Cofradía de Nuestra Señora de Loreto De Santa María Bulacan

Cofradía de Nuestra Señora de Loreto De Santa María Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cofradía de Nuestra Señora de Loreto De Santa María Bulacan, Church, Santa Maria.

07/10/2026

LORETO, AMING TAHANAN, SA’YO KAMI AY UUWI. 💙✨

Sa bawat paglalakbay, may tahanang lagi naming babalikan. Sa ilalim ng iyong mapagkalingang manto, Mahal na Birhen ng Loreto, kami’y muling uuwi, magpapasalamat, at mag-aalay ng aming mga panalangin.

Ngayong Pistang Loreto 2026, sama-sama nating ipagdiwang ang aming Ina at Patrona—ang Birheng laging bukas ang tahanan para sa bawat anak na lumalapit sa Kanya.

Viva la Virgen de Loreto!
Nuestra Señora de Loreto, Ina ng mga Tahanan, ipanalangin mo kami. 💙🌟

20/09/2026

Viajeng Loreto ||| | Matapos ang kaniyang marangal na Viajeng Loreto patungo sa Santuario Nacional de Nuestra Señora de Loreto de Manila.

Mula sa banal na tahanan ng Mahal na Birhen sa Maynila, muli Siyang nagbalik sa Santa María—taglay ang mga panalangin, luha, pag-asa, at pananampalataya ng Kaniyang mga anak.

“Hic Verbum Caro Factum Est.”

Sa ilalim ng kaniyang banal na paglingap, nawa’y manatili Siyang Tala sa Kalangitan at Tahanan ng Bawat Bulakenyo, gabay sa bawat tahanan at kanlungan ng mga pusong naghahanap ng pag-asa.

¡Viva la Virgen de Loreto!
¡Viva Nuestra Señora de Loreto de Santa María!
¡Viva la Cofradía de Nuestra Señora de Loreto!

Viajeng Loreto ||| | Matapos ang kaniyang marangal na Viajeng Loreto patungo sa Santuario Nacional de Nuestra Señora de ...
19/09/2026

Viajeng Loreto ||| | Matapos ang kaniyang marangal na Viajeng Loreto patungo sa Santuario Nacional de Nuestra Señora de Loreto de Manila.

Mula sa banal na tahanan ng Mahal na Birhen sa Maynila, muli Siyang nagbalik sa Santa María—taglay ang mga panalangin, luha, pag-asa, at pananampalataya ng Kaniyang mga anak.

“Hic Verbum Caro Factum Est.”

Sa ilalim ng kaniyang banal na paglingap, nawa’y manatili Siyang Tala sa Kalangitan at Tahanan ng Bawat Bulakenyo, gabay sa bawat tahanan at kanlungan ng mga pusong naghahanap ng pag-asa.

¡Viva la Virgen de Loreto!
¡Viva Nuestra Señora de Loreto de Santa María!
¡Viva la Cofradía de Nuestra Señora de Loreto!

Setyembre 14 | Exaltation of the Holy CrossSa kahoy ng Krus na banal ni Hesus na Poong mahal, nalupig ang kamatayan, at ...
13/09/2026

Setyembre 14 | Exaltation of the Holy Cross

Sa kahoy ng Krus na banal ni Hesus na Poong mahal, nalupig ang kamatayan, at sa Kanyang muling pagkabuhay, ang pag-asa ay muling sumilay. Sa Krus, nahayag ang sukdulang pag-ibig ng Diyos—isang pag-ibig na nagtiis, nag-alay, at nagligtas.

Ngayong Setyembre 14, ating dakilain ang Banal na Krus, tanda ng ating kaligtasan at bukal ng ating pag-asa. Nawa’y sa bawat pagsubok na ating pinagdaraanan, manatili tayong matatag at kumapit sa Krus ni Kristo, sapagkat dito natin matatagpuan ang liwanag sa gitna ng dilim at buhay sa gitna ng kamatayan.

“Ave Crux, Spes Unica.”
O Krus, aming natatanging Pag-asa.

Replica Exhibit | National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto 2026.
10/09/2026

Replica Exhibit | National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto 2026.

KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHEN MARIA Sa araw na ito, Setyembre 8, buong galak at debosyon nating ipinagdiriw...
08/09/2026

KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHEN MARIA

Sa araw na ito, Setyembre 8, buong galak at debosyon nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng ating Panginoong Hesukristo at mapagmahal na Ina ng sambayanan.

Sa pagdiriwang na ito, kaisa ng buong Simbahan ang Cofradía de la Nuestra Señora de Loreto de Santa María sa pagpaparangal sa Mahal na Birhen. Nawa’y sa pamamagitan ng kanyang mapagkalingang pag-aaruga at makapangyarihang panalangin, patuloy niya tayong akayin tungo sa kanyang Anak na si Hesus at patatagin sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Loreto, ipanalangin mo kami!
Viva la Virgen de Loreto! 🤍🌹




VISITA LORETO III | SETYEMBRE 2026  “O Birheng Maria, sakdal linis at ganda,  Ikaw ang tanglaw sa madilim na kalsada.  S...
03/09/2026

VISITA LORETO III | SETYEMBRE 2026
“O Birheng Maria, sakdal linis at ganda,
Ikaw ang tanglaw sa madilim na kalsada.
Sa iyong panalangin at pag-ibig na wagas,
Lunas sa dusa ang sa amin ay pumapagaspas.”

Sa pusong puspos ng galak, pag-ibig, at debosyon, buong pagpapakumbaba naming ipinahahayag ang muling paglalakbay ng Mahal na Imahen ng Birhen Loreto ng Santa Maria tungo sa Pambansang Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen Loreto sa Maynila.

O Mahal na Birhen Loreto, aming Ina at tanglaw, Samahan Mo kami sa bawat hakbang ng aming paglalakbay. Sa gitna ng mga pagsubok at dalamhati, manatili Ka sanang aming kanlungan at pag-asa.

Ora pro nobis, Sancta Maria Lauretana.

Kapistahan nang Birhen Loreto 2025 | Tignan ang mga litrato nuong naka-lipas na ika Sampu nang Disyembre nuong nakalipas...
02/09/2026

Kapistahan nang Birhen Loreto 2025 |
Tignan ang mga litrato nuong naka-lipas na ika Sampu nang Disyembre nuong nakalipas na taon,

Taon nang Jubileo nang Pag-Asa
Mahal nang Birhen ng Loreto Aming Tahanan at tanggulan nang mga maka salanan Ipanalangin mo kami.

6AM MASS | Rev. Fr Jonathan Ventura
5:30PM MASS | Rev. Fr Arvin Jimenez


Address

Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradía de Nuestra Señora de Loreto De Santa María Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category