Iglesia Ng Espiritu Santo Kawang Gawa Pag-ibig Pananampalataya

Iglesia Ng Espiritu Santo Kawang Gawa Pag-ibig Pananampalataya Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Iglesia Ng Espiritu Santo Kawang Gawa Pag-ibig Pananampalataya, Tibsok, San Enrique.

27/07/2020
26/07/2020

ANO ANG TUNAY NA ITINUTURO NG BIBLIYA TUNGKOL SA KALIGTASAN?

Napakaraming ibat-ibang relihiyon ang nagsulputan, bawat isa iba-iba ang itinuturo tungkol sa kaligtasan ng ating espiritu. May mga nagsasabing, sumampalataya lamang at tanggapin ang Panginoon bilang sariling tagapagligtas ay maliligtas ka na, kahit hindi ka na gumawa. Meron din nagsasabing, kailangan umanib ka sa kanilang iglesia para maligtas ka at marami pang ibang paniniwala tungkol sa kaligtasan. Pero ano nga ba ang tunay na itinuturo ng bibliya tungkol sa kaligtasan?

ANO ANG MGA DAPAT GAWIN UPANG MAGKAMIT NG KALIGTASAN ANG ATING KALULUWA SA KABILANG BUHAY?

A. ANG MAKILALA NATIN ANG DIOS AMA AT KANYANG BUGTONG NA ANAK NA ATING PANGINOONG JESUCRISTO.

"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, samakatuwid bagay si Jesucristo. ( Juan 17:3 )

B. SUMAMPALATAYA SA DIOS AT SA PANGINOONG JESUCRISTO.

"At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin." (Juan 12:44) Pag tayo'y sumampalataya sa Panginoong Jesucristo, hindi lang tayo sa kanya sumampalataya, kundi higit sa lahat sa Dios Ama na sa kanya'y nagsugo. (Juan 3:16, Gawa 4:12, Roma 5:9, Gawa 16:31, Juan 1:12)
Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.
Juan 3:36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang p**t ng Dios ay sumasa kaniya.

C. UMANIB SA TUNAY NA IGLESIA NA ITINAYO NG DIOS.

"Ang pag-ibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kap**tan ninyo ang masama, makisanib kayo sa mabuti." (Roma 12:9)
"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang boong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kanyang sariling dugo." (Gawa 20:28) Ang tunay na iglesia tinayo ng Panginoon ang tinubos niya ng kanyang dugo.

Paano natin makikilala ang tunay na iglesiang tinayo ng Panginoon?
Makikilala natin ito sa mga sangkap na inilagay ng Dios sa kaniyang iglesia.
"At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga g**o, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at ibat-ibang mga wika." (I Corinto 12:28)
Ang mga ito ang katangian ng tunay na Iglesia na itinayo ng Panginoon na dapat nating aniban.

D. MAGSISI AT TALIKURAN ANG MGA KASALANAN.
"Ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na magsisi't talikuran ang kanilang masamang pamumuhay." (Gawa 17:30) "Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag iisip ang taong liko." (Isaias 55:7)

1 Pedro 4:1 Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan; 2Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios. 3Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan:

E. MAGPABAUTISMO SA TUBIG AT SA ESPIRITU SANTO
"Sumagot si Jesus , katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios." (Juan 3:5) "Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi, datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapanyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak, siya ang sa inyo'y mababautismo sa Espiritu Santo at apoy." (Mateo 3:11)
MAHALAGA ANG BAUTISMO,
Sapagkat sa pamamagitan nito, tatanggapin natin ang kaloob ng Espiritu Santo.
Gawa 2:38
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
Sa pagdating ng Espiritu Santo, ang bawat isa ay tatanggap ng kapangyarihan.
Gawa 1:8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggangsa kahulihulihang hangganan ng lupa.

