29/04/2026
Day 4 -Elders Crusade
Theme: Messages of Hope
Health Lecture: Sis. Amie Gella
Speaker: Elder Crisel Villareal
Sa kabila ng dilim dulot ng blackout, hindi napigilan ang liwanag ng Salita ng Diyos. Patuloy itong nagniningning sa ating mga puso. Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa ilaw na Kanyang ipinagkaloob, maging sa pamamagitan ng solar light, bilang paalala na ang Kanyang liwanag ay hindi kailanman mawawala.
Sinasabi sa John 8:12
“Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.”
Mga kapatid, maaaring may mga sandali ng kadiliman sa ating buhay mga pagsubok, pag aalala, at pagod. Ngunit inaanyayahan tayo ni Jesus na lumapit sa Kanya.
Sa Matthew 11:28
“Come unto Me, all ye that labor and are heavy laden, and I will give you rest.”
Ang Diyos ay nagbibigay sa atin ng pribilehiyo na hanapin Siya sa taimtim na panalangin. Maaari nating ilapit sa Kanya ang lahat ng ating pinapasan, walang itinatago. Siya ay handang makinig, magpagaan ng ating loob, at magbigay ng kapahingahan.
Sa gitna ng dilim, ang liwanag ng Diyos ang ating pag asa. Sa gitna ng bigat ng buhay, ang Kanyang paanyaya ang ating pahinga.
Manalangin tayo
Ama naming Diyos, salamat sa Iyong liwanag na hindi nawawala kahit sa gitna ng kadiliman. Turuan Mo kaming lumapit sa Iyo sa bawat oras ng aming pangangailangan. Tanggapin Mo ang aming mga alalahanin at bigyan Mo kami ng kapayapaan at pahinga. Sa pangalan ni Jesus, Amen.