na buong pusong nagbigay ng kanilang oras, talento, at pagmamahal sa iba’t ibang gawain ng parokya.

Sa kanyang mensahe, si Rev. Fr. Diosdado A. Esguerra DCC ay nagbigay-diin sa taos-pusong pasasalamat ng parokya hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa kanilang mga magulang na patuloy na sumusuporta sa kanilang paglilingkod at paglago sa pananampalataya.

Sa bawat sakripisyo at tahimik na paglilingkod, kayo ay naging buhay na patunay ng isang kabataang may malasakit at pananampalataya.

Habang kayo ay humaharap sa panibagong yugto ng inyong buhay, nawa’y dalhin ninyo ang mga aral, karanasan, at diwa ng paglilingkod na inyong natutunan sa Simbahan. Tandaan ninyo: ang pagtatapos ay hindi katapusan ng paglilingkod, kundi simula ng mas malawak na misyon sa mundo.

Patuloy nawa kayong maging ilaw at asin ng daigdig. Ang Simbahan ay laging magiging tahanan ninyo.

Isang Paanyaya sa Panalangin para sa KapayapaanBilang tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV, ang ating parokya ay magkakaro...
11/04/2026

Isang Paanyaya sa Panalangin para sa Kapayapaan

Bilang tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV, ang ating parokya ay magkakaroon ng Banal na Misa at Prayer Vigil para sa Kapayapaan sa Buong Mundo.

Sa gitna ng mga pagsubok, alitan, at kaguluhan na nararanasan ng iba’t ibang bansa, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa taimtim na panalangin para sa pagkakaisa, pagkakaunawaan, at tunay na kapayapaan.

Ang Banal na Misa ay susundan ng tahimik na pagbabantay at pananalangin, kung saan iaalay natin ang ating mga intensyon para sa mundo, lalo na sa mga lugar na labis na nangangailangan ng paghilom at pag-asa.

Halina at maging bahagi ng isang sambayanang nananalig at umaasa na sa pamamagitan ng panalangin, ang kapayapaan ay muling mananahan sa puso ng bawat tao.

β€œMapapalad ang mga gumagawa ng kapayapaan, sapagkat sila’y tatawaging mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9)

Magkaisa para sa Kapayapaan! Magkita-kita po tayo mamayang 6 ng gabi para sa panalangin at panawagan ng Kapayapaan.
11/04/2026

Magkaisa para sa Kapayapaan! Magkita-kita po tayo mamayang 6 ng gabi para sa panalangin at panawagan ng Kapayapaan.

Mahal naming mga Active Church Volunteers,Malugod po namin kayong inaanyayahan sa Thanksgiving Mass & Appreciation Day b...
10/04/2026

Mahal naming mga Active Church Volunteers,

Malugod po namin kayong inaanyayahan sa Thanksgiving Mass & Appreciation Day bilang bahagi ng Class of 2025 & 2026, bilang pasasalamat sa inyong aktibong paglilingkod sa Simbahan.

April 12, 2026 (Linggo)
6:00 AM (Unang Misa)
St. Joseph the Husband of Mary Parish

Magkakaroon din ng simpleng pagtitipon pagkatapos ng banal na misa bilang pasasalamat sa biyayang natanggap at sa inyong pagsisikap at tagumpay.

Inaanyayahan po kayong makiisa sa panalangin ng pasasalamat sa Diyos sa mahalagang yugtong ito ng inyong buhay.

Mangyaring kumpirmahin ang inyong pagdalo sa o bago ang April 11, 6:00 ng gabi upang makapag-avail ng souvenir at certificate.

Kita-kits!

DIVINE MERCY SUNDAYInaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday sa St. Joseph the Husband of ...
10/04/2026

DIVINE MERCY SUNDAY

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday sa St. Joseph the Husband of Mary Parish, Lambayong.

Sa araw na ito, pinaaalalahanan tayo ng walang hanggang awa at pagmamahal ng Diyosβ€”isang paanyaya na magtiwala, magsisi, at magbalik-loob sa Kanya.

Magsuot ng puting damit bilang tanda ng kalinisan ng puso at bagong pag-asa.

Abril 12
6:00 ng umaga at 8:00 ng umaga

Halina at sama-sama nating ipagdiwang ang awa ng Diyos na walang hanggan.

Magkaisa tayo sa panalangin para sa kapayapaan.Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Vigil at Panalangin para sa Kapayapa...
09/04/2026

Magkaisa tayo sa panalangin para sa kapayapaan.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Vigil at Panalangin para sa Kapayapaan ng St. Joseph the Husband of Mary Parish, Lambayong.

Sa panahong puno ng pagsubok at hindi pagkakaunawaan, sama-sama tayong lumapit sa Diyos upang humingi ng gabay, paghilom, at tunay na kapayapaan para sa ating mga puso, pamilya, at buong komunidad.

πŸ—“ Abril 11, 2026
πŸ•• 6:00 ng gabi
πŸ“ Harap ng Simbahan

Inaanyayahan ang lahat na magdala ng kandila at puting laso bilang simbolo ng ating pagkakaisa at panalangin.

Halina at maging bahagi ng isang gabing puno ng pananampalataya, pag-asa, at kapayapaan.

Address

Brgy. Poblacion, Lambayong
Sultan Kudarat

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
2pm - 4pm
Tuesday 8am - 12pm
2pm - 4pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 4pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 4pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 4pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 4pm
Sunday 8am - 12pm
2pm - 4pm

Telephone

+639973175794

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Joseph Parish, Lambayong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share