F. LUMAKAD GAYA NG NILAKAD NG PANGINOON.
"Ang nagsasabing siya'y nananahan sa kanya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng nilakad niya." (I Juan 2:6) "Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sa akin ay sumampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa, at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya, sapagkat ako'y paroroon sa Ama." (Juan 14:12) Ano ang mga ginawa ng Panginoon na nais niyang gawin din naman natin?
SIYA'Y NAGPABAUTISMO
MATEO 3:16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; 17At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
NAGPAKABANAL
Juan 17:19 At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
SIYA'Y NANGARAL NG EBANGELIO, NAGPAGALING NG MAY SAKIT, NAGPALAYAS NG DEMONIO, GUMAWA NG MAKAPANGYARIHANG MGA GAWA, NANG WALANG HINIHINTAY NA KABAYARAN. KAYA'T ANG MGA ITO AY INIUTOS DIN NIYA SA KANYANG MGA ALAGAD.
"At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio, tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad." (Mateo 10:7-8)

G. MAGING TAGATUPAD NG UTOS AT HINDI TAGAPAKINIG LAMANG.
"Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili." (Santiago 1:22) (Mateo 7:26) (Juan 14:21)
Santiago 2:17-19 Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.
18Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking pananampalataya. 19Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig. 20Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?

H. MAKIPAGTIIS SA DAAN NG PANGINOON HANGGANG WAKAS

2 Timoteo 2: 3-10

3Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. 4Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal. 5At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid. 6Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga. 7Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
8Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio: 9Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan. 10Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.

"Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas." (Mateo 24:13) "At kayo'y kapop**tan ng lahat ng tao dahil sa aking pangalan, datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas." (Marcos 13:13)

MATEO 7:13 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. 14Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.

26/07/2020

ARAL NA SANA MABASA NG LAHAT.

" ONE THOUSAND PESO BILL "

May isang kilalang Preacher na tumayo sa pulpit para sa isang seminar. Dumukot sya ng one thousand peso bill, at ipinakita sa lahat ng nakaupo na may mahigit isandaang katao at nagtanong,

“Sino ang may gusto nitong isang libong piso?”

… Taasan ng mga kamay.

“O sige,” sabi ng Preacher, “pero sandali,”

tapos nilamukos nya ang perang one thousand pesos. Tapos nagtanong ulit...,

“O, sino pa rin ang me gusto nito?”

Muli, taasan pa rin ng mga kamay ang mga tao.

“Okey,” sabi ng Preacher. “Pa’no kung gawin ko ito?”

Tinapon nya sa lapag ang nilamukot na one thousand pesos, at inapakan nya ng maruming sapatos, dinampot at ipinakita uli sa mga nakaupong congregation.

“Ngayon, sino pa rin ang me gusto nito?” Muli, taasan pa rin lahat ng mga kamay.

“Mga kapatid, may natutunan kayong aral. Kahit anong gawin ko dito sa pera, ibig nyo pa rin dahil hindi nabawasan ang halaga nya. Isang libong piso pa rin ito.

Maraming beses sa buhay natin, tayo’y naging marumi, bumagsak, isang basura, patapon, at inaapakan dahil sa mga desisyon at mga pangyayari sa buhay natin. Sa palagay natin, wala na tayong halaga. Pero anuman ang nangyari o mangyayari sa buhay natin, hindi nababawasan ang halaga natin sa mata ng Diyos.

Sa Kanya, malinis man tayo o marumi, inapakan man o binasura, ikaw ay mahalaga sa Kanya.”

Word of God: Psalm 17:8 states that God will keep us, “as the apple of His eye.”.

To God be the glory forever. Amen..."

28/01/2018

malapit na ang mahal na araw

08/10/2017

Thanks for d liker'sliker's

17/04/2017

pwd rin mag post mga kapatid basta sa ating katoroan lamang

17/04/2017

salamat sa lahat

04/10/2016
19/09/2016

salamat mga kapatid sa like nito

Address

Tibsok
San Enrique

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Iglesia Ng Espiritu Santo Kawang Gawa Pag-ibig Pananampalataya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share