25/05/2026
Mayo 26, 2026 | Martes Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Marcos 10:28-31
28 At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo.”
29 Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, 30 ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan. 31 Ngunit maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahúhulí ang mauuna.”
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo