15/04/2026
May mga gabi ba na nakatitig ka lang kung saan at tinatanong ang sarili mo, "May pag-asa pa ba ang buhay ko?" Minsan, ang bigat ng mga tanikala ng nakaraan. Pakiramdam natin, dahil sa mga maling desisyon at pagkukulang, wala na tayong karapatang lumapit sa Diyos. Sabi nga sa Roma 3:23, "Ang lahat ay nagkasala at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos." Nakakalunod ang pakiramdam na parang habambuhay na tayong nakakulong sa dilim.
โPero heto ang plot twist na babago sa buhay mo... ๐
โHindi hinayaan ng Diyos na manatili tayo sa dilim. Dahil sa laki ng pagmamahal Niya, gumawa Siya ng paraan. Alam nating lahat ang pangakong ito: "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16).
โHindi ka Niya hinusgahan. Sa halip, inalay Niya ang lahat para sa 'yo. Kahit noong tinalikuran natin Siya, hindi Siya bumitaw. "Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayoโy makasalanan pa" (Roma 5:8).
โKapatid, hindi ka pa huli. ๐ค
โAng "May Pag-asa Pa" ay hindi lang basta slogan. Ito ay katotohanang naghihintay sa 'yo. Ang kailangan mo lang gawin ay aminin na kailangan mo Siya, manampalataya na si Jesus ang iyong Panginoon (Roma 10:9), at tumawag sa Kanya.
โDahil ang sabi sa Roma 10:13, "Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas." Putulin na natin ang mga tanikala ng lungkot at kasalanan. Ngayong araw, may bagong bukas na naghihintay sa 'yo. Ang liwanag ay narito na.
โSi Jesus ang Daan. Piliin mo Siya ngayon. โค๏ธ๐
โ