Parish of St. Helena,the Empress -Camarines Norte

Parish of St. Helena,the Empress -Camarines Norte This is the official Facebook account of the Parish of St.Helena the Empress in Sta. Elena, Camarines Norte - Diocese of Daet.

The Holy Mass for the Solemnity of Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary December 9,2024 at 8:00amat Parish o...
08/12/2024

The Holy Mass for the Solemnity of Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary

December 9,2024 at 8:00am
at Parish of St. Helena,the Empress -Camarines Norte

Panahon na ng Adbyento. Naghahanda na tayo sa kapanganakan ng Panginoong Hesus. Manalig. Maghintay. Manatili.December 1,...
30/11/2024

Panahon na ng Adbyento.

Naghahanda na tayo sa kapanganakan ng Panginoong Hesus.

Manalig. Maghintay. Manatili.

December 1,2024
1st Week of Advent 😇

NAGKAKAISANG PAGSUSUMAMO, NAGKAKAISANG PAGTUTULUNGAN Sa Kanlong ng Manto ni Inaika- 6 ng gabi, Abril 19, 2020(SARARONG P...
18/04/2020

NAGKAKAISANG PAGSUSUMAMO, NAGKAKAISANG PAGTUTULUNGAN
Sa Kanlong ng Manto ni Ina
ika- 6 ng gabi, Abril 19, 2020
(SARARONG PAG-ARANG
SARARONG PAGTARABANG
Sa Lindong kan Manto ni INA)

PARI: ​​Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan: ​Amen.
PARI:​​Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:​At sumaiyo rin.
​​
Sa gitna nang ating mahirap na kalagayan, nagkakaisa tayo sa pagsusumamo sa Panginoon sa paghingi ng biyaya ng pagpapatigil nitong Corona Virus at ang biyaya ng patuloy na pagkakaisa na puno ng pagmamalasakit sa ating kapwa.

Kaya sa harapan ng Mahal na INA at Divino Rostro, manalangin tayo para sa kanyang mahabaging pagtulong at pag- ibig sa atin.

PAGBASA NG EBANGHELYO:

​Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Juan (Jn. 19: 25-27)
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ina, ituring mo siyang sariling anak!” At sinabi niya sa alagad, “Ituring mo siyang iyong ina!” Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.
​Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka naming Panginoong Jesucristo.​

MENSAHE NG MGA OBISPO NG BIKOL. (Magsiupo ang lahat.)

PANALANGIN LABAN SA CORONA VIRUS SA KANLONG NG MANTO NI INA, NUESTRA SEÑORA DE PEÑAFRANCIA. (Magsiluhod)

Ama naming Makapangyarihan, bukal ng lahat ng kagalingan
ibinigay mo si INA, Patrona ng Kabikolan
bilang aming saligan sa oras ng kahirapan.

Lumuluhod kami ngayon sa mahal mong harapan
Sa kanlong ng manto ng aming INA
Umaasang kahahabagan ng malaki Mong awa.
Ang aming kinasasadlakang pagtitiis dahil sa pandemyang ito.

Humihiling kami ng iyong mapaghimalang tulong
Para sa mga nangangalaga sa mga maysakit,
Nang bukal ng lakas para sa mga kapatid naming
nasa gobyerno at pribadong ahensya
na naghahanap ng tamang hakbang, upang ang lahat
ay maging ligtas at matapos na ang pandemyang ito.

Ipinagdarasal namin ang mga maysakit, pagaanin mo
po ang kanilang nararamdaman at ibalik ang lakas
ng kanilang katawan.
At dalhin sa kapayapaan silang mga yumao na.

Buksan mo ang mga puso sa malayang pagbabahagi
ng mga biyaya ng pagmamahal, pagkalinga
at pagtulong para sa kabutihan ng lahat.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Jesucristo, na aming Panginoon.

Amen.

DALIT

Kaming mga anak mo sa salot, gutom at lindol iyong ipag-adya
Sapagkat sa mga kailangan namin ikaw ang tanging pag-asa
Basbasan mo kami nang aming matitigan
ang mukha mo sa kalangitan, sa langit ng kaluwalhatian.

​O Virgen Mariang Mahal, de Peñafrancia ang ngalan,
​Patrona ng Kabikolan, ikaw ang saligan.

Sa lahat ng kakapusan, ikaw ang aming pinananaligan
Mahabagin, Dakila ang iyong awit para sa sangkatauhan.
Ang lahat ay sumasambit ikaw ang aming bahaghari
na ang salot o peste ay iyong isinasantabi.

