16/08/2026
𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀
𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | Ngayong araw ay buong galak na ipinagdiwang ng pamayanang Kristiyano ng Our Lady of Assumption Quasi Parish ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria.
Ang Misa Mayor ay pinangunahan ng ating Lubhang Kagalang-galang
𝐃𝐞𝐧𝐧𝐢𝐬 𝐂. 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐫𝐨𝐣𝐨, 𝐃.𝐃., 𝐎𝐛𝐢𝐬𝐩𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬𝐞𝐬𝐢𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐨𝐥𝐨𝐬.
Sa banal na pagdiriwang na ito, sama-sama nating ipinagdiriwang ang halimbawa ng Mahal na Birheng Maria—ang kanyang matibay na pananampalataya, kababaang-loob, at buong pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.
Nawa’y patuloy tayong akayin ng ating Mahal na Ina palapit sa kanyang Anak na si Hesukristo at maging inspirasyon sa atin ang kanyang buhay ng paglilingkod at pananampalataya.
Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina namin, ipanalangin mo kami. 🙏
𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐋𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧! 𝐕𝐢𝐯𝐚!