15/12/2025
✨ Simbang Gabi/Bible de Gallo 2025✨
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa Simbang Gabi 2025 ng GKK Maligo – Our Lady of Immaculate Conception, isang banal na paghahanda sa pagsilang ng ating Panginoong Hesus.
🕯 Disyembre 16–24, 2025
⏰ 4:00 ng madaling-araw
Sa bawat pagsisimba, sama-sama nating ialay ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga kahilingan para sa ating pamilya, komunidad, at buong mundo. Nawa’y maging panahon ito ng pagbabalik-loob, pag-asa, at pagmamahalan habang papalapit ang Pasko.
🌟 Halina’t magising nang maaga para sa isang makabuluhang pagsamba
🙏 Sama-samang manalangin at magpasalamat
💛 Ipagdiwang ang pananampalataya bilang isang nagkakaisang komunidad
Kita-kits sa Simbang Gabi!
Nawa’y pagpalain tayong lahat ng Diyos.