22/12/2025
Last December 21 at Sepnas Perez Hall, we were reminded of what truly makes Christmas meaningful—Christ living in our families. ❤️
Sa ating pagtitipon, naging higit pa ito sa isang selebrasyon. Isa itong biyayang sandali ng pasasalamat, pagsamba, at masayang pagsasama. Ang makita ang bawat pamilya na nagkakaisa ay paalala na kapag si Kristo ang sentro, nag-uumapaw ang kagalakan, pag-ibig, at pag-asa.
Bawat ngiti, awit, at presentasyon ay nagsilbing patotoo ng katapatan ng Diyos at ng kahalagahan ng pamilya at pananampalataya.
Lubos din kaming nagpapasalamat kay Pastora Letecia Pidlaoan for sharing the Word of God. Through her message, we were reminded of the humility of Christ—that the Savior of the world came not in power, but in simplicity and surrender.
Special thanks as well to Sis. Tina Fermin for her generosity as the sponsor of the raffle and games prizes, adding joy and excitement to the celebration.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at naglingkod—sa mga committees, brothers and sisters, and everyone who shared their time, effort, and hearts to make this event possible. Dahil sa sama-samang paglilingkod, naging mas makabuluhan at memorable ang araw na ito.
Nawa’y manatili sa ating mga puso ang natutunan natin: si Kristo ay hindi lamang isinilang tuwing Pasko, kundi araw-araw na isinasabuhay sa ating mga pamilya at puso.