Roberto Geranco

Roberto Geranco about Catholic Church

04/01/2024

Enero 4, 2024 – Huwebes bago ang Pagpap**ita ng Panginoon
Santa Elisabet Ana Seton, relihiyosa


EBANGHELYO: Juan 1:35-42
Naroon [sa Betaraba, sa kabilang ibayo ng Jordan] si Juan at dalawa sa kanyang mga alagad. Pagkakita niya kay Jesus na naglalakad, ito ang kanyang sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” At narinig ng dalawang alagad ang kanyang binigkas at sinundan nila si Jesus. Lumingon si Jesus at nakita niya silang sumusunod sa kanya, at sinabi niya sa kanila: “Ano ang hinahanap ninyo?” Sumagot naman sila sa kanya: “Rabbi (na kung isasalin ay G**o), saan ka nakatira?” At sinabi niya sa kanila: “Halikayo at makikita n’yo.” At pumaroon sila at nakita nila kung saan siya tumutuloy, at maghapon silang nanuluyan sa kanya. Mag-iikaapat ng hapon ang oras noon. Si Andres na kapatid ni Simon Pedro ay isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod sa kanya. Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas (na kung isasalin ay Pinahiran).” Inihatid niya siya kay Jesus. Pagkakita sa kanya ni Jesus, sinabi niya: “Si Simon ka na anak ni Juan. Kefas ang itatawag sa iyo (na kung isasalin ay Pedro).”
PAGNINILAY:
Isang mapagpalang bagong taon sa inyong lahat! Ang ating liturhiya, tuwing pumapasok tayo sa bagong taon, ang ating mga pagbasa ay tungkol sa pagpapala ng Diyos. Noong January 1, ang ganda pong alalahanin ang salmong tugunan na nagsasabing: “Nawa’y kahabagan tayo ng Diyos, at pagpalain kailanman…” Pero ano ba ang ibig sabihin ng pagpalain o pagpapala? Simple lamang po, ang ating pagiging laging bukas at tugon sa paggabay ng Diyos sa ating buhay. Kaya nga’t sa lahat ng mabuting nagyayari, salamat sa Diyos! Kung mayroon mang mabibigat, salamat pa rin sa Diyos, dahil alam nating nariyan siya’t (Emmanuel) gumagabay palagi.
Sa ating Mabuting Balita ayon kay San Juan, napakagandang p**inggan ang mga unang salita ni Hesus — “ano ba ang inyong hinahanap?” tumugon ang mga alagad, “Saan ho ba kayo nananahan?” sumagot si Hesus— ”Halikayo’t inyong makikita.” Alam niyo po, nagtungo sila at sinamahan si Hesus, nang isang buong araw!
Pagpapala, pagsunod, pagkilala. Ngayong bagong taon, sana PATULOY TAYONG MAMUHAY BILANG TAONG PINAGPALA NG DIYOS. Ibig sabihin, mga taong ang hangad lagi ay manahan kasama ang Diyos.
Pagsunod, ngayong taon sikapin nating sundan ang Panginoon. Pagkilala, sana wala na tayong iba pang sambahin at kilalanin kundi si Hesus. Hindi naman perpekto si Pedro, bilang alagad at apostol ni Hesus, pero binigyan siya ng pangalan ni Hesus, Cephas, bato. Hindi batong maliit, batong sandigan at pundasyon. Ang ibig sabihin pa sa wikang ingles…reliable, stable, and resolute. Isang patunay na kung patuloy tayong mananahan sa piling ng Diyos, higit na pagpapalain ka niya; kikilalanin ka niya bilang alagad at anak niyang natatangi sa Kanyang puso. Amen.
- Cl. Vinz Aurellano, ssp | Society of St. Paul

15/12/2023

Mabuting Balita l Disyembre 15, 2023 - Biyernes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Unang Pagbasa I Is 48, 17-19
Salmong Tugunan l Salmo 1


Ebanghelyo: Mateo 11:16-19a
Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakantahan, at nagrereklamo ang ilan sa kanila: ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo ngunit ayaw ninyong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw din ninyong umiyak!’ Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiiom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, magaling ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.”

Pagninilay:
Simula pa noong una, gumagawa na ang Diyos ng paraan upang lubusan natin Siyang makilala, at maintindihan ang Kanyang kalooban. Nagpadala Siya ng mga propeta, gaya ni Juan Bautista, upang direkta nating marinig ang kanyang mga salita. Nais Niya ring pagsisihan natin ang ating mga kasalanan, nang sa gayo’y mapanumbalik natin ang ating magandang relasyon sa Kanya. Pero, marami pa rin sa atin ang hindi nakinig! Sa kabila ng ating kawalang p**i at tila pagwawalang bahala sa Kanyang efforts, hindi tayo sinukuan ng Diyos. Sa sukdulan ngang pagmamahal Niya sa atin, pati ang Kanyang nag-iisa at pinakamamahal na Anak na si Hesus ay Kanya nang ipinadala sa atin. Sa pamamagitan ni Hesus, naging malinaw na sa atin ang paraan at ang daan, patungo sa ating kaligtasan, patungo sa Diyos. Kaya’t, mga kapanalig, nasa sa ating mga kamay na ngayon ang desisyon: Magpapatuloy ba tayong magbibingi-bingihan? O buong katapatan na nating tatanggapin at isasabuhay ang mga aral at utos ni Hesus?
- Fr. Oliver Vergel Par, ssp l Society of St. Paul

https://www.facebook.com/100064527860930/posts/761653132662275/
14/12/2023

https://www.facebook.com/100064527860930/posts/761653132662275/

Panalangin sa Pagsisimula ng mga Simbang Gabi. ❤️

+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Panginoong Hesus, ang pagsisimula po ng mga simbang gabi ay isang hudyat sa nalalapit na pagdiriwang ng iyong unang pagparito. Turuan Mo po kami na maging karapat-dapat sa pagdiriwang na ito. Alisin Mo po ang galit at pagmamataas sa aming mga puso at ituro Mo po sa amin kung paano umibig ng wagas. Gawin Mo pong sabsaban Mo ang aming mga puso. Amen.

