30/05/2024
CONGRATULATIONS BATCH 2024
RIZAL ELEMENTARY SCHOOL
Pagpugay sa lahat ng nagsipagtapos BATCH 2024
RIZAL ELEMENTARY SCHOOL
Ang inyong tunay na dala ay ang masaya at makabuluhang High School at Senior High sa ilang taong tinahak. Malalim ang mga naging resulta at iba ibang storya ng tagumpay ang nadarama ng bawat isa sainyo. Mga hirap ng pagawa ng Assignments, Proyekto at Research pa. Pero yun ay nasa panahon na kayo ay pinatatag, sukong suko man pero tinapos padin ipasa upang makamit ang inyong gusto makuha. Ganyan ang pagaaral, minsan hindi pa sapat ang pahinga para bumalik ulit sa pagawa o pagbuo ng mga tungkulin, ngunit dapat ang tumatatak saating puso ay ang huling sandali ng mga naging pagsubok, ang pagtatapos. Nagsisilbi itong ngiti sa bawat pamilyang dala ang Pangarap sakanilang mga anak at Sinasakupan. Patuloy sana nating bigyan ng mga ngiti ng may pagkahusay sa mga larangan na inyong pipiliin. Madami man hadlang masasakop ngunit ang may Pangarap at gustong may mabago sa buhay, walang dedikasyon at pusong makakatumbas ng inyong pagsusumikapan na makuha.
Tandaan ang mga linyang ito.
Magkamali man ay susubok
Magdusa man ay lalaban
Manghinayang man ay limutin
Tumiwalang may panibagong muli
Mahirapan man ay aaralin
Malabo man ay guguhitan
Madami man gagawin, siya'y uunahin
Alam kung may ngiti padin
Kolehiyo dapat maging makabuluhan
Kumilala at bumukas ng panibagong storya
Makisama at umibig ng maypagmamahal
Bukas, ilang taon man ay darating
Tagumpay, lahat sikap at tiwala
Makakarating din. Ngumiti kalang.
Muli, Mula sa Kabulig isang matagumpay na araw sainyong lahat! Patuloy tayong tumindig, makisama at magmahal ng may katapatan. Para sa Bayan at Pamilya.
Mangarap pa at damihihan na.
Rizalnon! Congratulations sainyong lahat.
Kgwd. Macario " Totoy " Galao Jr.
Councilor for Education