05/10/2025
If you are "legalistic" skip this post 😇
HOUSE OR HALL?
Understanding the Church as the Body of Christ
Article ni Rhoderick Alcaide De Vera
Maraming nagtataka:
Pwede ko bang ituring ang small group bilang church ko?
Nagmula ang interes ko na isulat ang article na ito mula sa na nabasa ko dito - https://treasuringchristph.org/2025/09/27/pwede-ko-bang-ituring-ang-small-group-bilang-church-ko/?fbclid=IwY2xjawNMFmBleHRuA2FlbQIxMABicmlkETEyQk83bW5VOWxBaFpFN3FMAR6jkDmgYFjkThnTpGMRD-iEA6Q3TiFctjVAxsSmQWXS_Oqfj9daPrjf2KvSKg_aem_BMFw1x8vkesuyZuSXLNYmw
Ang tanong na ito ay mahalaga dahil tumatalima ito sa ating pagkaunawa kung ano talaga ang ibig sabihin ng “church” ayon sa Biblia. Sa mga panahon ngayon, may mga nagsasabi na ang small group ay hindi church, at ang tunay na church ay iyong malalaking pagtitipon tuwing Linggo sa isang gusali.
Ngunit ano nga ba ang sinasabi ng Kasulatan?
Ang sagot ay hindi nakabatay sa laki o lugar, kundi sa pagkilala na ang simbahan ay katawan ni Cristo—organiko, buhay, at pinamumunuan ni Cristo mismo.
The Greek word ekklesia (ἐκκλησία) literally means “assembly” or “gathering” of those who are called out. Ginagamit na ang salitang ito long before the Church founded by Christ, both in secular Greek society and in Jewish Scriptures.
Classical Greek / Secular Usage (5th–4th century BC):
In ancient Athens, ekklesia referred to the political assembly of citizens—a governing body where citizens voted on laws, war, and policy.
📖 Thucydides, History of the Peloponnesian War (431 BC) – describes the ekklesia of Athens meeting to decide military strategy (Book 1, Ch. 87).
📖 Herodotus, Histories (5th century BC) – uses ekklesia to describe civic assemblies of the people.
📖 Aristotle, Politics (4th century BC, Book 4, 1298b) – defines the ekklesia as the deliberative body of the city-state (polis).
👉 Here, ekklesia clearly means a regular assembly of free citizens called out for public decision-making—not religious at all.
Septuagint / Jewish Usage (3rd–2nd century BC):
The Jewish translators of the Old Testament into Greek used ekklesia to translate the Hebrew word qahal (assembly/congregation).
Example: Deuteronomy 9:10 (LXX) – Israel assembled at Sinai is called an ekklesia.
When Jesus said, “On this rock I will build my ekklesia” (Matt. 16:18), His hearers already knew the word’s meaning from political Athens (assembly of citizens) and from the Septuagint (assembly of God’s people). Kaya malinaw: ekklesia never meant a building—it always meant a people, a gathered community.
Matthew 18:20 – “For where two or three are gathered in my name, there am I among them.”
Acts 2:42–47 and 1 Corinthians 14:26 show the early church meeting in homes and public courts, focused on fellowship, doctrine, prayer, and breaking of bread.
1 Corinthians 12:27 kjv — “Now ye are the body of Christ and individually members of it.”
Note on pronouns in the KJV:
Thou / Thee = singular (one person);
Ye / You = plural (more than one person). So, “ye” here is plural—Paul is addressing the entire congregation, not an individual.
Kaya hindi proper na sabihin ang salitang "ako ay iglesia ni Cristo"
READ THIS ARTICLE TO LEARN MORE:
HOUSE OR HALL REFUTATION
This refutation addresses common claims that small groups or house gatherings cannot be considered “church” and defends a balanced, biblical understanding.
1. Small Groups as Biblical Expressions of the Church
“Maraming churches ang mayroong small-group ministry… magandang avenue para sa pag-aaral ng Bibliya at pagbabahagi ng mga pangangailangan para sa suporta at panalangin.”
✅ Tama ito. Ang small groups ay mahalagang bahagi ng pag-aaral ng Salita, pananalangin, at pagdadala ng pasanin ng isa’t isa (Gal. 6:2). Sa Bagong Tipan, ang mga mananampalataya ay laging nagkakatipon sa mga bahay-bahay (Acts 2:46). Ang ganitong uri ng pagtitipon ay hindi lamang dagdag kundi aktwal na porma ng tunay na iglesya.