08/12/2023

Mabuting Balita | Disyembre 9, 2023 – Sabado sa Unang Linggo ng Adbiyento


Ebanghelyo: Mateo 9:35-10:1, 5a :6-8
Nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinanoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Sinabi ni Jesus sa kanila: “Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay ninyo nang walang bayad ang tinanggap ninyo nang walang bayad.”

Pagninilay:
Sa ating Mabuting Balita, narinig natin ang Panginoong Hesus na naglalakbay, nagtuturo, at nagpapagaling ng mga may sakit. Ito'y isang malinaw na larawan ng Kanyang pagmamahal at paglilingkod sa mga nangangailangan. Si Hesus ay hindi lamang isang g**o o manggagamot; Siya ay ang Tagapagligtas at modelo ng kabutihang-loob. Ipinakita Niya sa atin ang halaga ng pagmamahal sa ating kapwa, lalo na sa mga nangangailangan. Sinabi niya sa mga alagad: “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”
Baka tayo na ang tugon sa panalanging ito! Tayo ang mga mag-aani na nais ipadala ng Diyos. Ang Adbiyento ay panahon upang tingnan ang ating mga buhay at suriin kung paano tayo makakatulong sa mga nangangailangan. Ang munting hakbang na ito ay maaaring magdala ng malalim na kahulugan sa ating paghahanda para sa pagdating ng Panginoon.
- Fr. Rolly Garcia Jr. | Archdiocese of Manila

01/12/2023

Mabuting Balita | Disyembre 1, 2023 – Biyernes | Ika – 34 sa Karaniwang Panahon

Ebanghelyo: Lucas 21:29-33
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad ang isang talinhaga: “Tingnan ninyo ang punong-igos at ang ibang mga puno. Pagkakita ninyong nagdadahon na ang mga ito, alam ninyong malapit na ang tag-init. Gayundin naman, pag napasin ninyo ang mga ito, alamin ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. Talagang sinasabi ko sa inyo na hindi lilipas ang salinlahing ito at mangyayari ang lahat ng ito. Lilipas ang langit at lupa ngunit hindi lilipas ang aking salita.”

Pagninilay:
“Lilipas ang Langit at lupa ngunit hindi lilipas ang aking salita.” Ang sinabing ito ng Panginoong Hesus ay nagpapatotoo, na ang Kanyang salita ay mananatiling buhay at mabisa sa lahat ng panahon. Isa itong kasiguruhang ibinibigay ng Panginoon sa mga taong naniniwala sa Kanyang mga ipinangaral. Mula sa Salita, naganap ang lahat. Nagkatawang tao ang Salita, kay Kristong nagtagumpay sa kamatayan, sa kanyang kapuri-puring Muling Pagkabuhay. Nagpapatotoo ito sa atin, na sa Panginoong Hesukristo lamang natin, tunay na matatagpuan ang tamang daan. Sa Panginoong Hesukristo lamang, magkakaroon ng kaganapan ang ating buhay. Sa pagsusumikap nating isabuhay ang Kanyang mga mabubuting halimbawa, tunay nating matatagpuan ang kabuluhan ng lahat ng bagay.
May mga pagkakataon ba na feeling mo, walang saysay ang buhay? Paulit-ulit na lang at paikot-ikot sa walang kabuluhang proseso. Nakakapagod! Boring na, at walang thrill… kaya naman kung anu-ano ang pinaggagawa mo sayong sarili para lang maging happy at may thrill ang buhay. Pero, in the end, pag naiwan kang mag-isa, nandidyan na naman ang pag atake ng sobrang kalungkutan, ng kahungkagan, ng paghahanap ng tunay na kahulugan ng buhay. Hindi kaya, paanyaya ito sa’yo ng Diyos, na tingnan ang iyong buhay, ang iyong mga prayoridad, ang mga gawaing pinaglalaanan mo ng maraming panahon. Kasama ba ang Diyos sa hanay ng iyong mga prayoridad? Naglalaan ka ba ng panahon na magbasa at magnilay ng Kanyang salita, at makipag-usap sa Kanya sa isang tahimik na panalangin?
Suriin natin ang ating sarili sa puntong ito. Kung naka-angkla ang ating buhay sa Salita ng Diyos, magkakaroon ng direksyon ang ating buhay. Mababatid natin kung ano ang pinakamahalagang dapat nating pagtutuunang pansin habang tayo’y nabubuhay. Hindi ang pagkamit ng mga bagay na pansamantala – ng yaman, kapangyarihan at katanyagan na lilipas din lang at hindi natin madadala sa sandali ng kamatayan. Kundi ituon natin ang ating pansin sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat na Maylikha ng Langit at lupa, ang ating pinagmulan at uuwian, sa panahong Kanyang itinakda. Kapag mulat tayo sa katotohanang ito, sisikapin nating mamuhay sa pagmamahal sa Diyos nang higit sa lahat at sa kapwa gaya ng ating sarili.
Lahat ng ating mga pagsisikap at gawaing paglilingkod ay may patutunguhan – ang mapapurihan ang Diyos sa buhay na pinahiram lamang Niya sa atin. Hilingin natin ang tulong at paggabay ng Banal na Espiritu upang makapamuhay tayo ayon sa kalooban ng Diyos, ayon sa Kanyang layunin sa paglikha sa atin.
– Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul

Address

Dr. Siera Street
Sorsogon
4706

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Roberto Geranco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share