12/06/2026
WE NEED JESUS!
Halos lahat ng karatula ngayon ay may nakasulat na: "We Need Food." "We Need Water."
At tama naman po iyon. Kailangan natin ng pagkain at tubig para mabuhay. Pero sa gitna ng lindol, takot, at kawalan, may isa pang mas malalim na pangangailangan ang tao: Si Lord JESUS.
Ang pagkain ay pansamantalang magpapabusog. Ang tubig ay pansamantalang mag-aalis ng uhaw. Pero si Jesus lamang ang nagbibigay ng tunay na pag-asa, kapayapaan, at buhay na walang hanggan.
Sa panahong gumuguho ang mga gusali at nawawala ang seguridad ng mundo mas lalo nating kailangan ang Matibay na Bato na hindi kailanman matitinag.
"Jesus answered, 'I am the way and the truth and the life.'" — John 14:6
Pray for Sarangani. Hindi lang pagkain at tubig ang kailangan natin. Kailangan natin si Jesus.