27/05/2026
Mahal naming Fr. Ace Yu,
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong tatlong taong paglilingkod bilang kura paroko ng Parokya ni Santo Tomas de Aquino. Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pagmamahal, at paglilingkod sa aming pamayanan.
Sa loob ng mga taong kayo po ang aming naging pastol, naging inspirasyon po kayo sa aming pananampalataya. Sa inyong mga pangaral, panalangin, at malasakit, mas lalo naming naramdaman ang pag-ibig ng Diyos sa aming buhay. Marami po kayong natulungan at napalakas ang loob sa panahon ng pagsubok.
Hindi po namin malilimutan ang inyong kababaang-loob, dedikasyon, at tunay na malasakit sa mga Katutubong Aeta ng Bangkal at sa bawat pamilya at mananampalataya ng parokya. Ang inyong paglilingkod ay nag-iwan ng magandang alaala at malaking bahagi sa paglago ng aming simbahan at pananampalataya.
Dalangin po namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon sa inyong susunod na misyon. Nawa’y manatili kayong malakas, masaya, at puspos ng biyaya habang ipinagpapatuloy ninyo ang inyong bokasyon bilang lingkod ng Diyos.
Maraming salamat po, Fr. Ace Yu. Lagi po kayong mananatili sa aming puso at panalangin.
Lubos na nagpapasalamat,
Ang Pamayanan ng Parokya ni Santo Tomas de Aquino