​O Virgen Mariang Mahal, de Peñafrancia ang ngalan,
​Patrona ng Kabikolan, ikaw ang saligan.

Pakinggan mo O aming ligaya, ang mga tinig ng nagmamakaawa
Nang buong kabikolan mga anak mong sumisinta
Ang kalunoslunos naming panawagan sa langit ay dalhin mo na.

​O Virgen Mariang Mahal, de Peñafrancia ang ngalan,
​Patrona ng Kabikolan, ikaw ang saligan.

Banal na Mukha ni Jesus (Divino Rostro)​-​Maawa ka sa amin
Mahal na Birhen ng Candelaria​​-​Ipanalangin mo kami
San Miguel Arkanghel​​​​-​Ipanalangin mo kami
San Jose de Camarines Norte Manggagawa - ​Ipanalangin mo kami
(Idagdag ang pangalan ng patron ng Parokya)

AMA NAMIN

PARI:​Nagkakaisa sa pagsusumamo sa Panginoon, sa Kanlong ng Manto ni INA, manalangin tayo ng panalanging itinuro ni Jesus na ating Panginoon.

(Aawitin ang AMA NIAMO)

PAGBABASBAS

PARI:​​Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:​At sumaiyo rin.
PARI:​Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos, ang Ama at ang Anak at ang Espiritu Santo.
Bayan:​Amen.
PARI:​​Humayo kayo sa kapayapaan ni Cristo, Alleluia! Alleluia!
Bayan:​Salamat sa Diyos, Alleluia! Alleluia!

AWITIN ANG RESUENE VIBRANTE

The altar retablo project at Parish Sta Elena, Sta.Elena,Camarines Norte is on-going.You may give your donations for the...
23/04/2019

The altar retablo project at Parish Sta Elena, Sta.Elena,Camarines Norte is on-going.

You may give your donations for the said project to:

Rev.Fr. Jose R. Julian
Parish Priest
C.P.no. 09186313439

Engr.Vicente “Pocholo” Dimatera,Jr.
Hermano Mayor 2018
C.P.no. 09189090786

Dr.Luthgarda R. Villaluz
Hermana Mayor 2019
C.P.no. 09177105847

Mrs.Elena O. Roxas
PFC Coordinator
C.P.no. 09171466989

Mrs.Eden V. Dimatera
PPC Coordinator
C.P.no. 09176234440

Semana Santa 2019Palm Sunday-April 14,2019
14/04/2019

Semana Santa 2019

Palm Sunday-April 14,2019

Welcome and Congratulations to our new Bishop of Daet, the Most Rev. Rex Andrew C. Alarcon, D.D.!
20/03/2019

Welcome and Congratulations to our new Bishop of Daet, the Most Rev. Rex Andrew C. Alarcon, D.D.!

TEATRO EMPERATRIS PRESENTS "CULTURAL SHOW FOR A CAUSE" FEBRUARY 10, 2019 .ELENA GYMNASIUM. SEE YOU THERE! PLEASE DO SUPP...
04/02/2019

TEATRO EMPERATRIS PRESENTS
"CULTURAL SHOW FOR A CAUSE"
FEBRUARY 10, 2019 .ELENA GYMNASIUM. SEE YOU THERE!
PLEASE DO SUPPORT OUR SHOW
THANK YOUUUUUUUUU!!! ❣️❣️

Happy 65th birthday Rev.Fr. Jose Julian.
08/02/2018

Happy 65th birthday Rev.Fr. Jose Julian.

Mga aktibidad...Oct 9- Relic of Blessed Fr. Marie-Eugene of the Child Jesus at Parish Sta ElenaOct 10- Novenary mass 100...
08/10/2017

Mga aktibidad...
Oct 9- Relic of Blessed Fr. Marie-Eugene of the Child Jesus at Parish Sta Elena

Oct 10- Novenary mass 100 yrs of Our Lady of Fatima apparition at Fatima Shrine, Vinzons, Camarines Norte

Ito ang ating simbahan.Pagpalain tayong nanampalataya kay Hesus bilang ating Diyos.
27/08/2017

Ito ang ating simbahan.

Pagpalain tayong nanampalataya kay Hesus bilang ating Diyos.

Address

Santa Elena
4611

Opening Hours

Tuesday 6am - 7pm
Wednesday 6am - 7pm
Thursday 6am - 7pm
Friday 6am - 7pm
Saturday 6am - 7pm
Sunday 6am - 7pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish of St. Helena,the Empress -Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish of St. Helena,the Empress -Camarines Norte:

Share