2. Focus on Small Groups: Problem or Potential?
“Dahil dito, hindi maiiwasan na ang small group ang nagiging church para sa kanila.” ⚖️ Bahagyang totoo, ngunit hindi awtomatikong mali. Sa Roma 16:5 at Filemon 1:2, malinaw na ang mga iglesia ay nagtitipon sa mga bahay. Hindi sinabi ng Kasulatan na Linggo lamang sa malalaking pagtitipon ang dapat maging sentro ng iglesya. Matthew 18:20 – “Where two or three are gathered in My Name, there am I among them.”
👉 Ang tunay na problema ay kung ang maliit na grupo ay nagiging sarado at hindi na nakikisa sa mas malawak na katawan ni Cristo.
3. Main Gathering vs. Small Gathering?
“Hindi dapat maging pamalit ang small group sa pangunahing pagtitipon ng church… may mga bagay kang hindi nararanasan.”
❌ Maling konklusyon. Walang talata na nagsasabing may “mas pangunahing” pagtitipon. Sa Acts 2, parehong binigyang-halaga ang temple courts (malaki) at mga tahanan (maliit). Hebrews 10:25 – “Huwag nating pabayaan ang pagtitipon.” Ngunit hindi nakasaad kung dapat malaki o maliit, Linggo lamang o hindi.
👉 Ang tunay na mahalaga ay ang katapatan sa pagtitipon sa pangalan ni Cristo.
4. Unity in Diversity: House or Hall? “Hindi nire-reflect ng small groups ang iba’t ibang edad at pinagmulan… ngunit nire-reflect ito ng lingguhang pagtitipon.”
❌ Hindi laging totoo. Kahit sa malalaking pagtitipon, madalas pa ngang hati-hati (youth service, women’s fellowship, etc.). Ngunit sa maliit na setting, nakikita ang lalim ng ugnayan. Galatians 3:28 – “There is neither Jew nor Greek… you are all one in Christ.”
👉 Ang pagkakaisa ay hindi nakabatay sa laki ng grupo kundi sa ebanghelyo.
5. Limitations of Small Groups? “Ang small group ay limitado… hindi matatagpuan lahat ng kaloob at ministry.”
⚖️ Bahagyang tama, ngunit hindi sapat na dahilan. 1 Cor. 12:7 – bawat isa ay may kaloob mula sa Espiritu. Walang garantiya na sa malaking pagtitipon ay naroon ang lahat ng kaloob, ngunit sapat ang mga kaloob na ibinibigay ng Diyos sa bawat lokal na katawan.
6. Leadership and the Lord’s Supper “Hindi pinamumunuan ang small group tulad ng church… hindi rin nito kayang ipagdiwang ang Lord’s Supper.”
❌ Maling pahayag. Sa Bagong Tipan, ang mga elder ay naglilingkod sa maliliit na house churches (Tito 1:5). Ang Hapunan ng Panginoon ay isinasagawa “kapag sila’y nagkakatipon” (1 Cor. 11:23-26), at ito ay kadalasang nangyayari sa mga tahanan.
👉 Ang tunay na isyu ay hindi ang laki ng grupo, kundi kung may tamang pamumuno at wastong pagkaunawa sa ordinansa.
7. The False Dichotomy: Small vs. Big “Gusto natin mapabilang sa church na may small groups, hindi sa church ng small groups… Ang sentro ng buhay ng church ay buong pagtitipon, hindi ang small groups.”
❌ Maling paglalagay ng sentro. Ang Bagong Tipan ay parehong nagpapakita ng malaki at maliit na pagtitipon. Ngunit malinaw na si Cristo mismo ang sentro ng iglesia (Col. 1:18), hindi ang laki ng pagtitipon.
👉 Ang pinakamalusog na modelo ay ang pagsasanib: malaki para sa pagkakaisa, maliit para sa lalim ng ugnayan.
Balanced Conclusion
✅ Organized churches with large gatherings are good—lalo na sa oversight, visible witness, at mas malawak na unity.
✅ Small groups are equally important—lalo sa discipleship, fellowship, prayer, and life-on-life ministry.
❌ Ngunit ang sabihing “hindi maaaring ituring na church ang small group” ay hindi ayon sa Kasulatan. Sa Biblia, house churches were real churches.
❌ Ang pagsasabing “Linggo ang sentro” ay higit na tradisyon kaysa utos ng Biblia. Acts 2:46 – “They continued to meet together in the temple courts and broke bread in their homes.”
👉 Pareho silang lehitimong ekspresyon ng iisang katawan ni Cristo.
Read this article
Small Group vs. Big Gathering: Kailan Masasabi na Tunay na Iglesia?
Click this link: https://www.facebook.com/photo/?fbid=1163340642636861&set=a.367845285519738
Pastor's Notebook